Miyerkules. Ang araw na aking pinakahihintay ang awarding ceremony. Mamaya pa pagkatapos ng lunch break idadaos ang awarding ceremony. Kaya sa ngayon, kinig muna sa leksyon.
Pumasok na ang guro namin sa TLE at sinimulan ang mahabang palinawagan. Nagustuhan ko agad ang lesson dahil tungkol ito sa Basic Baking Techniques kaya panay ang pagsulat ng notes para maintindihan ang leksyon.
Ang mga kaklase ko sa likod, lahat sila tulog o di naman kaya may sinusulat sa upuan at nakatulala lang. Inaamin ko na medyo nakakatamlay ang lesson pero kayanin dapat kasi kasali ako sa honor roll since birth.
"Class makinig muna!" Sabay hampas ng kanyang class record sa kanyang mesa.
"Total hindi ko pa kayo kilala lahat, I want you to submit a 2 by 2 picture niyo at ilagay ang pangalan niyo sa likod ng retrato. Kuha niyo?"
"Okay Ma'am..." Ang aming malamyang sagot.
Natapos na ang leksyon sa TLE at sa wakas may panahon na para makipagchika sa iba.
Dumaan na ang Math... Science... at sa wakas lunch break na at mamaya na gaganapin ang awarding ceremony.
Pumunta na agad ako sa canteen para makabili naman ng makakain.
"Ate! Ginataan lang yong akin!"
"Okay. Drinks miss?" medyo cute na tanong ng kahera.
"Sprite lang."
"Okay makakarating."
Inantay ko ang inorder kong Ginataan at ang soft drink na may biglang gumulat at sumigaw sa aking likuran ng...
"Ayiee para yan kay Andrew noh?" biglang sigaw si Francis.
"Hindi noh?" ang mabilis na sagot.
"Wala siyang pack lunch."
"Huh? Papatayin moko sa gutom? Maghanap siya." naging mataray kong sagot.
Pinagtaasan ko siya ng boses! Ang sama ko at ba't ko ginaganyan ang crush ko!
"Sorry Francis kung napagtaasan kita ng boses sana mapatawad mo ako."
"Ok lang. Ganun naman talaga pag nagmamahal diba?"
"Ewan ko sayo. Kakain muna ako." naging mataray din ako ng part na yun.
Kumaripas na ako ng takbo papuntang classroom at inaamin ko naman na hindi ko dapat pinagtaasan ng boses si Francis. Nakakahiya sa part ko!
Tumunog na ang bell at hudyat na ito na magsisimula na ang awarding ceremony at igagawad na sa mga karapat-dapat ang kanilang mga premyo.
Lumabas na kami sa aming mga rooms at dumiretso na sa school gym. Libo-libong estudyante naghihiyawan at naguusap kung sino ang mananalo. Ang iba naman panay ang make-up, ang iba natutulog, at iba naman halatang walang paki-alam sa program.
Nakahanap agad ng pwesto ang aming section at umupo na ng sabay-sabay. Matamlay si Andrew at parang inaantok. Pagod at hapong-hapo ang itsura. Nahihiya akong lumapit sa kanya dahil nga kaming dalawa ang trending topic sa klase.
Kaya hinayaan ko muna siya. Hindi ko alam kung bakit parang nakakabagot ang program kaya muntik na akong makatulog dahil na rin siguro sa mga ginagawa ko this week.
Sinimulan na ang pagbigay ng medalya sa mga karapatdapat.
"Ang una nating pararangalan ang mga nakilahok sa bulletin board." At di kataka-taka ang nanalo sa bulletin board ay ang Fourth year section 15.
At ngayon paparangalan na ang mga nanalo sa Poster Making Contest...
May mga pa-thrilling music pang nalalaman.
Inaamin ko naman na medyo kinakabahan ako. Sumigaw na ang emcee.
"3rd runner-up goes to...
"Fourth year section 15!!"
"2nd runner up goes to...
"Third year section 20!!"
"1st runner up goes to... Are you guys excited?"
May nagsabi ng Noooo dahil nadismaya o nabagot na. Meron ding naghiyawan at may iba pang naluluha.
"First runner up is... Second year Section 2!"
At iaanunsyo na sa wakas ang panalo!!
"And finally we will announce the champion of the Poster Making Contest..." sigaw ng emceee
Kinakabahan na ako naku hindi na ako mapakali!
"And the champion is..."
May thrilling music na naman.
"The winner ... "
Bilisan mo na hindi na ako mapakali.
"The champion.... will recieve 1500 pesos because of their outstanding effort.
"Wala nang patumpik-tumpik na ang panalo ay ang...
Third year Section 8!!"Naghiyawan at iba ay medyo dismayado.
"Aaaaaaaaahhhhh!!! Panalo kami ahhhh!!!" isang malakas na sigaw mula sa malayo.
"Salamat Lord!! Guys..." isa pang sigaw pa ang aking narinig.
May mga umiyak at di mapigilan ang excitement. Alangan naman ang premyo sa patimpalak na iyon ay 1,500 pesos at ganyan kayaman ang eskwelahan namin.
Sa kasamaang palad hindi kami ang Third Year Section 8 kami nga pala ang Third Year Section 7. Galing noh? Iyon ang klase kung saan makikita natin si Samantha Sabroso.
Bumaba na si Janelle Ostrozo ang representante ng Third Year Section 8. Kinuha na ang kanyang medalya at ang 1500 pesos cash.
Meron pa yung Cooking Contest. Wag niyo yang kakalimutan ako ang makakakuha ng medalya.
Ginawaran na ang nanalo sa mga talumpati at iba pang contests sa Nutrition Month.
"The last but not the least is the awarding for the winners in the Cooking Challenge. I hope you're excited with the results!
"Third runner up is...
"Fourth Year Section 1... Sarah Jane dela Cruz."
Medyo kinakabahan na ako.
"The second runner up is..."
Okay, medyo kinakabahan na ako.
"Third Year Section 14... Amelia Cortez"
Naghiyawan mula sa malayo ang aking mga kaklase.
Oh my hahaha tama nga naman ang sinabi ni Sir Gaudencio makakakuha ako ng spot sa contest.
Nagmadali na akong pumunta patungo sa stage at binigyan na ng certificate.
"The first runner up is... Justin Constencio"
Sino kaya ang panalo? Hmmmm
"And the champion of this years Cooking Challenge is...
"And he or she will get a prize of 2000 pesos cash..."
Ano ba! Ang tagal naman.
"And the champion is...
"Samantha Sabroso! Third Year Section 7!"
Naghiyawan na naman sila dahil nanalo siya. Famous pala si Samantha? Hahahaha hindi ko inasahan. Marami ding hindi natuwa sa kanya. Pero saludo pa rin ako sa kanya. Ang sarap kasi ng Potchero niya.
"Teka teka sandali lang... It looks like we have a technical error. Ang panalo pala sa Cooking Contest this year ay si... Teka lang..."
Huh? Ano to!
BINABASA MO ANG
Mahal nang Magmahal Ngayon
Teen FictionBinabayaran na ba ang "I Love You " ngayon? Seryoso ba yan? Ganun na ba talaga ang pananaw nila sa pag-ibig ngayon? Barya-barya lang? Sa bagay, iiwan ko na sa inyo ang sagot. Amelia Cortez, ang taong kaya ibigay ang lahat para sa taong minamahal. Ak...