Zero Balance

9 1 0
                                    

Oras na para sa asignaturang Filipino. Tinabihan niya ako at nag-usap kami habang inaantay ang guro namin para sa Filipino.

"Alam mo bang lumiban ako sa klase para masilayan ka lang?" sabi niya.

"Salamat sa lahat ha. Utang ko sa'yo lahat"

"Huwag mo na akong bayaran. Ayos lang!"

Thank You Andrew!!

"Ano samahan kita mamaya bumili para sa cooking contest?" imbita niya.

"Ikaw pero huwag nalang siguro"

"Huwag na?! Sasamahan kita baka ano pang mangyari sa'yo" sabi niya.

Ewan ko ba ba't pumapayag ako sa mga trip niya. Gentleman talaga siya at pinagmamalaki kong naging kaibigan ko siya at hanggang kaibigan lang talaga.

Natapos na lahat ng klase at sa totoo lang, kaming dalawa ang nakakaalam sa mga nangyari kanina. Inaantay ko siya na lumabas ng room, nang nakarinig ako ang may nagbubulungan sa likod ng pintuan sa ibang section.

"Alam mo na ba sino ang crush ni Andrew?" wika ng unang boses

"Napakamanhid daw at akala mo sinong maganda. Ang pangit nang hitsura, pero matalino naman kahit papaano." sabat ng pangalawang boses

"Kahit na! Akin si Andrew at mapapasaakin siya. Talbog nang iba." pagmamalaki ng pangatlong boses

"At saka mas maganda ako ng sampung milyong beses sa kanya kaya humanda siya sa akin" pagmamalaki ulit nang pangatlong boses.

Ang sarap sapakin nang tatlong iyon lalo na yung pangatlong nagsalita ang sarap sabunutan. Teka lang! Ba't ako naaapektuhan? Hindi naman ako ang pinag-uusapan. Siguro nagmamalasakit lang ako sa kanilang pinaguusapan. Patuloy pa rin akong nakikinig sa kanilang pag-uusap at habang tumatagal mas marami ang aking nalalaman.

"Wait parang kilala ko ata yun! Wait try ko i-remember" wika ng unang boses.

Mas naintriga ako kaya lumapit ako nang husto sa pintuan.

"Wait parang alam. Teka! Si Ah ... Ah..."

Nananabik ako at gusto ko talagang malaman kung sino ang kanilang pinaguusapan

"Ahmm ...Si Ano! Si..."

"Bilisan mo nga! Sino nga ba talaga iyan!" wika ng pangalawang boses.

"Wait... Si...Ahmmmm"

Nang biglang tinapik ako ni Andrew na ikinagulat ko naman. Dahil doon hindi ko tuloy narinig o nalaman man lang kung sino iyon.

"Ano handa ka na?" tanong niya na may halong ngiti na ewan.

"Handa para saan?" tanong ko sa kanya.

"Bibili ng sangkap para bukas. Diba sabi ko sasamahan kita?"

"Ok ok punta na tayo sa mall. Bilis baka kung ano pang magparamdam"

"Hindi pa naman gabi ah!"

"Ok diretso nalang sa paglalakad baka maabutan pa tayo ng dilim!"

Agad dumiretso sa grocery store at bumili na ng mga gulay at mga karne. Masusi kong pinili ang mga gulay at tinignan kung mga bulok na parte at kung meron tapon agad.

Pagpulot ko sa isang supot ng carrots bigla niya akong tinanong...

"Ba't ang manhid nang ibang tao?"

Hindi ko alam kung bakit niya naitanong sa akin. Baka nagpapatama? At bakit naman?

Tumahimik nalang ako at naging malimit ang aking mga sagot.

"Uhmm... Ewan ko"

"Hindi mo pa rin ba kuha ang tanong?" follow-up question niya.

"Huh? Ano?!"

"Wala"

"Anong gusto mo?" kahit naiinis nang konti nagawa ko pa rin ngumiti.

"Wala nga! Hayaan mo na! Kalimutan mo na itinanong ko sayo iyon"

Hindi naman ako bobo pero inaamin ko naman na manhid din ako paminsan-minsan. At hindi naman ako si Madam Auring na mahuhulaan ko kung may gusto ba sa akin yung tao. Teka mahal ba ako ng taong toh?

Biglang sumagi sa isip ang mga babaeng nagbubulungan kanina. Ako ba ang babaeng tinutukoy nilang gusto ni Andrew. Mas naging malinaw pero ewan ko bakit nagdududa pa rin ako. Baka hindi ako at ibang babae ang tinutukoy nila.

Naging malimit na ang aking pagsasalita at pilit na kinakalimutan ang tanong na ibinato niya sa akin. Hindi ko alam ba't ako naapektuhan kahit hindi naman ako pero nararamdam ko na baka ako iyon.

"Ba't ang tahimik mo?"

"Hindi ko na ata kakayanin ang lamig ng mall"

Nagsinungaling ako sa bandang iyon at ayaw ko naman sabihin sa kanya na siya ang dahilan ba't ako tahimik.

"Parang sanay ka ata sa malling diba?"

"Bilisan na nga natin"

At nagmadali kaming pumunta sa counter at ewan ko ba kung bakit ito ang nararamdaman ko pero pilit ko huwag ito maging sagabal sa cooking contest bukas. Pagkatapos ay nagmadaling punta si Andrew sa CR at inantay ko siya ng mahigit 12 minuto.

Binuhat na niya ang nga supot dahil gentleman siya. Naging malimit ang paglabas ng mga salita mula sa aking bibig. Hanggang sa paglabas namin sa mall hindi ako kumibo at mabuti hindi narin ako inabala ni Andrew sa kanyang mga tanong.

Pinarahan na niya ako ng jeep at isinakay na niya ako.

"Byebye Rich Girl" sigaw niya habang papalayo na ang jeep.

Ngunit hindi ko na siya pinansin at lumingon nalang para hindi ko siya makita.

Tinignan ko ang aking wallet at wala itong laman. Oo nga pala nawala nga ang pera at naubos na sa pagkain ko ang natirang 50. Sa halip na umiyak ay naging balisa at poker face ang itsura.

Imbis na isipin na kung papaano ko mabayaran ang drayber ang inisip ko ang mga nangyari ngayon. Sa lungkot ay muntik na makatulog at nakaramdam ako ng parang alog ng pera mula sa kaliwa kong bulsa.

Kinuha ko ang lahat ng barya at 15 pesos lahat ang naroon at kasama doon ang isang papel na ang nalasulat ay...

Oh heto ang 15 ! Baka makalimutan mo na walang laman ang wallet mo. Ang tahimik mo kasi kanina kaya hindi na kita inabala baka maantala pa ang emote-emote mo jaan.

Ang pagngiti ko din ay

naging malimit pero kahit papaano nabawasbawasan ang aking kaba at pagkabalisa.

Pinilit kong kalimutan ang mga nangyari kanina at gumana kahit papaano. Naging mindset ko na huwag maging sagabal ang mga nangyari ngayon sa mangyayari bukas.

Sa halip na problemahin iyon, ang naging suliranin ko na kailangan kong lutasin ay papaano ako makakahingi ng pera kay mama dahil naubos ang 500.

Kinapalan ko na ang akung mukha sa pagtatanong kay mama at mabuti naman ay may nakuha ako. At sa wakas ay nagkalaman narin ang wallet kong zero balance.

Mahal nang Magmahal NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon