Masakit mang isipin na bawat "I love you" mo ay may isang kusing na kapalit. Pero hindi natin maiiwasan na minsan nagpapakamartir tayo sa taong mahal natin.
Minsan pati yang spoiled mong kinakasama baon mo pa ang tinitira kaya ang masasabi mo nalang ay. . . Nganga!
Pero wala talagang nakakapigil sa pusong nagmamahal kaya't hanggang kaya pa. . . Hala! Push pa!
Sa palagay ko hindi naman ganyan ang ibinigay sa akin ng tadhana, ganun ga ba? Pero save muna natin iyan mamaya.
Sa haba tuloy ng speech ko ay nakalimutan kong magpakilala. Ako pala si Amelia Cortez at yun lang at wala ng iba. Ang tanda ng pangalan ko diba? Yun ang sabi nila. Ngunit hindi naman ako napapag-iwanan ng sibilisasyon. Hindi naman ako mahirap o mayaman sadyang nakakaluwag lang sa buhay. Kaya pera ang pinag-uusapan diba? Nakakahiya naman na ikaw na nga ang pinagkaitan ng yaman ikaw pa ang nagpapaulan sa kinakasama mong gahaman.
Ok let's go to the real story. Isasalaysay ko ang aking buhay noong hayskul pa ako at ayaw ko ng banggitin anung year level ako dito dahil nakakahiya naman sa mga nakakatanda. Joke lang!
Bilang estudyante ay napaka-hectic talaga ng schedule. Sa dami ng homeworks na parang paperworks; daig pa nga namin ata ang nasa opisina. Kasama narin ang pagiging class treasurer, na ibig sabihin ay ako ang nangongolekta ng pera at minsan ako pang tumatapal.
Hindi ko namalayan na bukas pala ang unang summative test namin sa Science at tungkol yon sa Electron Configuration yung mga simbolong 1d, 3p at 4s yung iPhone teka bakit may iPhone na sa usapan. Ok! Sumakit ang ulo sa kamemorize sa terms at definitions na nakakalito. Sa hirap ay tinulugan ko nalang at si Batman na ang bahala sa aking kapalaran bukas.
——♥$♥$♥——
Kinabukasan ay ang araw na hiniling ko kay Batman na sana malagpasan ko ang kalbaryo mamaya para sa Science exam. Halatang kinakabahan at sana naman ay pumasok kahit papano ang mga nagpag-aralan ko, kung meron ba akong napag-aralan. Hanggang sa pumasok ang aming guro sa Science at pangiti-ngiti pa.
"Ihanda na ang mga biogesic niyo dahil sasakit ang ulo ninyo sa mga tanong na ibinigay ko." sabi ng guro sabay evil laugh pa.
Sus! Kung alam lang niya gaano kahirap ang mga tinuturo niya. Bagong teacher kasi siya dito kaya kung anu-ano ang pinanggagawa sa amin.
"Magbigay kayo ng isang piso para sa test paper at bahala na ang class treasurer na magkolekta." sabi ng guro.
Tss. . . Trabaho ko na naman. Kinamkam este kinulekta ko na ang mga piso nila at sa palagay ko ay hindi ako makakatapal ngayon. Hanggang sa nilapitan ko na si Andrew na agad-agad ding nagsabi na...
"Ikaw nalang bayad para sa akin total piso lang naman."
Di ako makapaniwala sa sinabi niya kaya binuweltahan ko agad.
"Oo nga piso lang at piso di mo pa kayang mabayaran?"
"Sige na rich kid ka naman diba?"
"Tumahimik ka nga sige na bayaran mo na."
"Sige na please!" sabay pa-cute.
Hindi ko alam bakit pumayag ako pero bahala na piso lang naman diba ayaw ko naman pag-awayan pa namin yan.
Sisimulan na ang exam at nanlalamig na aking mga palad. Hindi lang doon, pinagpalit pa ang aming seating arrangement na mas kinabahan ako.
Sa pagpapalit-palit ng upuan, nakatabi ko tuloy si Andrew. Palagay ko ay katapusan ko na at hindi na talaga ako papasa. Kaya hiniling ko nalang na maalala ko ang lahat na aking napag-aralan.
Binigay na ni Sir ang mga testpapers at pinagpapasa-pasa namin. Noong natanggap ko ang testpaper, doon ay kinabahan na ako ng todo.
Nganga ako! At wala akong masulat. Ang mga nakalagay sa testpaper ay wala sa aking mga napag-aralan. Naging blanko ako ng halos sampung minuto.
"Bahala na si Batman" sinabi ko sa sarili.
May biglang bumulong sa aking tabi at hulaan niyo kanino galing.
"Ano kailangan mo ng tulong?" bulong ni Andrew.
"Sigurado ka bang masasagutan mo lahat?"
"Last item na ako sa Test 3"
Hindi ako nagatubiling tanggapin ang kanyang alok. Salamat naman ay natapos ko ang test nang mas maaga sa inaasahang isang oras.
Biglang pumasok sa aking isipan na baka mali to. Kaya tinanong ko siya.
"Sigurado ka ba sa mga sagot mo?"
"Bakit naman kita tutulungan kung hindi naman ako sigurado sa mga sagot ko?"
May punto naman siya sa kanyang sinabi. Lahat ng aming pag-uusap ay pabulong kaya hindi kami napansin ng aming guro.
Naging kampante tuloy ako na kahit papano ay may pag-asa akong pumasa.
Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya. Sa bagay bakit naman siya magpapakopya kung hindi siya sigurado sa mga sagot niya kaya naging kampante ako.
Dahil may sapat na oras pang natira ay iniwasto ng aming guro ang aming test papers at inanunsyo sa harap namin ang mga nakapasa. Madami-dami naman ang nakapasa. Hanggang sa. . .
"Andrew! 43 over 50" sigaw ng guro
"Amelia! 43 over 50" sigaw ng guro na may konting pagdududa sa result ko sa test pero hindi narin pinansin. .
Pheww!!
Oh yeah! Nakapasa ako! Nakapasa ako! Ang talino ko na! Pero nandoon parin ang guilt feeling dahil kinopya ko ang mga sagot ni Andrew. Sana naman ay mapatawad ako ng langit sa aking ginawa. Tumunog narin sa wakas ang school bell hudyat na lunch time na.
Bumili agad ako ng makakain at nakita ko si Andrew na nakaupo sa isang mesa malapit sa counter na mag-isa. Nilapitan ko at nagpasalamat.
"Salamat pala kanina Andrew ha. At sana patawarin mo rin ako sa pagdududa sa pagtulong mo"sabi ko.
"Kaya libre naman jan para magantihan lahat ng effort ko"
Wow ha! Nakulangan pa siya.
"Eh? Hindi na ba sapat yung piso na nilibre ko sayo kanina"
"Kung hindi dahil sa akin di ka papasa."
"Kung hindi dahil sa piso ko hindi ka makakaexam"
"Hala sige isusumbong kita dahil nangopya ka." sinabi niya na may pagbabanta.
"At nagpakopya ka naman! Pareho tayong timbog dito noh! " ang diretsong sagot ko sa kanya.
"Sige na please!" sinabi niya sabay ngiti na labas ang dimple.
At pumayag naman ako at bakit naman ako nagpapa-uto sa kanya pero hayaan na natin bale pagtanaw ng utang na loob naman iyon sa lahat ng ginawa niya sa akin. Nagpapasalamat din ako na kahit papaano ay tinulungan niya ako kahit may pagka-ganito ako.
BINABASA MO ANG
Mahal nang Magmahal Ngayon
Teen FictionBinabayaran na ba ang "I Love You " ngayon? Seryoso ba yan? Ganun na ba talaga ang pananaw nila sa pag-ibig ngayon? Barya-barya lang? Sa bagay, iiwan ko na sa inyo ang sagot. Amelia Cortez, ang taong kaya ibigay ang lahat para sa taong minamahal. Ak...