Ipinagpatuloy ang paggawa sa aking obra. Ininda ko ang init ng kapaligiran at pagtulo ng pawis sa aking noo. Hindi umalis si Andrew sa kanyang kinatatayuan at hawak-hawak pa rin niya ang wallet ko.
Gusto kong umalis pero hindi pwede hanggang di natatapos ang poster namin. Kaya hinayaan ko muna ang kanyang pagpapansin o kung ano pa man ang tawag doon.
Nangalahati na ako sa aking gawain. Ang mga gulay ay natapos ko ng kulayan, mga taong naghawak-kamay ay kasalukuyang kinukulayan. Ang mga kung anu-anong mga touches pa ginawa ko sa aking obra.
Nakikita ko na unti-unting nagsialisan ang iba pang mga kalahok. Halos 25 nalang ang natira pero hindi ko hinayaan na makasagabal iyon sa gawain ko.
Ilang minuto nalang natira at halos matapos na ang alloted time para sa amin. Binigyan kasi kami ng isa't kalahating oras na para gawin namin ang obra. Natapos din ako, limang minuto bago matapos ang alloted time.
Ibinigay ang aking obra sa mga guro na nakaupo sa harapan at
"Contestant 47 you have a time of 1 hour 24 minutes and 47 seconds. You may leave the premises now. I appreciate your participation in the contest" sabi ng guro.
Hindi ako umalis sa gym sa halip ay takbo patungong back stage at nadatnan si Andrew na nakaupo.
"Mr. Papansin ano atin? At ba't hawak mo wallet ko?" sinabi ko na may halong biro at mataray na boses.
"Uhmm... Uhmm... Ahh..."
"Ano? Ba't di ka makapagsalita. Ano ba gusto mong sabihin"
"Ahmm... Ang wallet mo... Ahmm pano ko to sasabihin?"
"Idiretso mo na nga! Ano bah?"
Yun ang unang beses na nakita ko siyang nag-alala. Naguguluhan, kinakabahan, at makikita mo ang takot sa kanya mga mata.
"Oh heto wallet mo! Napulot ko ulit kaso hindi ko alam kung ninakawan ka ba o hindi?" wika niya.
"Ilan ang nasa loob. Teka akin na nga!"
Kinuha ko mula sa kanyang nga kamay at pagbukas ng wallet nagulat ako na 50 pesos nalang at ang 500 ko na para sa pambili ng mga sangkap para sa cooking contest bukas ay nawala.
Nadurog ang puso ko, balisa, at hindi ko na mapigilan na umiyak. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa panahong 'yon.
Napaupo ako sa tabi ni Andrew at pilit niya akong pinapasaya pero hindi pa rin iyon sapat. Biglang tumayo siya sa harapan ako at sinabing.
"Papautangin kita! Sige na tahan na! 250 ang ibibigay ko sayo wag ka ng umiyak"
Sinabi niya mismo sa harapan ko. Hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak at hindi ako makapaniwala na sinabi niya ang mga salitang iyon na papautangan niya ako ng 250.
"Utang?! Sigurado ka?" sinabi ko habang tumutulo ang mga luha.
"Hindi nalang utang. Ibibigay ko sayo ang 250 at huwag mo na ako bayaran. Tumigil kana sa pag-iyak. Tumahan ka na." pasigaw niyang sinabi sa akin.
"Sigurado ka? Salamat salamat. Utang ko ang lahat! Babayaran ko lahat" pagmamakaawang sinabi ko sa kanya.
"Huwag na! Huwag mo akong bayaran"
Umiyak ako dahil sa panghihinayang at pagpapasalamat dahil ibinigay niya ang 250 na napakalaking pera. Hindi ako makapagsalita pero patuloy ang pagtulo ng luha galing sa aking mga pagod na mata.
Bigla niya akong niyakap nang mahigpit at hindi ako makagalaw. Bakit niya ako niyakap? Bakit niya to ginagawa sa akin kung makatulong sa akin wagas.
Ikinagulat ko ang pangyayaring iyon hindi ako makakibo at hindi ko naiintindihan ang mga pangyayari.
Hindi ko alam ang nasa isip niya sa panahong iyon.
Binitawan niya ako agad pagkatapos. Nagmistulang ilang minuto ang ilang segundong pag-akap niya sa akin.
Hindi ako makapaniwala na ginawa niya ang isang mahigpit na yakap pero bakit ang nararamdaman ko pa rin sa kanya ay parang kaibigan lang at hanggang doon lang talaga.
Pagkatapos ay umalis na kami sa gym at patuloy niya pa rin akong kinakalinga sa kanyang mga mapag-alagang salita.
Ako na ang bumili ng pananghalian ko at ibinigay niya sa akin ang 250 na pambili ko ng sangkap para sa cooking contest bukas.
Hindi ko na tinuon ang aking atensyon sa mga lesson kundi sa mga nangyari kanina. Tulala at mistulang lutang ang aking isip.
Tuluyang nawala ang konsentrasyon ko sa guro at mabuti nalang hindi ako tinatawag pag meron siyang tinatanong sa amin.
Wala na talagang laman ang wallet ko buti nalang pinuna niya ang pagkukulang at talagang namangha ako
BINABASA MO ANG
Mahal nang Magmahal Ngayon
Teen FictionBinabayaran na ba ang "I Love You " ngayon? Seryoso ba yan? Ganun na ba talaga ang pananaw nila sa pag-ibig ngayon? Barya-barya lang? Sa bagay, iiwan ko na sa inyo ang sagot. Amelia Cortez, ang taong kaya ibigay ang lahat para sa taong minamahal. Ak...