Agad na akong nagmadali papunta sa room at doon na kumain. Dumaan na ang ilang mga minuto ay nagsimula na naman ulit ang mga klase. Ang mga minuto ay nagmistulang mga oras, linggo, buwan, taon, at baka forever. Hanggang sa sumusuko na aking mga mata pero pilit long nilalabanan ang antok pero hindi ko na talaga kinaya hanggang sa. . . nakatulog na nga.
Makaraan ng ilang sandali mapansin ko bakit ang tahimik ng room. Hindi ko na pala namalayan na tapos na pala ang mga klase at nagsiuwian na ang iba. Nainis ako dahil wala man lang lumapit o nagsabi sa akin na dapat ko ng gumising. Talagang nainis ako.
Pero ilang mga sandali, ang galit ko ay napalitan ng takot dahil nakadinig ako ng mga yapak. Papalapit sa room at hindi ako makagalaw dahil sa matinding takot. Biglang bumukas ang pintuan kaya sinabay ko agad ng malakas na sigaw!
"Ahhhhhhhh!"
"Hoy! Tumahimik ka nga! Wala pa ang mga multo mamaya pa ang duty nila." pabirong sigaw ni Andrew.
"Bakit hindi niyo ako ginising kanina" sinabi ko na may halong inis.
"Ang cute mo kasing matulog kaya hindi kana ginising" sabi ng isang kakalse kong si Francis.
Kinilig ako pero hindi ko pinakita.
"Heh! Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko kay Andrew.
"Inatasan tayo na magdisenyo para sa bulletin board natin para sa nalalapit na Nutrition Month" deretsong sagot niya saking tanong.
"Ok sige simulan na natin bago pa ako sumpungin ng aking antok"
"Teka muna may kontribusyon tayong 20 pesos" sabi ni Andrew
"Ok sige heto oh!" sabay abot kay Andrew ang pera.
"Salamat sa libre ulit ha!"
"Huh?!"
"Hindi ako nagbayad ng kontribusyon at 10 pesos lang hindi 20" sabay tawa.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya! Ewan ko ba!
Nakita ko na bitbit nila ang mga cartolina at coloring materials. Kasama ko sina Francelle, Gian, Angelica, Alexa, Francis, Andrew at ako. Kami ang inatasan na disenyohan ang bulletin board at nagpalitan kami ng mga ideya para mapaganda ang disenyo bulletin board.
Makalipas ng ilang sandali ay tinigilan na namin ang paggawa dahil magtatakipsilim na kaya nagsiuwian na kami. Mahirap ng may makasalubog sa daan. Nakakatakot kaya.
Paglabas ko sa eskwelahan ay nagpalitan na agad ng byebye sa kanila. Alam niyo naman sanay na akong umuwi ng mag-isa. Ay hindi niyo pa pala alam. Well alam niyo na.
Bigla akong napatigil kasi nakaramdam ako ng vibration mula sa cellphone kong MAMAHALIN. Nakatanggap ako ng mensahe galing kay inay. Nakasabi doon ay bakit di pa raw ako umuuwi at hinanda ko na aking sarili sa sermon mamaya.
Nang biglang may humablot sa aking cellphone at kumaripas agad ng takbo. Agad akong sumigaw ng:
"Saklolo! Tulungan niyo po ako ninakawan ako! Ninakawan ako!"
Tinaasan ko na ang aking boses sa kasisigaw hanggang sa mapaos ako.
Talagang nakawala na ang kawatan at pilit kong hinabol hanggang sa literal na naubos ang boses ko. Nawalan ako ng pag-asa na mabawi ang aking cellphone. Kitang-kita ko na ang layo na ng magnanakaw mula sa akin. Ninakawan na nga ako at naubusan pa ako ng baon ng dahil kay Andrew. Ito na ang kabayaran sa mga ginawa ko kaninang exam!
Tanaw mula sa malayo na bigla nalang may humampas na kung anong bagay sa magnanakaw at hindi natakot na sinugod ang kaawa-awang kawatan at kinuha ang MAMAHALING cellphone ko. Nabuhayan ako ng loob at nagmadaling lumapit sa scenario.
Kumaripas ng takbo ang hinampas na kawatan. Sumigaw naman ang lalaki na humampas sa kaawa-awang magnanakaw.
"Huwag kanang magpakita sa paningin ko!"sigaw ng aking hero.
Hero nga pala ha?
Mas nabigla ako sa mga sumunod na nangyari. Ang lalaking nagtanggol sa akin ay walang iba kundi si Andrew. Di ko sukat akalain na kaya niyang gawin iyon. Napatulala ako.
"Ganyan na ba ang mga rich kid ngayon? Laging ninanakawan?" pabirong sabi niya sa akin.
"Salamat ulit Andrew! Salamat! Salamat!" sinabi ko na may halong galak saking puso.
"At dahil na rin sa aking kabayanihan dahil ako'y magantimpalaan"
"Gantimpala ka jan! Inubos mo na nga ang baon ko"
"Ok heto ang number ko oh! Text mo nalang ako kung kailan mo ako ililibre."
"Tumahimik ka nga! Libre ka jan. Sige salamat sa lahat, sa pagtanggol at sa exam."
"Basta huwag mong kalimutan ang libre ha!"
"Ok!"
Nakauwi sa wakas at pinagpapasalamat ko talaga ang araw na iyon. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Andrew na walang awang hinampas ang kawatan at tinulungan ako sa exam. Kulang nalang maging kami pero sa kasamaang palad kailanman hindi talaga maging kami. Hindi ko siya type.
BINABASA MO ANG
Mahal nang Magmahal Ngayon
Teen FictionBinabayaran na ba ang "I Love You " ngayon? Seryoso ba yan? Ganun na ba talaga ang pananaw nila sa pag-ibig ngayon? Barya-barya lang? Sa bagay, iiwan ko na sa inyo ang sagot. Amelia Cortez, ang taong kaya ibigay ang lahat para sa taong minamahal. Ak...