Hindi ko akalain na ang daming nangyari ngayon. Ang daming suwerte dahil sa tulong ni Andrew at salamat sa Diyos ay nabuhayan ako ng loob. Hindi ko na kinayanan ang pagod at dumiretso na agad sa kama.
Nagulat ako bigla ng tumunog ang MAMAHALIN kong cellphone. Nag-text sa akin si Andrew sa ganitong oras ng gabi na ikinagulat ko.
Nakalagay sa mensahe ay:
"Hai ^_^"
"Hindi ka pa matutulog?" mabilis na reply ko sa kanya
"Hindi pa. Boring eh wala akong katext"
"Maghanap ka nalang ng ibang kausap! Inaantok talaga ako."
"Ikaw lang gusto kong katext"
"( ̄. ̄)"
Total unti-unting nawawala narin ang antok kaya pumayag narin ako na makipag-text sa kanya.
"So ano topic?" tanong ko sa kanya
"Hmmm ... Ano ang mga paborito mo?"
Pinag-usapan namin ang aming mga paborito, mga ayaw, mga kailangan, pangarap, at kung anu-ano pa. Saan-saan narin napunta ang usapan.
"Anong tipo mo sa isang lalaki?"
"Yung gentleman , kaya akong ipagtanggol sa lahat ng oras. Yung give and take kami."
"Tulad ko?"
"Kapal naman -_-"
Hanggang sa...
"Sino ang crush mo?" tahasang tanong niya sa akin.
"Eh? Next question please!"
"Sino ang nagpapatibok ng puso mo?"
"Next Question again"
"Sino ang inspirasyon mo?"
"Next question"
"Yun na ang huling tanong. Wala ng iba"
"Ayoko nga. Baka ikalat mo! ≥﹏≤"
"Hindi ko ikakalat pramiss!!!"
"(╥╯﹏╰╥) Ayoookoo!!"
"Baka ako kaya ayaw mong aminin!!"
"〣( ºΔº )〣"
Naku naman!
"Kapal naman ng pagmumukha mo noh? -_-||" reply ko sa kanya.
" Sabihin mo para hindi ako maghinala. Hmmm ako man talaga iyan diba"
"Ang tigas ng ulo! Tumahimik ka nga!"
"Kailan pa lumambot ang bungo ng tao?"
Hinanda ko agad ang isang napakahabang mensahe na ibabanat ko sa kanya. Mataas na paliwanagan at naka-Caps lock pa. Isinend ko agad ang mensahe ng biglang nag-error. Sinubukan ko ulit nag-error na naman. Sa pangatlong beses, pang-apat at error pa rin.
Nadismaya ako at nainis ako. Naghanap ako ng 20 pesos agad para makapaload sa kasamaang palad ni isang kusing ay di ko nahanap at sa bagay sarado na ang mga tindahan ngayon. Tignan na lang natin bukas, humanda siya.
Nag-text siya...
"Magbayad ka ng 20 pesos bukas para sa bulletin board dahil marami pang kulang. Bukas ha! Huwag mong kalimutan."
Baka pakulo na naman yan. Kagaya kanina akala ko 20 pesos, 10 pesos lang pala.
Nangungulit na naman siya.
"Uy! Reply naman oh! "
"Hey!"
"Ok sige good night!"
Hindi niya alam na expire na load ko. Siguro may pagtingin tong batang to sa akin. Ang feeler ko noh? Huwag na tayo mag-assume baka may mamamatay pa ang dami kaya namamatay sa maling akala. Baka lihim iyon na pagtingin o sadyang ako lang ang assuming. At muling sasabihin ko na hindi ko siya type.
----♥$♥$♥----
Pagkagising ay agad naghanda na ako papunta sa skwela at nung natapos na ako mag-asikaso sa aking sarili at mga gamit ay nagmamadali akong pumunta sa terminal ng jeep.
Pagpasok ko ay nadatnan ko ang klasrum ay makalat at mga pira-pirasong papel ay naglipana kung saan-saan. Agad ko namang nilinis ang room ng mag-isa.
At nung nagsidatingan na aking mga kaklase at dumating narin ang aking mga ka-grupo sa pagkumpuni ng bulletin board ay agad naming pinagandahan ang ayos nito.
Habang nagpapaganda sa bulletin board ay agad kong kinausap si Andrew tungkol kagabi.
"Ok Andrew, wala akong crush no at higit sa lahat hindi talaga kita magugustuhan!"
"Ahmm ok! Biro ko lang naman yon at dinibdib mo naman." malumanay na sagot niya sakin.
"Pero salamat sa naitulong mo" mataray kong sagot sa kanya.
Agad nagsimula na ang mga klase na forever kung matapos. Nagsusulat ng notes, nakikinig naman, chit-chats sa katabi, at kung minsan nilalabanan ko nalang ang aking antok.
BINABASA MO ANG
Mahal nang Magmahal Ngayon
Teen FictionBinabayaran na ba ang "I Love You " ngayon? Seryoso ba yan? Ganun na ba talaga ang pananaw nila sa pag-ibig ngayon? Barya-barya lang? Sa bagay, iiwan ko na sa inyo ang sagot. Amelia Cortez, ang taong kaya ibigay ang lahat para sa taong minamahal. Ak...