Hanggang sa sumuko ang mga mata ko at ng biglang. . . Kriiiiiiing!!! Tumunog ang school bell at nawala agad ang aking antok! Math class pa pala! Ang aking paborito na subject pero ewan ko ngayon bakit ayaw kong makinig dahil siguro sa nangyari kagabi. Bakit ko naman iniisip ang mga sinabi niya kagabi at bakit ganoon ako ka-affected.
Natapos ang Math pati na rin ang Science at sa wakas lunch narin! Nagmadali na akong lumabas papuntang canteen dahil sa aking kumakalam na sikmura.
Sa pagmamadali ay nadulas ako at natumba ng nakaupo. Sa hiya ay nagmadali akong tumakbo papuntang canteen.
Pumili ng mapapananghalian at natipuhan ang adobong manok, my long time favorite. Kukuha sana ako ng pera sa aking wallet ng biglang wala pala doon.
"Saan na ang bayad mo?" sabi ng tindera.
"Teka lang ate" malumanay kong sagot
"Ano magbabayad ka o hindi?" mataray na tugon niya sakin.
Bigla nalang pumasok sa aking isipan na baka nahulog iyon kung saan ako nadapa.
"Teka lang ate nawawala ata ang wallet ko"
"Heto ba ang hinahanap mo?" sinabi ng isang pamilyar na boses.
Tatakbo na sana ako ng sinabi ni Andrew ang mga katagang iyon. Napulot niya pala ang wallet ko.
"Salamat ulit... teka sinusundan mo ba ako?"
"Ikaw na nga ang tinutulungan at ngayon ako pa ang pinagbibintangang stalker!
"Ok sorry na! Salamat po" pa-cute na sinabi ko sa kanya.
"Oh! Yung pinangako mo kahapon"
"Sige! Ilan gusto mo?"
"Hmmm... Pwede na yung tatlong biscuit."
Sa pangatlong pagkakataon ay nailibre ko na naman siya. Hanggang sa pang-apat, pang-lima, pang-anim, pang-pito, at sumabay na rin sa takbo ng araw. Halos araw-araw ata iyon.
Pahirapan ang paghabol sa mga projects dahil papalapit na ang katapusan ng first grading period pero sila iyon, ako? Hindi. Natapos ko na ang requirements ilang araw bago ang deadline. Tanging ang nalalapit na Nutrition Month Celebration ang nagpa-abala sa buhay ko dahil nga hindi naman sa pagmamayabang napili ako na maging kalahok sa Cooking Competition at Poster Making Contest. Pinag-isipan kung ano ang lulutuin at anong aking iguguhit.
Sa Huwebes ang magiging poster making contest at kinabukasan naman ang magiging ganap ng cooking competition. Lunes pa ngayon kaya pressure is here.
Dumaan ang Martes at ang Miyerkules at bukas na gaganapin ang poster making contest. Akalain mong hindi pa ako nakabuo ng ideya para sa iguguhit ko bukas kaya piniga ko na ang utak ko. Bawal naman tumingin sa internet ah basta wala akong maisip.
Dismissal time, nakaupo at malalim ang aking iniisip.
"Ayos ka lang?"
Nabigla ako dahil bigla nalang sumusulpot tong si Andrew.
"Huwag mo akong gugulatin sa susunod ha" sabi ko agad sa kanya.
"Ano ang maitutulong ko? Wait lang huhulaan ko. Hmmm wala kang maisip sa poster mo no?" sabay tawa
"Teka, kaano-ano mo si Madam Auring?"
"Huh?" tanong na puno ng pagtataka sa kanyang mga mata.
"Ahmm ... Nevermind!"
"Wait! May naisip ako" sinabi niya na may pagmamalaki.
Iginuhit niya sa isang intermediate paper at nagandahan ako sa iminungkahi niya. Abot tenga ang ngiti ko sa kanyang ibinigay na suhestyon.
"Salamat ha! Pangako susundin ko" pakumbabang sabi ko sa kanya.
"Pero ikaw pa rin ang masusunod. So susundin mo talaga?"
"Of course, ikaw gumawa eh. Love kaya kita."
Hindi na siya kumibo pagkatapos lumabas ang nga salitang iyon sa bibig ko. Walang kahulugan iyon ha purong pagbibiro ko lang 'yon.
Nabigla ako at sinabi kong
"Joke ko lang yon ha! Huwag mong seryosohin"
"Ai... Joke lang pala iyon. Sana totoo"
"Eh? Joke lang iyon"
"Jokes are half meant kaya" sabi niya na ikinabigla ko.
"Ang layo na ng inabot ng topic natin noh?" sinabi ko iyon para maiba ang usapan.
"Change topic siya oh!"
"Tama na! Tungkol sa poster ang pinag-uusapan bakit sa love na tayo?"
Tumahimik na lang siya at pinagpatuloy namin ang pag-uusap tungkol sa poster. Tumunog ang bell at natapos na ang lunch time at klase na naman.
Talagang sineryoso niya ang joke ko kanina o nakiki-ride lang siya sa usapan namin kanina. Hindi natin alam. Baka praning lang ako. Hayaan nalang natin.
----♥$♥$♥----
Kinabukasan ang mismong araw ng
Poster Making Contest. Medyo kinakabahan at nakaramdam ng panlalamig sa aking mga kamay. Kahit na ako'y palihim na natataranta, subalit hindi pa rin nawawala ang konsentrasyon kung papaano ko gagawin ang poster ko.Sa school gym idadaos ang paligsahan at halos lahat ng representante ng bawat section ay naroon. Sa palagay ko ang gagaling nila lalo na't sumali yung mga nanalo noong nakaraang taon. Pananalig lang sa Diyos at ideya na ibinigay ni Andrew ang aking pinanghahawakan ngayon.
Tanging mga kalahok lang ang nasa school gym at 72 sections ang naglalaban-laban para makamit ang inaasam na karangalan.
"The contest will start in the next ten minutes" sabi ng emcee.
Umupo na ako sa aking designated table at doon inubos ang pag-aantay.
Maka-ilan ang ilang minutong pag-aantay nagsimula na ang paligsahan at ibinigay na ang aming mga coloring materials at ang 1/8 illustration board na may ribbon at nakasulat doon ang numero ko.
Sinabi ng emcee ang mga rubrik ng paligsahan.
"Good luck students hoping that you'll win the prize" wika ng emcee na isang member ng faculty.
"The contest will now start in 3 2 1 ..."
Huling sambit ng emcee at sinimulan na ang paligsahan.
Biglang umagaw sa aking atensyon ng si Andrew ay nasa gilid ng stage at hawak-hawak ng wallet ko.
BINABASA MO ANG
Mahal nang Magmahal Ngayon
Teen FictionBinabayaran na ba ang "I Love You " ngayon? Seryoso ba yan? Ganun na ba talaga ang pananaw nila sa pag-ibig ngayon? Barya-barya lang? Sa bagay, iiwan ko na sa inyo ang sagot. Amelia Cortez, ang taong kaya ibigay ang lahat para sa taong minamahal. Ak...