Kumuha siya ng damit na pang lakwatcha yung short shorts at long sleeves at may kasama pang purse at high heels! Seryoso nangyayari ba to? Kumuha pa siya ng ibang damit para mag-match sa shorts.
Nagmadaling pumunta sa fitting room at doon sinuot ang mga pinili niya.
Habang meron ako doon namili narin ako ng masusuot.
Ang ganda ng mga kasuotan at iba pang apparels kaya mahihirapan kang mamili kung ano ang isusuot at bibilhin.
Hanggang ang pamimili ko ay natapat sa harap ng fitting room mung saan nagsukat si Francis.
Hindi nakasarado ang fitting room, slightly closed kung baga.
Hindi ko namalayan na nagpapalit ng damit si Francis kaya kitang-kita ang view mula sa malayo. Ewan ko ba? Bakla ba to? Ughhh! Pero ayos lang.
Hindi payat o mataba si Francis, may abs at physically fit naman pero hindi ako mapisikal, ugali ang sa akin.
Lumabas na si Francis na nakangiti at nilapitan ko.
"Ano masaya?"
"Ikaw talaga!"
Binili niya at seryoso talaga na siya ang pumili ng mga damit. Paglabas namin sa shop nakita na namin ang iba at doon nagkumustahan. May nagtanong pa na kumusta daw date namin! Ano hilo? Pero date talaga iyon... kahit para kay Francis hindi date yon.
Narinig ko na nag-uusap si Dexter at Francis (si Dexter ay dating kaklase namin, lumipat na ng iban school) at tinanong si Francis:
"Oh ito ang ireregalo mo sa birthday niya?" tanong ni Dexter.
"Birthday gift at..."
"Ano? Panimula ng pag-iibigan?" dagdag pa ni Dexter.
"Sa akin na iyon."
Dun ako medyo natahimik at sino kaya ang kanilang pinag-uusapan. Baka GF niya talaga at tinatago niya sa amin o pranong lang talaga ako!
Ang mall na 'to pala ay ang mall na kung san ako inilibre ni Andrew ng gulay para sa contest.
Habang sinasariwa ang mga nangyayaring iyon, natatawa nalang ako at hindi ko talaga makakalimutan ang nangyari sa shop na iyon!
Habang iniinom ang mango shake at buko pie doon ko sinasariwa ang lahat ng memories ko sa mall na ito.
Simula ng nagpakita si Andrew sa school, natatabunan na ang kasikatan ni Francis at dahil sa kanya nalalayo na ako ng unti-unti kay Francis at si Francis mismo ay nili-link kay Andrew. Kung alam mo lang ikaw talaga Francis ang mahal na mahal ko.
Si Francis kasi marami talaga ang nakakagusto sa kanya. Aside sa cute at tisoy talaga, 100% gentleman; natatandaan ko pa nga na ipinagtanggol niya ang isang babaeng hindi maganda ( napaka-judgmental ko talaga) sa mga bullies at naghamon ng suntukan at napa-away at nanalo naman para maprotektahan lang ang kawawang babae, sporty much mapa basketball, volleyball ( para siyang babae kumilos minsan) at higit sa lahat sa field, pamatay moves niya sa soccer.
Ulilang lubos na si Francis at nangongolekta ng bote-bakal kada weekend para makatulong sa tita niya na nagpalaki at nagpapa-aral sa kanya. At kung anu-anong sideline pa. Kahit napakadungis ng trabaho niya, ang puti-puti ng balat niya. Ang bait niya noh? Matalino lalo na sa Math, mahina lang siya sa Filipino.
Masasabi kong perpekto si Francis kaya nga mahal na mahal ko talaga siya. Maraming nagkakagusto sa kanya, mapalalaki man o babae. Kahit mga mga teachers.
BINABASA MO ANG
Mahal nang Magmahal Ngayon
Teen FictionBinabayaran na ba ang "I Love You " ngayon? Seryoso ba yan? Ganun na ba talaga ang pananaw nila sa pag-ibig ngayon? Barya-barya lang? Sa bagay, iiwan ko na sa inyo ang sagot. Amelia Cortez, ang taong kaya ibigay ang lahat para sa taong minamahal. Ak...