Chapter 28

2K 86 8
                                    

JISOO'S POV

Pumasok ako sa training center just to see if Rosé is still there pero wala na ito.

Nag over time na naman siya, pinag overtime na naman siya ni Joy. She's mad at Rosé kaya pinapahirapan niya ito.

Napatingin ako sa table ni Rosé at nakita ko ang bag na pinaglagyan niya ng Lunch box. Baka nakalimutan niya ito.

Kinuha ko ito, mas mabuti na sigurong idadaan ko ito sa bahay nila, alam ko naman kung saan siya nakatira.

Lumabas din ako kaagad sa training center nang makuha ko na ang plastic bag na naglalaman ng lunchboxes.

Nakarating na ako ng parking lot at lalarga na ako sa aking kotse. Wala akong sinayang na segundo nang mapa andar ko na ang engine ng car ko at agad na nilisan ang JK Android Company.
--

Papasok na ako sa street kung saan patungo sa bahay nila Rosé.

Naisip ko na masikip ang eskineta dito. Pinark ko ang aking sasakyan sa free area at minabuti ko ang maglakad nalang, baka mahirapan akong ilabas ang sasakyan ko.

Napakatahimik na ng paligid, napaka dilim din ang daan. Sa pag iisip ko ng malalim ay biglang nakarinig ako ng hiyaw

"Wait? Pamilyar ang boses na yon?" Kabadong sabi ko sa kawalan at natataranta na ako.

Hinahanap ko kung saan nanggagaling ang sigaw hanggang sa marating ko ang tambakan ng basura.

Madilim ito kaya dinukot ko ang phone mula sa aking bulsa at in on ang flashlight

"Tulong- tulungan niyo ako!!" Tama nga ang hinala ko.

Si Rosé yon.

"Manahimik ka nalang kung ayaw mong pasabugin ko ang bibig mo!" Rinig kong wika ng lalake.

Sa sobrang taranta ko ay inilawan ko kung nasaan sila. Naghuhubad na ang lalake habang ang dalawa niyang kasama ay nakahawak sa magkabilang kamay ni Rosé

"Tulungan mo ako please!!!" Sigaw niya kaya nasampal siya ng isang lalake.

Biglang uminit ang dugo ko sa pananakit nila kay Rosé. May kahoy naman akong nakita at pinulot ko ito

"Pakawalan niyo siya kung ayaw niyong ako ang magpapasabog sa bibig niyo!!" Banta ko sa kanila ngunit pinagtawanan lang ako.

Nakatuon pa din ang flashlight ko sa kanila, lumapit sila sa akin at akmang hahawakan ako ng isang lalake pero agad na pinalo ko ang braso niya

"Ahhrgg!! Hayop ka!" Namilipit siya sa sakit sa lakas ng pagkakapalo ko

"Ikaw? Hawakan mo siya!" Utos ng lalakeng nakahubad sa kanyang kasama

"Hwag mo nang tangkaing lumapit kung ayaw mong maputulan ng braso!" Pagbabanta ko ngunit nginisian lang niya ako

"Ulol! Baka ikaw ang puputulan ko ng braso! Ahhhhhrgghh!!" Bago pa man niya ako hawakan ay katulad sa ginawa kong pagpalo sa isa niyang kasama ay ganun din ang ginawa ko sa kanya.

Napaluhod pa ito habang hinihimas ang braso "Ano? Masakit Ha?! Lapit pa!" Nakangising wika ko

Kumaripas ng takbo ang isa nilang kasama dahil sa tinutukan ko ito ng hawak kong kahoy.

"At ikaw? Anong karapatan mong saktan ang girlfriend ko!?" Sigaw ko sa lalakeng sumampal kay Rosé at dahil sa galit ko ay diko namalayang pinagpapalo ko na siya sa bandang hita niya

"Aray! Ahhh! T..tama na ahhh!!" Halos mapang hinaan na siya dahil sa malalakas kong pagpalo until he passed out

"J..Jisoo. s..stop please" i heard her voice, she's crying.

MY LADY BOSS (Under Revision)Where stories live. Discover now