LISA'S POV
Gabi na nang makauwi kame ng Mansion. Inihatid ko muna si Jennie sa kanyang kwarto para makapagpahinga na.
Nanatili lang din si Jisoo sa living room kasama si Jeongyeon, according sa kanila ay may importante silang sasabihin sakin.
Habang pababa ako ng hagdan ay nasisilayan ko si Jisoo at halatang nilalamon na siya ng frustration.
Samantalang si Jeongyeon naman ay halatang kinakabahan habang nakatuon ang pansin sa kanyang cellphone.
Hindi ko malaman kong anong meron pero hindi ko nakita si Rosé.
"Jisoo, Jeong? Anong problema?" Agad na tanong ko nang makaupo ako sa tabi ni Jisoo.
Sapong-sapo niya ang kanyang noo at umayos lang ito ng upo pagkatapos niyang magpakawala ng mabigat na hininga.
"Habang hinahabol kayo ng mga tauhan ni Kai ay planado niya rin ang pagkidnap kay Rosé at Nayeon" pagsisimula niya.
Halos mapalaki na ang mga mata ko dahil sa narinig ko.
"WHAT?! p-paanong nangyare yon?!" Tinignan ko si Jeong na ngayon ay umiiyak habang ang mga mata parin niya ay nakatuon sa screen ng kanyang phone
"He texted me earlier, yun yung tinutukoy niya na gusto niyang makipaglaro sayo. That bitch! Mapapatay ko talaga siya kapag may nangyareng masama kay Rosé at Nayeon!" Sabi ni Jisoo
Kahit ako ay napahilamos narin sa mismong mukha ko.
Hindi pwedeng malaman ito ni Jennie. Alam kong gagawa at gagawa siya ng paraan makausap lang ang Kai na iyon.
"Kai send a video. Take a look at this" saad ni Jeong at iniabot niya ang phone kay Jisoo.
Lumapit naman ako para tignan kung ano yon
"Hello everyone! Hahaha! I guess naghahanda na kayo sa pagsagip sa dalawang babaeng 'to?" Sabi ni Kai sa video at ipinakita si Nayeon at Rosé na nakagapos sa iisang sulok.
Parehas na wala silang malay, duguan ang mukha ni Rosé at puro pasa ito.
"Ngayon, hinahamon kita, Lt. Pranpriya Manoban! Ipakita mo kung anong tapang na meron ka. At ikaw Jisoo Kim! Kunin mo ang mga mahahalagang dokumento ng Prime Clothing Company. Dapat mamayang 12am ay nandon na kayo sa St. Martial sa abandonadong Construction Area! Madali lang akong kausap. Sabog ang mga bungo nila kapag hindi kayo sumunod sa sinabi ko!" pagpapatuloy niya habang nakatutok ang baril niya kay Rosé at Nayeon.
"Dapat kayo kayo lang ang pupunta doon at once na malaman kong may kasama kayong Police ay siguradong sabog ang ulo ng dalawang babaeng to!" Dagdag niya at tumawa ng malakas
Napaka demonyo talaga.
"And Jennie? Well, mas maganda siguro kong isama niyo. May mahalaga kasi akong sasabihin eyy. Oo, dapat lang na isama niyo. So, see you three guys!."
Tumatawang dinilaan niya ang tuktok ng baril nito at pagkatapos ay natapos na ang video.
"FUCK YOU!! HAYOP! HAYOP TALAGA!" Jisoo repeatedly slamming the table infront of us.
Kinuha ko ang phone at ibinalik kay Jeongyeon.
I can see Jisoo's anger.
Kahit ako din ay nagpupuyos na sa galit pero hindi ako dapat sumabay, mas iniisip ko ngayon kung paano ko ito sasabihin kay Jennie.
Kung dapat ko ba siyang dalhin sa lugar na sinabi ni Kai? Ugh! That bastard! I want to tear his body right now.
"Jisoo tama na yan" Pagsaway ko sa kanya dahil hindi pa din ito tumitigil
YOU ARE READING
MY LADY BOSS (Under Revision)
FanfictionWherein Lalisa Manoban is a retired Army from Thailand who became a Personal Bodyguard of Jennie Kim (A Famous CEO of Prime Clothing Group). Lisa's Mission is to protect Jennie Kim at all cost. Yan lang naman ang nakasulat sa kanyang Dictionary; an...