ROSÉ'S POV
"Rosie! Hindi ka pa ba uuwi? Shift mo ngayon ahh?" tanong sakin ng aking kaibigan na si Jihyo.
Alas dyes na ng gabi at naririto pa din ako ng coffeeshop. Total wala yung papalit sakin kaya hiniling ko nalang sa boss ko na ako nalang ang papalit sa oras ng trabaho niya. Sayang kasi yung Pay Hour niya at pumayag naman yung boss namin.
"Wala yung papalit sakin, kaya okay lang sakin na ako muna ang papalit total kailangan ko ng doble kayud" Tugon ko
Inaayos ko ang mga nakakalat na tasa ng kape dito sa counter nang tanungin niyang;
"Oyy kumusta relasyon niyo ng Hyunbin na yun? Nakipaghiwalay kana ba?"
Tumigil naman ako sa aking ginagawa at tinignan ko siya ng malungkot then umiling ako
"iniisip ko nga kung saan ako kukuha ng pambayad ko sa kanya, laging yun ang sinusumbat niya sakin kapag tangkain kong putulin ang aming relasyon"
Huminga siya ng malalim at hinawakan niya ang magkabila kong balikat "pasensiya kana ha? Wala akong maibigay na pera sayo para lang mabayaran muna ang bugok na yun. Alam mo naman na ako ang bumubuhay sa aking pamilya" mahabang wika nito sa malungkot na tono
Ngumiti naman ako "nako okay lang, Jihyo. Madami kana nga nabigay sakin eyy. Sapat na yun para sakin." ani ko
"Pero kung gusto mo may suggestion ako sayo na mapapasukang trabaho. Malaki ang sweldo dun" sabi niya
"Sure ka nako anong kalaseng trabaho iyon?" pagtatanong ko sa excited na tono
"Siguro pamilyar naman sayo ang JK Android Technology noh?" aniya
Nanlaki mga mata ko nang maalala ko ang malaking kompanya ng iba't ibang klase ng gadgets, at ang malaking building na malapit dito sa coffeeshop.
Nadadaanan ko pa nga kapag pumapasok ako dito sa coffeeshop hanggang pag uwi ko
"Ano?! Eyy ano naman ang gagawin ko dun?" pagtatanong ko at itinuloy ang aking ginagawang ayusin ang mga tasa ng kape
"Simple lang naman eyy, ang maging secretary ng President na si Kim Jisoo.. Kilala mo naman siya diba? Ang VIP costumer natin?" mas lalong pinanlakihan ako ng aking mga mata
'di nga ako nakapag aral tas magiging secretary ako ng sikat na business woman na si Jisoo? No way!'
"Jihyo, nababaliw kana ba? Alam mo naman na wala akong tinapos na kahit anong kurso jan tas sina-suggest mo pang papasok ako sa Kompanya na yan?" hindi makapaniwalang sabi ko
"At isa pa....saan mo nakalap ang info na yan?" dagdag ko pa
"Nako..nakalimutan mo na ba na laging nakakausap ko si Jisoo?" sabi niya na parang proud na proud pa ito
"Ah oo nga naman.." saad ko nang maalala kong lagi nga silang nagchichikahan..
Nakakaselos nga kase parang pinagpapalit na ako ni Jihyo sa VIP na costumer na yun
YOU ARE READING
MY LADY BOSS (Under Revision)
FanfictionWherein Lalisa Manoban is a retired Army from Thailand who became a Personal Bodyguard of Jennie Kim (A Famous CEO of Prime Clothing Group). Lisa's Mission is to protect Jennie Kim at all cost. Yan lang naman ang nakasulat sa kanyang Dictionary; an...