LISA'S POV
*BANG!!!*
Dahil sa huni ng putok ng baril mula sa kamay ni Kai ay halos mabingi na ako.
Napaupo ako at unti unting naramdaman ang pagkirot sa parteng nabaril.
Tinignan ko si Jisoo na nagpupumiglas mula sa isang tauhan ni Kai.
This bastard! Arrghh!
"Hayop ka Kai! Arghh!!!" Impit ko habang hawak hawak ang braso kong duguan na dahil sa pamamaril ni Kai.
Napaluhod ako dahil sa sobrang hapdi ng braso ko.
"HAHAHAHA! Yan ang nababagay sa katulad mong pakealamera! Kung hindi ka sana nanghimasok sa amin ni Jennie ay hindi mo matatamasa ang kirot at hapdi dulot ng bala ng aking baril" sabi niya at nakipagsabayan ang kanyang tauhan na tumawa.
Tumatawa siyang itinutok ang baril kay Ms. IU.
Si Jisoo naman ay pilit ding nagpupumiglas sa dalawang tauhan na nakahawak sa kanyang braso para pigiling mapalapit sa akin.
"Hahaha! Ang tanga mo sa part na naniwala ka sa kasunduan. Akala ko ba matalino ka?" Pang iinsulto niya sa akin
"HAYOP KA! PAKAWALAN MO NA SILA!" ket nahihirapan na ako ay pinilit ko pa din ang magsalita.
Napapapikit na ako dahil sa hapding natamo ko.
Di kalaunan ay inilibot ko ang paningin ko at uunti na ang mga tauhan niyang nandidito.
"Lisa? Okay ka lang ba?" Rinig kong tanong ni Jisoo kaya't binalingan ko siya ng tingin
"Okay lang ako, Jisoo. Don't worry" tugon ko
Tinignan ko din si Ms. IU na ngayon ay nakagapos na ang kanyang mga kamay.
Nagkatitigan kami na parang nag uusap ang aming mga mata. Lihim na tumango siya senyales na "Makakaya natin ito. Tumayo ka jan at isagawa ang plano"
Lihim din na tinanguhan ko siya.
Unti-unting tumayo ako nang papalapit si Kai sa pwesto ko
"Lt. Manoban, Hahaha! Alam mo bang nasaksihan ko kung gaano mo niligtas si Jennie noon sa Thailand?" tumatawang wika niya at kwenelyuhan pa ako
"Malamang hindi!" Pang iinis ko sa kanya
Mapang-insultong ngiti ang nakapinta sa kanyang mga labi, sinalubong ko ang bawat titig niya.
Ang isang kamay niyang nakahawak ng baril ay itinaas ito at pawang sumenyas sa kanyang mga kasama.
Lumapit ang isa sa mga tauhan niya "ihanda ang sasakyan at dalhin niyo si Jisoo at Jennie. Tatapusin ko lang ang mayabang na payatot na to!" bilin niya sa kasama
"Masusunod Boss!"
"Sandali!?" napatingin si Kai sa direction ni Jisoo at maski ako nang magsalita ito
"Sinunod namin ang iyong kagustuhan, heto ang dukomentong hinihingi mo! Ano pa bang gusto mo!?" Sabi ni Jisoo at sa akto niya ay inis na inis na din ito
"Well, hindi pa ako kuntento ey. Isusunod ko ang Android JK kaya hindi maaaring pakawalan kita Ms. Jisoo" mahinahon na tugon ni Kai
Nagkatinginan kame ni Jisoo at pagkatapos ay ibinaling ko ang mga tingin ko kay Kai
"You son of a bitch!" madiin kong sabi at dinuraan ko ang kanyang mukha
"That suit you!" dugtong ko
YOU ARE READING
MY LADY BOSS (Under Revision)
FanfictionWherein Lalisa Manoban is a retired Army from Thailand who became a Personal Bodyguard of Jennie Kim (A Famous CEO of Prime Clothing Group). Lisa's Mission is to protect Jennie Kim at all cost. Yan lang naman ang nakasulat sa kanyang Dictionary; an...