*****
--Someone's POV--
"Nay, uuwi muna ako. Nandito naman si JK para siya muna magbantay sayo. Huwag matigas ang ulo po ah? Need niyo magpalakas para makauwi kana sa bahay." paalam ko kay inay habang inaayos ko ang mga gamot na iinumin niya. Need ko kasing umuwi muna at makapg trabaho sa coffee shop. Nakakahiya sa boss ko dahil lagi nalang akong nagpapaalam.
"May masasakyan ka pa ba sa mga oras na ito, Anak?" Nang maayos ko ang kanyang gamot ay umupo muna ako sa upuan malapit sa kanyang kama.
"Huwag kang mag alala, Nay. Naghihintay po si Hyunbin sa labas. Dala naman po niya ang kanyang sasakyan" tugon ko at pilit na ngumiti ngunit natitiyak kong pansin niya ang mga ngiti ko.
Malungkot ang kanyang mukha, hinawakan niya ang mga kamay ko "Talaga bang binigyan mo ulit siya ng pagkakataon? Dalawang beses kana niyang niloko anak" expected ko na ang tanong niyang iyan.
Napatungo ako at pilit na huwag maiyak. "Nay? Lahat naman tayo ay may mga pagkakamali, hindi perpektong tao si Hyunbin. He deserved a chance dahil kahit ganun man ang ginawa niya ay mabuti pa rin siyang tao para sakin" pagsisinungaling ko pero sa totoo lang ay ayaw ko na itong tanggapin pa sa buhay ko, kung di dahil sa malaking utang na loob ko sa kanya.
Iniiangat ko ang aking ulo para tignan ko si inay. "Kung ano man ang desisyon mo, nandito parin ako na sumusuporta sa relasyon niyo anak pero sana naman, magbago na siya at huwag ka niyang saktan ulit. Nahihirapan kasi ako kapag hindi ka okay anak" malungkot nitong pahayag. Napakagat ako sa ibabang-labi para huwag maiyak. Ngumiti nalang ako sa kanya at pilit ko pa ding pinipigilan ang pag iyak ko.
Makalipas ang ilang minutong pag uusap namin ay nagpaalam na ako para makauwi na.
Ako nga pala si Rosé Park. Normal lang ang aking pamumuhay. Walang permanenteng trabaho dahil papalit-palit ako dulot sa hindi ako naka graduate ng kahit anong kurso. Sa sikat na coffee shop ako kasalukuyang nagta-trabaho and thanks to my friend Jihyo, dahil sa kanya nakapasok ako doon.
Hyunbin is my boyfriend at mag iisang taon na kami. Nakilala ko siya noon sa unang trabahong pinasukan ko sa isang Resto Bar. Madali akong nabighani sa kanya at ilang months lang ang lumipas ay nagtapat siya ng kanyang nararamdaman sakin at doon nanligaw ng dalawang buwan hanggang sa naging official na kame.
Okay naman siya noong una pero nung tumagal na ay naging cold ito hanggang sa malaman kong womanizer pala ito.
Ilang beses na nagloko pero heto parin ako't nagpapakatanga sa kanya sa kadahilanang sa tuwing gusto kong makipaghiwalay sa kanya ay isinusumbat sakin ang mga utang ko katulad na lamang ng pagtulong niya sakin sa tuwing kailangan ko ng pera that's why i have no choice but to stay dahil wala naman akong alam na mapagkukuhanan ng perang pambayad ko sa kanya.
Hindi alam ni inay na may ugali si Hyunbin na pala-singil ng utang na loob.
Gustong-gusto ko na talagang umalis sa relasyong meron kami dahil diko na matiis ang kanyang ginagawa sa akin na minsan ay sinasaktan niya ako physically.
"Oh hi nanjan kana pala babe" agad na lumapit siya sakin nang nakalabas na ako ng exit ng hospital. Pekeng ngiti ang iginawad ko sa kanya "hi babe" pagbati ko
"Tara na.." nakangiting pag aya niya
Tumango nalang ako at sumunod sa kanya. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng kanyang sasakyan which is, hindi naman niya ito gawain. Naki ayon nalang ako sa mood niya baka mamaya iinit na naman bigla ang kanyang ulo at mapunta na naman sa away hanggang sa masaktan na naman niya ako.
"Salamat" nakangiting saad ko at pumasok na sa loob. Sunod na sumakay siya sa driverseat. Nang akmang ayusin sana niya ang seatbelt ko pero inunahan ko siya.
He sighed. In-start na niya ang engine at agad na pinatakbo iyon nang pabigla. Mabuti nalang at napaghandaan ko iyon. Sabi ko aayon ako sa mood niya pero heto na naman kame.
"Hyunbin, please huwag mo namang bilisan" sabi ko sa maayos na pananalita. Heto na naman ang takot na nararamdaman ko. Grabeng trauma na ako sa ganitong kabilis niyang magpa takbo dahil isa itong parusa sa tuwing di niya magustuhan ang mga kilos ko.
"You call me Hyunbin not babe!" wala sa ekspresyon niyang sabi. Napakadiin ng pagbigkas nito.
Nasa daan ang atensiyon niya habang ang kanyang mga mata ay nanlilisik sa galit. Maaliwalas ang daan, malapit na kaseng mag madaling araw at nakakabuti iyon para walang madamay or maperweso in case man na may mangyare pero sana naman walang masamang mangyare sa amin dulot ng mabilis nitong pagpapatakbo.
Mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo at diko mapigilan ang mapahiyaw dahil pinagewang-gewang pa niya ito.
Panay dasal lang ang ginagawa ko sa aking isipan dahil anumang oras ay pwede kameng mapahamak sa bilis ng pagpapatakbo nito.
"Ano bang problema mo, Hyunbin? Please natatakot na ako" nanginginig na ang aking boses at naiiyak na ako sa takot. Kailangan pa ako ni inay kaya takot akong mawala kung ngayon man ang katapusan ng aking buhay.
"Ikaw ang problema ko dahil bigla-bigla mo nalang ako tinatawag sa aking pangalan!" pabulyaw niya
"Para yun lang nagiging ganyan kana? Napaka-imature mo naman" sabi ko ngunit sa maayos na tono. Ayokong makipagtalo ngunit papunta na din naman iyon.
"Wow! Just wow, Rosé! Dimo kase ramdam eh."
Tinignan ko siya "Bakit? Ramdam mo din ba ang nararamdaman ko ngayon, Hyunbin? Hindi lang naman ako ang tinatawag mong babe, nagreklamo ba ako?" Ni minsan hindi ako nagreklamo sa mga pinaggagawa niyang panloloko pero bakit kasalanan ko pa?
Hindi siya nakaimik at binagalan na niya ang pagpapatakbo.
"Sorry" wika niya.
Hindi ko siya pinansin at nakatingin lang ako sa bintana, pinapanood ang mga iba't-ibang uri ng kulay ng ilaw na nadadaanan namin.
"I'm sorry, Rosé" pag uulit niya
"Pwede bang pakawalan mo na ako, Hyunbin? Nasasakal na ako. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang gusto mo. Nakakasakal na" sabi ko sa mahinang tono pero tiyak na nadinig pa niya iyon.
"Tsk! Sa tingin mo papakawalan kita? Madami kang utang sakin, Rosé tapos makikipaghiwalay ka sa akin? No way!" sabi niya at dinagdagan ang speed ng sasakyan kaya't napakapit nalang ako ng mahigpit sa aking seatbelt.
Nagsisisi akong nagmahal ako ng taong akala ko, siya na ang magbibigay ng aking kasiyahan habang buhay. Napaka-tanga ko.
*****
All Rights Reserved
@2024Author Buwan 🌙
YOU ARE READING
MY LADY BOSS (Under Revision)
FanfictionWherein Lalisa Manoban is a retired Army from Thailand who became a Personal Bodyguard of Jennie Kim (A Famous CEO of Prime Clothing Group). Lisa's Mission is to protect Jennie Kim at all cost. Yan lang naman ang nakasulat sa kanyang Dictionary; an...