Chapter 30

2K 82 12
                                    

ROSE'S POV

Nalinisan ko na ang mga sugat sa aking tuhod.Kasalukuyan na nandito ako sa garden. Nakaupo ako dito sa bench malapit sa fountain.

Hindi maalis sa isip ang mga salitang binitawan ni Hyunbin.

Paano ko kaya gagawin ang iyon?

"Rosé? Can we talk?"

Ang boses na iyon ay ang nagpagising sa lumilipad kong diwa habang iniisip kung papaano ko nga ba matatakasan si Kai at Hyunbin.

Kinakabahan akong tumayo, humarap ako sa kanya at mas lalo akong natakot nang makita ko ang seryusong awra ni Jisoo

"M-ms. Jisoo" kabadong nabanggit ko at yumuko ako

"Bakit? Bakit ka nakayuko?" dugtong pa niya

Napaka seryuso ng kanyang tono. Nagsisimula na ngayong manginig ang mga tuhod ko pero tinapangan ko naman ang aking sarili para tignan siya.

Hindi maaaring magpakita ako ng takot na nararamdaman ko, baka kung ano pang isipin niya

"Umn-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla niyang hablutin ang braso ko.

Napakatalim ng kanyang mga matang nakatitig sa akin. Nakakatakot siya, hindi ko alam kung anong dahilan niya para hawakan ako sa braso na ganun kahigpit

"Sabihin mo kung anong pakay mo sa akin?! Sa amin ni Jennie?!"

Kahit mahina ang pagkakasabi niyang iyon ay halata namang may halong galit.

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko hindi dahil sa nasasaktan ako sa pagkakahawak niya sa braso ko kundi natatakot ako sa kung anong pwede niyang gawin sakin


"TELL ME! WHAT DO YOU WANT?! I SAW YOU WITH THAT BASTARD HYUNBIN!!" Bahagya akong napapikit dahil sa pagsigaw niya sa mukha ko

Mas bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa nerbyos nang banggitin niya ang pangalan ni Hyunbin

"Jisoo? Stop! What are you doing?!" pigil ni Lisa sa kanya

Lumapit si Lisa at tinanggal niya ang mga kamay ni Jisoo na nakahawak sa braso ko.

Napasalampak naman ako bigla sa bermuda grass dahil nawalan na ako ng balanse dahil sa sobrang pangangatog ng aking mga tuhod


"Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Lisa

Jisoo stepped backward when Lisa helped me to stand

"Please Ms. Rosé. Tell us the truth. Na check ko ang cctv at nakita namin si Hyunbin na kausap mo" tanong ni Lisa habang hawak ang magkabila kong balikat


Umiiyak na ako dahil sa takot. Nakakahiya, nahihiya ako sa kanila. Napakaganda ng trato nila sakin tapos bina-backstabbed ko lang sila.

"Rose, willing kaming tulungan ka kaya sabihin mo ang totoo. Alam kong hindi mo ito magagawa ng kusa. Napakabait mo kaya tell us the truth pls" pakiusap ni Lisa

"Si Kai at Hyunbin ba?" dugtong ni Lisa

Napapikit ako ng marahas at kasabay nun ay sunod-sunod na luha ang lumalabas saking mga mata.

Tinignan ko si Jisoo mula sa likuran ni Lisa. Pulang-pula ang kanyang mukha, marahil dahil sa galit.

Napakatalim din ng tingin niya. Ibinaling ko ang mga tingin ko kay Lisa at tinanguan lang ako indicating na magsasalita ako tungkol sa tinatanong niya about kay Hyunbin at Kai

MY LADY BOSS (Under Revision)Where stories live. Discover now