ONEWEEK LATER...
JENNIE'S POV
It's been a week since Lisa is lying here in bed, walang malay at yun ang ikinalulungkot ko.
Halos dito na rin ako tumira dito sa hospital mabantayan lang siya.
Gusto ko kasi pagkagising niya ay ako kaagad ang makita niya.
Noong time na umalis sila dis oras ng gabi ay nakaramdam na ako ng takot nun. Hanggang sa inumaga ako Kaka hintayin sa kanila pero masamang balita ang sumalubong sa umaga ko.
_FLASHBACK_
"Jisoo? B-bat ngayon ka lang?" tanong ko ito nang masilayan ko ang sasakyan niya kanina doon sa bintana
Halos hindi na ako nakatulog dahil sa paghihintay sa kanila.
Tinignan ko ang likod niya at sinilip kung nakasunod si Lisa ngunit hindi ko ito nakita
"J-jennie" tawag niya sa akin at nakaramdam ako ng kaba
"Si Lisa? Nasaan siya? Bakit hindi mo kasama?" sunod sunod kong tanong.
Unti-unti ay lumuhod siya sa harap ko at niyakap ang mga binti ko
"Jen, I'm so sorry" sabi niya at nagsimula na itong umiyak
Nagtataka man ako pero mas nanaig pa din ang kabang nararamdaman ko
"Jisoo ano bang nangyayare sayo? Tinatanong ko kung nasaan si Lisa. Nasaan siya? Bakit hindi mo siya kasama?" paulit ulit na tanong ko
Nanatili siyang nakayakap sa binti ko at kinukimbinsi ko naman itong tumayo ngunit binabalewala niya lang ito.
"Si Lisa...." wika niya
Hindi ako umimik at hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin.
"Nasa Hospital si Lisa at kritikal ang kanyang condition, Jennie"
Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang kanyang sinabi.
Humagulhol si Jisoo sa iyak habang nakasobsob pa din ito sa binti ko.
Hindi ko na din namalayan si Jeongyeon na yumakap sa likod ko upang pakalmahin ako dahil sobrang nanginginig na ako at tila hindi makahinga.
_END OF FLASHBACK_
Sobrang inis ako noong time na yon dahil inilihim nila sakin ang totoo na nakidnap si Rosé at Nayeon and worst is, nagsinungaling pa si Jisoo at Lisa sa akin na may pupuntahan silang Important matters about sa case ng dad ko pero ang totoo ay nasa bingit na pala sila sa kamatayan.
Pero nangyare na iyon. Wala na akong magawa.
Ang ipinagpapasalamat ko ay nakakulong na ang Kai na iyon kaso nga lang ay Hospital Arrest dahil nasunog ang katawan nito sa pagliyab ng kanilang sasakyan.
Pinagdadasal ko din palagi na magising na si Lisa at sa paggising niya ay makikila niya ako at kaming lahat.
"Jennie? Kain ka muna dito oh? Naihanda ko na ang almusal natin" pag aya ni Rosé sa akin at sumunod naman ako kaagad
"Thank you, Chaeng" pasasalamat ko
Umupo na kami at pinagsaluhan ang pagkain.
Pasulyap sulyap ako sa nakahingang Lisa at sa isip ko ay kinakausap ko ito
"I'm so sorry, Jen" biglang napabaling ako kay Rosé ng magsorry ito
Ibinaba ko ang gamit kong kubyertos at kinuha ang kanyang mga kamay.
YOU ARE READING
MY LADY BOSS (Under Revision)
Hayran KurguWherein Lalisa Manoban is a retired Army from Thailand who became a Personal Bodyguard of Jennie Kim (A Famous CEO of Prime Clothing Group). Lisa's Mission is to protect Jennie Kim at all cost. Yan lang naman ang nakasulat sa kanyang Dictionary; an...