ROSE'S POVSa bawat pag apak ko sa loob ng malaking building ng JK Android Company ay hindi ko maiwasan ang mapanghinaan ng loob.
At ngayon nandito muli ako sa training center ng kompanya na ito.
Isang linggo na ako bilang trainee as a Secretary, mabuti nalang at madali ako matutu kahit pa wala akong degree na natutunan.
Huling araw ko na ito bilang trainee at sa susunod naman ay magiging Intern na ako.
"Ms. Park? Are you listening?" mataray na pagtatanong ng trainor ko na si Ms. Joy.
Mataray siya at napakapangit ng pakikitungo niya sakin simula pa noong nagsimula ako.
Tila nagising naman ang aking diwa "ah- sorry po Ms. Joy" paumanhin ko at tumayo ako sa kinauupuan ko.
May kanya-kanya kameng table dito sa loob ng training center, ang mga kasama ko ay magkakaiba ng department na inapplayan dito.
"Tinatanong ko kung naintindihan mo lahat ng dinisscuss ko sayo?! Keysa naman nagsasayang lang ako ng laway kakasalita di mo naman pala na intndihan!" aniya
"N-naintindihan ko po lahat yun, Ms. Joy. Hwag po kayong mag alala" tumungo ako dahil nagsimula na naman na pag usapan ako ng mga kasama ko habang nakatingin sakin.
Sa tuwing pinapagalitan ako ng trainor ko ay may mga masasakit na salita na naririnig ko tungkol sakin
"Mabuti kong ganun! Hindi ko nga alam kong bakit ka tinanggap ng HR bilang trainee as a secretary ni Jisoo! Ni hindi ka nga nakapagtapos ng pag aaral. Aytss" sabi niya na para bang pinapalabas na wala akong pinag aralan.
Hindi ko nga maintindihan kong bakit ang init ng dugo niya sakin eyy.
"Sige! Ipagpatuloy mo muna yang assignments mo at pagkatapos pumunta ka sa Maintenance area para ibigay ito sa Electrician" sabi niya
Tinanggap ko ang envelope na iniabot niya sakin "opo, Ms. Joy" ani ko
Tinalikuran na niya ako.
Umupo naman ako at itinabi muna ang envelope na binigay niya.
Pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawang pag encode ng sample ng reports na binigay niya sakin.
Mabuti nalang talaga at kayang-kaya ko na ang paggawa ng reports at pati na din ang ibang gawain ng Secretary.
"Uyy Ms. Park! Napansin ko ikaw lang yung ginaganun ni Ms. Joy? Alam mo na" sabi ng katabi ko, umusog siya kaunti para makalapit sakin.
Tinignan ko naman siya at ngumiti ako "Hindi ko din alam eyy pero okay lang naman sakin yun" tugon ko
"Nako! Pero hindi naman fair ang pakikitungo niya sayo at sa amin na mga kasama mo dito" Saad niya pero sa pamamaraang pabulong lamang
Huminga ako ng malalim bago ko siya sinagot "hindi na yun mahalaga sakin, basta ang importante sakin ay marami akong natututunan kay Ms. Joy." nakangiting tugon ko.
YOU ARE READING
MY LADY BOSS (Under Revision)
FanfictionWherein Lalisa Manoban is a retired Army from Thailand who became a Personal Bodyguard of Jennie Kim (A Famous CEO of Prime Clothing Group). Lisa's Mission is to protect Jennie Kim at all cost. Yan lang naman ang nakasulat sa kanyang Dictionary; an...