ROSE'S POV
Nandito na ako sa Jk Android Company habang ang pandinig ko ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa mga sinabi ni Hyunbin tungkol sa plano.
Hindi ko alam ang aking gagawin, kailangan kong mailigtas si Inay at ang kapatid ko
"Hey! Ms. Park? Okay ka lang? Kanina pa kita tinatawag pero dika namamansin" tila ba bumalik sa katinuan ang aking isip nang marinig ko ang boses ni Ms. Jisoo.
Nandito pala siya sa tabi ko at sinasabayan niya ako sa paglalakad
"Oh Ms. Jisoo, i'm so sorry po. M-medyo may defective kasi pandinig ko" pagsisinungaling ko.
Tumigil ako sa paglalakad at nagbow ako sa kanya bilang pagrespeto
"No need to do that, Ms. Park. Dami mong dala ahh? Akin na yan" ani niya sabay hablot sa hawak kong lalagayan ng laptop at pati na din yung baon kong lunch
"Nako Ms. Jisoo! Akin na yan. Dapat ako nga po ang maghawak ng gamit mo pero bat parang baliktad hehe" ani ko
"Ayos lang naman Ms. Park, wala naman ako masyadong bitbit eh" tugon niya
Napakasimple talaga ni Ms. Jisoo magdala ng kasuotan.
Yung tipong black pants at polo shirt lang na white ang kanyang suot. Akala ko nga nung dati is matapobre siya nung unang pasok niya sa coffee shop na pinapasukan ko.
Mali pala ang judgment ko sa kanya.
"Ms. Jisoo nakakahiya kasi, akin na po yang laptop, mabigat po yan" sabi ko dahil mabigat nga naman ito. Puno kasi ito ng papel
"Nako ayos nga lang Ms. Park. At pwede bang Jisoo nalang ang itawag mo sa akin?" paki usap niya
"Naku! Hindi po maaaring pangalan mo nalang ang itawag ko Ms. Jisoo. Nasa loob po tayo ng kompanya mo at ket saan tatawagin pa din kitang Ms. Jisoo" tugon ko naman
Nagpatuloy kame sa paglalakad at nasa right side niya ako.
Hinayaan ko na lang na bitbitin niya ang gamit ko, kahit pa pilit na bawiin ko sa kanya ay ayaw niyang ibigay.
Nakakahiya lang kasi dahil pinagtitinginan kame ng kapwa kong employee dito.
May mga nagbubulungan pa kaya tudo tungo lang ang aking ginagawa dahil sa hiya.
"Huwag ka ngang masyadong tumungo, Ms. Park. Parang may kung ano kang tinignan sa daanan mo ahh?" Pabiro niya kaya agad akong napatingin sa kanya
Nakangiti ito "ahh hehe. Hindi kasi ako sanay na may kasabay na sikat na business woman Ms. Jisoo kaya nahihiya ako"
"Nako, huwag ka ngang mahiya. Parehas lang naman tayong tumatae at umiihi diba? Kaya walang nakakahiya dun ket pa presidente ang kasama mo" pabiro niya kaya naman napangiti ako
Sa pagngiti ko ay bigla ko naaala si Hyunbin kaya naman agad na napawi ang mga ngiti ko.
Nakarating na kame sa kanyang office dahil sabi niya ay may ipapagawa siya sakin, mas mabuti na kong ganun para maka close ko siya sa lalong madaling panahon, buo na ang desisyon kong sundin ang sinabi ni Hyunbin
'I'm sorry Ms. Jisoo pero kailangang gawin ko to para kay inay at sa kapatid ko'
"Ms. Park? Heto ba yung baon natin?" nakangiting tanong niya at excited pa ito habang tinitignan ang bag na naglalaman ng lunch na baon ko
"Oo Ms. Jisoo. Don't worry, madami yan kaya magsawa kang kumain" nakangiting tugon ko naman
"Tamang-tama! Pupunta ang pinsan ko dito, sama-sama nalang tayo mag lunch dito sa office ko mamaya dahil may pag uusapan kame" mahabang sabi niya
YOU ARE READING
MY LADY BOSS (Under Revision)
Hayran KurguWherein Lalisa Manoban is a retired Army from Thailand who became a Personal Bodyguard of Jennie Kim (A Famous CEO of Prime Clothing Group). Lisa's Mission is to protect Jennie Kim at all cost. Yan lang naman ang nakasulat sa kanyang Dictionary; an...