*****
--Lisa's POV--
Gabi na nang makabalik ako ng Mansion ng Kims. Umuwi muna kase ako sa apartment ko to pick some of my things, konti lang naman ang gamit ko doon kaya di ako nahirapang dalhin dito sa Mansion.
Maingat kong pinihit ang gintong doorknob ng malaking maindoor at pumasok ako kaagad. Grabeng pinto ito, mas malaki pa kaysa kay Gulayat.
Nilibot ko muna ang mga mata ko sa kalawakan ng sala at baka makakita ako ng pusa, mamaya niyan bigla na naman akong bungangaan and good thing hindi ko nakita ang anino ni Malditang pusa hihi.
I looked up in the stairs at malay natin baka pababa si pusa pero wala. Nakahinga ako ng maluwag. Parang nakakarinig kasi ako ng ugong sa tuwing binubungangaan niya ako. Sakit sa taenga.
Pumasok na ako sa nakalaang kwarto na tutulugan ko na dito mismo sa bandang akyatan ng hagdan.
"Hays lambot ng kama" Nahagilap ko ang isang painting ng lalake na nasa 50's ang edad. Curiosity kaagad ang aking naramdaman "Marahil ay si Mr. Kim ito"
Inilipat ko ang aking mga tingin sa isa pang painting na medjo pamilyar sakin kaya't bumangon at nilapitan ko ito. Kunot-noong hinawakan at inusisa ko ng maigi "parang nakita ko na to ahh?" Pilit kong inalala kong saan ko nga ba ito nakita pero tila ba hindi ko matandaan. Basta pamilyar sakin itong painting na naglalaman ng dalawang batang tila ba naglalaro ng buhangin sa dalampasigan.
"I can't remember when I saw this painting" pinilit ko talagang inalala pero diko talaga maalala.
Naalala ko tuloy si Dad at Mom na mahilig din sa paintings. Nag p-paint nga din sila noong mga nasa 5 years old pa ako pero habang lumalaki ako ay diko na sila nakita pang nag paint.
"Hayss.. Saan ko nga ba nakita 'to?"
Ibinaba ko na ang painting at di kalaunan ay nakaramdam ako ng gutom. Dipa pala ako naghapunan. Tinignan ko ang wristwatch ko at saktong 9pm na.
Lumabas ako ng kwarto at dahan-dahan na nagtungo ako sa kusina. Mahirap na baka mabulabog ang pusa. Nakakarindi pa naman bunganga nun.
Unang binuksan ko ang kabinet na paglagyan ng noodles at tumambad ang sandamak-mak na cup noodles "Woah? Ramen!" parang batang pagkakasabi ko pero sa mahinang tono lamang. Simula noong umalis na ako sa bahay ay dina ako nakakatikim ng ganitong klaseng flavor ng noodles.
Isinara ko na ang kabinet at binuksan kaagad ang cup noodles ng ramen and i poured it with a hot water. Grabe nakakatakam!
YOU ARE READING
MY LADY BOSS (Under Revision)
FanfictionWherein Lalisa Manoban is a retired Army from Thailand who became a Personal Bodyguard of Jennie Kim (A Famous CEO of Prime Clothing Group). Lisa's Mission is to protect Jennie Kim at all cost. Yan lang naman ang nakasulat sa kanyang Dictionary; an...