CHAPTER 44

2.5K 102 26
                                    

JENNIE'S POV

"Jen, magpahinga ka muna. Ako na ang magpapatuloy jan sa ginagawa mo" sabi ni Nayeon sakin nang mailapag niya ang mga papers na pepermahan ko sa ibabaw ng mesa.

Natambak na ang mga paper works dahil sa ilang dalawang linggong pananatili ko sa hospital mabantayan lang si Lisa.

Salamat kay Nayeon at palage siyang nakaagapay sakin, syempre lalo na si Jisoo at Rosé.

Ako muna ang umaasikaso ngayon dito sa Prime Clothing dahil kasalukuyang nasa Japan si Jisoo at Rosé para sa business trip nila.

Sina Tito at Tita M muna ang nasa hospital ngayon at kasalukuyang nagbabantay kay Lisa.

Lastweek lang na dumating sina Tito at Tita M.

Sila muna ang nakatukang magbantay kay Lisa para naman magkaroon din sila ng pagkakataong masolo ang kanilang anak.

Si Nanay Milagros at JK naman ay sila muna ang naiwan sa Mansion.

"Okay lang ako, Nayeon. Kukunti nalang to. Ikaw ang magpahinga jan dahil kanina pa kita inuutusan ey" sabi ko naman at tuloy lang ang pag sign ko sa mga papers na hawak ko

Napahinga naman siya ng malalim at naglakad papunta sa aking likuran.

Minasahe niya ang aking balikat at pinaangat ko ang aking ulo para damahin ang nakakarelax niyang pagmamasahe.

"Okay lang ako, trabaho ko naman yun ey" tugon niya

Patuloy lang siya sa pagmamasahe sakin, ganto siya sakin sa tuwing ramdam niyang pagod ako.

Napaka swerte ko dahil nagkaroon ako ng kaibigan katulad niya.

"Kumusta kayo ni Jeongyeon?" tanong ko

Sa tanong kong iyon ay napatigil siya sa kanyang ginagawa.

Naglakad siya patungo sa harap ng aking table at umupo ito

"Ahm, sa totoo lang ay kame na" tugon niya na may halong hiya

"What? Kailan pa?"

"Last week lang hihi" wika niya at nag peace sign ito

Kunwareng nagmamaktol naman akong tinignan siya

"bakit dimo man lang ako sinabihan? Ikaw ha, naglilihim kana sakin"

"Sasabihin sana namin to sayo nung nasa hospital tayo kaya lang biglang dumating si Mr. M at Mrs. M" tugon niya

"Pero sigurado kaba sa nararamdaman mo sa kanya? Porket pretty handsome na siya ay nagpadala ka naman?" Itiniklop ko na ang huling folder na naglalaman ng dokumentong penermahan ko at itinabi ito.

Nagtalukip ako habang tinitignan si Nayeon at hinihintay ang kanyang sasabihin

"Syempre mahal ko siya. Hindi naman siya mahirap mahalin katulad ni Lisa dahil napaka caring, sweet at joker pa, napapasaya niya ako sa bawat presensya niya" paliwanag naman niya

"Pero kasi parang wala pang isang buwan nung nagkakilala kayo diba? Baka need pang patunayan yang nararamdaman mo ket mga ilang buwan ganun" sabi ko

"Eyy parang dina kailangan yun dahil sure na sure na kame sa isa't isa" bwelta niya kaagad

Napatango-tango nalang ako dahil wala akong masabi.
--

Lunch time na at kasalukuyang papunta kame sa Hospital ni Nayeon, dala-dala ang pagkaing binili namin sa restong nadaanan namin.

Pagkarating namin sa Hospital ay kaagad na sa Room ni Lisa ang tinuntong namin hanggang sa marating namin ito.

MY LADY BOSS (Under Revision)Where stories live. Discover now