Prologue

33 5 69
                                    

"Ma, alis na po ako" mahinahong sambit ko at saka inayos ang uniporme ko. Napatingin naman ito sa'kin pero agad din niyang iniiwas ang tingin sa'kin.

Bahagya naman akong napayuko nang dahil do'n. Hanggang ngayon ay sinisisi parin niya ako sa lahat ng nangyari sa buhay namin. Maging ako ay sinisisi ko ang sarili ko nang dahil sa mga maling desisyon na nagawa ko.

"Nasa lamesa po ang almusal, hanggang tanghalian na 'yan Ma.Babalik po ako dito mamayang gabi  para ipagluto po kayo" pagpapaalam ko sa kan'ya ngunit gaya ng kanina ay hindi parin ako nito binabalingan ng tingin.

Nagpasya naman na akong umalis at saka bahagyang isinarado ang pintuan. Naglakad naman ako papunta sa paradahan ng tricycle at saka nag-abang ng masasakyan. Sakto naman ay ang pagdating ni Kuya Loreto kaya't agad ko itong pinara.

"May pamunas diyan sa likod, punasan mo muna ang upuan baka kasi marumihan 'yang uniform mo. Puti pa naman" nahihiyang sambit nito sa'kin.

"Ayos lang Kuya, hindi naman po marumi ang upuan niyo" natatawang sambit ko naman sa kan'ya.

Habang nasa biyahe ako ay nakatingin lang ako sa paligid, bigla ko namang namataan ang tarpaulin ni Senator Agustin sa waiting shed na nadaanan namin kaya't agad akong nag-iwas ng tingin. Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang pait na dinanas ko sa pamilya nila.

"Bayad po" ani ko kay Kuya Loreto sabay abot ng 15 pesos sa kan'ya.

Dali dali naman akong tumakbo papunta sa loob ng hospital at saka inayos ang gulo-gulong buhok ko. Agad ko namang tinungo ang Nurse's office. Binati pa ako ng mga kapwa ko Nurse nang makapasok ako do'n. Nadatnan ko naman silang kumakain ng cup noodles sa isang maliit na lamesa.

"Nag-almusal ka na, Lianne?" tanong sa'kin ng katrabaho kong si Tessa.

"Ah oo" ani ko naman at saka tipid itong nginitian. Kahit na hindi naman talaga ako kumain, mahal kasi ang bilihin dito kaya sa bahay nalang siguro ulit ako kakain kapag tulog na si Mama. Maliit lang din kasi ang sahod ko kaya't kailangan ko rin 'yong tipidin para sa pangkain naming dalawa ni Mama.

Inayos ko ang mga gamit ko sa gilid at saka akmang iiwan na sila do'n nang biglang nagsalita sila Tessa.

"May isang scene daw sa The one that got away na dito gaganapin, day off ko pa no'n! Makikita ko na si Gwen!" masayang sigaw ni Tessa. Agad naman akong nanlumo nang dahil sa narinig kong 'yon. Bakit dito pa? Madaming Probinsya sa Pinas na puwede nilang pagshootingan, bakit dito pa?

Napailing naman ako at saka inalis ang mga iniisip ko. Malawak' tong Probinsya kaya't impossible na magkita kami, tama! Hindi ko hahayaang magkita kaming muli ng lalaking 'yon!

Pumunta naman agad ako sa front desk at chineck ang kailangan kong gawin ngayong araw. Wala naman akong masyadong gagawin kundi ang bantayan ang pasyente ni Doc Reyes.  Pumunta naman ako sa room no'ng pasyente at chineck ang status nito. Batang babae ito at hindi pa bumababa ang lagnat nito mula pa no'ng mga nakaraang araw.

"Eat healthy foods and don't forget to take your medicine, okay?" malambing na sambit ko sa kan'ya.

Nagulat naman ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at saka ako tinitigan na para bang nagmamakaawa itong alisin ko siya sa luga na 'to.

"Please don't use injections.. I promise that I will take my medicines" malamyang sambit nito.

Lumuhod naman ako at saka ito tipid na nginitian. Hinawakan ko ang kamay niya at saka maingat na hinaplos ang pisngi nito.

" We won't. Basta magpagaling ka, okay?" ani ko naman sa kan'ya. Agad namang lumiwanag ang mukha nito at saka ako niyakap.

Sa pagyakap niyang 'yon ay tila ba nawala lahat ng pasan ko sa mundo. Bahagya naman akong napangiti nang maalala na ganito na din dapat kalaki ang anak ko ngayon kung hindi lang sana siya nawala noon. Naramdaman ko naman ang pagpatak ng mga luha ko kaya't agad ko itong pinunasan.

Crisis of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon