Market
Ilang araw na ang lumipas mula no'ng sinamahan kong mag-ayos ng informations si Dr. Agustin. Wala namang masyadong nangyari sa araw na 'yon, no'ng dumating nga lang ang mga kaibigan nito ay saka lang umingay ang buong office. Hindi naman ako makasabay sa pagkukuwentuhan nila dahil hindi ko naman alam kung tungkol saan ang mga' yon. Tahimik lang akong kumakain no'n habang nginunguya ang dala nilang pagkain. Minsan din ay nililingon ako ni Dr. Agustin at inaalukan ng kinakain niya pero inaayawan ko 'yon. May one time rin na narinig ko ang pag-uusap nila na about sa mga babae.
"How's little girl?" tanong ni Dr. Agustin kay Dr. Wezen. Hindi ko pa alam kung sino ba ang tinatawag nitong little girl pero sapalagay ko'y jowa' yon ni Dr. Wezen.
"She's fine, I'm taking care of her." sagot naman ni Dr. Wezen sa kan'ya. Tumango naman si Dr. Agustin at saka nito siniko si Deus na ngayon ay mukhang may malalim na iniisip.
"What are you thinking? Chill, you'll win the case" ani nito at saka tinapik tapik ang balikat ni Deus.
Patuloy lang ako sa pakikinig sa kanila at mukhang ayos lang naman sa kanila 'yon dahil hindi pa nila ako pinapalabas. Hindi naman masyadong private ang pinag-uusapan nila kaya't ayos lang na marinig ko ang mga' yon.
"How about you? What did senator say?" tanong naman ni Dr. Wezen kay Gwen kaya't agad itong napatingin sa'kin at sinenyasan si Stan na nandito pa ako.
Natawa namang pareho si Stan at Deus at saka sila napatingin sa gawi ko. Ako naman ay inosenteng nakatingin sa kanila at inaalam kung ano'ng meron kung bakit nakatitig ang mga 'to sa'kin.
"Don't stare at her, baka matunaw siya." umiiling namang sambit ni Gwen at saka nito kinuha ang mga papeles na nasa table. Kanina pa hawak' yon ni deus kanina habang kumakain kami kaya't ang hula ko'y papers 'yon para sa case na hawak niya ngayon.
Kinuha din ni Gwen ang ballpen na nasa lamesa at saka sinulatan ang ibang parte ng papers. Mukhang inaanalyze din nito ang kasong hawak ni Deus.
"Who' s the real killer? Have you found it out?" tanong pa nito kay Deus, bagay na ikinailing nito.
"I'm still trying to find it out, all of the suspects have their intentions to kill her so I don't know who among all of them did the crime" sagot naman ni Deus. Tumango tango naman si Gwen at saka iniabot ang papel kay Deus.
Napatingin naman ako kay Stan na ngayon ay parang may kachat sa cellphone nito at tila walang pake kung ano'ng pinag-uusapan ng dalawa niyang kaibigan.
"What about the witness? Have you investigated her? She was at the scene and obviously, she might've also been there when the crime happened. She must be considered as one of the suspects also, no one knows, maybe she's manipulating the whole story" ani naman ni Gwen.
Tumango tango naman si Deus at saka isinulat 'yon sa papel na hawak niya.
"I'm also considering that thing, buti pinaalala mo sa'kin" sambit pa nito habang may kung ano itong isinusulat sa papel.
Wala naman na silang masyadong naging usapan no'n at nang matapos silang magkuwentuhan ay umalis narin ito. Matapos din ang trabaho namin ni Dr. Agustin ay umuwi narin ako. Sinundo nga rin pala ako nila Bea no'ng araw na 'yon at saktong papalabas na si Dr. Agustin no'ng dumatimg sila. Nakapagpapicture pa nga sila no'n sa kan'ya at humingi pa ng autograph ang mga gaga. Mabuti nalang at medyo good mood si Dr. Agustin no'n kaya't pumayag siya sa nais no'ng dalawa.
"Hoy! Tara na ghourl!" tawag sa'kin ni Bea sa labas. Weekend ngayon at day off namin kaya't napagpasiyahan naming mag grocery ni Bea. Nasa labas na ito at bihis na bihis na samantalang ako naman ay nasa loob pa ng kuwarto at inaayos ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Crisis of Lust
RomanceGwen, the son of a senator, is currently working in a prestigious hospital as a radiology doctor . He had a difficult childhood in his father's home, and all he can worry about now is his sister's life. Lianne, on the other hand, is an intern nurse...