City
“Mag-iingat ka do’n anak ha?lagi mo kaming tawagan dito kapag may problema ka mang kakaharapin do’n” ani ni Papa at saka ako nito niyakap.
Sa tabi naman niya ay si Mama na tipid lang akong nginitian. Pinunasan ko naman ang mga luhang tumulo sa mata ko at pilit na ngitian sila. Masakit man para sa’kin ay kailangan ko talagang lumuwas sa Maynila para do’n magtrabaho. Maliit lang kasi ang suweldo ng mga nurse dito sa probinsya namin at kulang pa ‘yon sa pang isang buwan naming pangkain nila Mama at Papa kaya’t wala narin akong magagawa kundi ang pumunta ng Maynila at doon magtrabaho.
"Ingatan niyo din po ang sarili niyo dito, buwan buwan po akong magpadala ng pangkain niyo at para narin sa Maintenance ni Papa" sambit ko at saka sila tipid na nginitian.
Pareho ko silang hinagkan bago ako tumungo sa Bus na sasakyan ko papuntang Maynila. Agad naman akong sumilip sa bintana no'n at saka kumaway kila Papa bago tuluyan nang makaalis ang bus. Napabuntong-hininga naman ako nang dahil sa kaba. Hindi ko alam kung ano'ng mangyayari sa'kin sa Maynila basta ang goal ko lang ay ang may maibigay na pera kila Papa.
Napabalikwas ako nang may pilit na tumutulak sa ulo ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kalagitnaan ng biyahe. Tumingin naman ako sa kung sino ang umaano sa ulo ko. Nang tignan ko 'yon ay agad akong nahiya dahil nakalagay pala ang ulo ko sa balikat ng katabi ko.
Tumingala naman ako para matignan ang itsura nito, lalaki ito at naka suot ito ng black na face mask at saka black na cap. Hindi ba naiinitan ang lalaking' to? Baka mamaya holdaper 'to ah. Agad naman akong umiwas at saka dali-daling lumayo sa kan'ya. Hinawakan ko din ng mahigpit ang bag ko kaya't napatingin ito sa'kin. Napasandal naman ako at mariing ipinikit ang mga mata ko nang mag-angat ang kamay nito. Tangina, pupunta palang ako ng Maynila pero may magnanakaw agad.
Bigla naman akong nakarinig ng mahinang pagtawa kaya't agad akong napamulat ng mata. Nang imulat ko ang mata ko ay nagtama ang mga mata namin no'ng lalaki. Ngayon ko lang nakita ang mga mata nito at masasabi kong napakaganda no'n. Kulay asul ito at ang pilikmata niya'y mahahaba. Teka, foreigner ba 'to? Bigla naman akong umiwas ng tingin at iniayos ang sarili ko nang tumikhim ito.
"I'll just lock the window, excuse me" ani nito. Pati ang boses niya ay napakagandang pakinggan. Parang ang sama ko tuloy dahil pinagbintangan ko siyang magnanakaw sa isip ko.
Nang maisara niya ang bintana sa gilid ko ay saka na ito umayos ng upo. Ako naman ay tumingin nalang sa labas ng bintana para hindi na ito mapansin. Tahimik lang ang mga tao sa loob ng bus buong biyahe. Bigla namang huminto ang bus at saka may sumakay. Sinilip ko naman kung sino 'yon at nakitang mga vendors pala' yon na nagbebenta ng mga pasalubong.
"Pastillas kayo diyan!" sigaw no'ng Lalaki na may hawak hawak na bag sa balikat nito at may dalawang plastic ng Pastillas sa kamay niya.
Bigla namang kumalam ang sikmura ko kaya't agad ko 'yong inipit. Mariin naman akong napapikit nang dahil sa hiya. Tangina ba't ngayon pa' to kumalam? Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ng katabi ko sa gilid kaya't mas lalo akong napahiya.
"How much?" tanong ng katabi ko sa lalaking nagbebenta ng Pastillas. Bigla naman akong napatingin sa kan'ya nang tumayo ito at tumingin sa loob ng bus. Tinignan niya ito mula umpisa hanggang dulo at tila ba binibilang niya ang sakay no'n.
"I'll buy everything, paki-distribute nalang sa kanilang lahat" mahinang bulong nito sa lalaki pero rinig na rinig ko parin 'yon.
Gulat na gulat naman ako dahil sa narinig ko. Maging ang lalaking nagbebenta ng pastillas ay gulat na gulat din nang dahil sa sinabi ng lalaking' to. Gano'n ba kayaman ang lalaking 'to? Matapos niyang sabihin' yon ay kinuha niya ang wallet niya sa bulsa niya at saka walang alinlangang inabot ang 5k sa nagbebenta. Umupo din naman agad itong umupo nang maiabot niya ang pera.
BINABASA MO ANG
Crisis of Lust
RomanceGwen, the son of a senator, is currently working in a prestigious hospital as a radiology doctor . He had a difficult childhood in his father's home, and all he can worry about now is his sister's life. Lianne, on the other hand, is an intern nurse...