Interview
"Lianne! Dalian mo diyan!" sigaw sa'kin ni Bea na nasa sala ngayon. Nasa kusina naman ako dahil ako ang naka assign na maghugas ng mga pinagkainan namin. We have our own duties dito sa apartment kaya nakakahiya naman kung hindi ko gagawin kung ano'ng inaassign sa'kin.
" Tapusin mo na 'yan, panoorin na natin si Dr. Agustin" kinikilig namang sambit ni Analyn, tenant din dito sa apartment.
Ngayon pala' yong interview ni Dr. Agustin kay Karen para sa isang talk show. Kaya naman pala bihis na bihis no'ng umalis si Dr. Agustin sa hospital. Matapos kong hugasan ang mga pinggan ay inilagay ko na ito sa lagayan. Nagpunas narin ako ng kamay bago pumunta ng sala. Nang makalapit ako sa kanila ay umupo ako sa tabi ni Bea, halos lahat ata kaming tenants dito ay nanonood ngayon. Napatingin naman ako kay Bea nang tumili ito, kasabay ng pagtili niya ay ang pagpasok ng intro ni Karen.
No'ng una'y hindi pa ipinapakita si Gwen dahil nag iintro muna ang host na si Karen, ito namang mga kasama ko dito ay atat na atat at kanina pa naiinis sa host na si Karen.
"Ang epal naman ng babaeng 'yan, kailan' yan matatapos? Baka bulok na pechay ko hindi parin 'yan tapos ha" reklamo ni Analyn na siyang ikinatawa naming lahat. Tama nga si Analyn, ang tagal mag intro nitong si Karen, mukhang sa Introduction lang niya mauubos ang oras.
"Gaga, matagal ng bulok pechay mo". Pang-aasar naman ni Bea, sinamaan naman siya ng tingin ni Analyn kaya't sumiksik sa likudan ko si Bea. Napailing naman ako ng dahil sa ginagawa nilang dalawa.
Mababait naman ang mga tenants dito at kahit iilang araw palang ako dito ay nakikipag-usap sila sa'kin at minsan pa nga ay nakikipagbiruan pa ang mga ito. Madali lang silang pakisamahan kagaya nila Irene. Mabuti nalang talaga at sa kanila ako napunta, kung hindi ay baka matagal na akong bumalik sa Probinsya.
"And now, let's all welcome Dr. Gwen Shawn Agustin" sambit ni Karen, kaya lahat kami ay napatingin sa TV.
Bigla namang nagtitili sila Bea at Analyn, nagyakapan pa nga sila e. Parang hindi nag-away kani-kanina lang.
Pumasok naman si Gwen at saka ito nakipagkamayan kay Karen, inaya naman siyang umupo ni Karen kaya't 'yon ang ginawa nito. Umayos naman na ng upo sila Bea at tinuon ang pansin sa TV. Humarap naman sa Camera si Gwen at saka ito bahagyang ngumiti, muli namang nagtilian ang mga gaga ng dahil do'n. Napakagwapo talaga niya kahit na sa anumang angulo, sa camera man o sa personal ay bakas na bakas parin ang kagwapuhan niya at ang pagkaseryoso niya.
"Magandang gabi, I am Gwen Shawn Agustin. How all you have been? I hope that your evening is as pleasant as mine" he said while looking straight to the camera. Bigla naman itong kumindat kaya't nagtatalon sa kilig ang mga kasama ko.
"How about me? Aren't you going to greet me?" malambing namang saad ni Karen, grabe ang landi naman niya. Joke.
"Epal talaga, ano ka karen? Si Jollibee? Bida-bida gano'n?" asar na asar namang tanong ni Bea na animo'y maririnig naman siya ni Karen. Masama din naman ang impression ko dito kay Karen, madami kaming nababalitaan sa Probinsya na tungkol sa kan'ya at ang mga 'yon ay negative tulad na lamang ng pagtanggap nito ng pera sa mga ibang political candidates at ang pagpunta nito sa bar kasama ang mga politicians.
"Do I have to do that?" seryosong sambit ni Gwen habang mariin itong nakatingin kay Karen, bigla namang nawala ang ngiti sa labi ni Karen ng dahil do'n. Ito namang dalawang katabi ko ay tawang tawa dahil sa naging reaction ni Karen.
"Of course, I should greet you! I was just kidding a while ago. Good evening, Ms. Karen." biglang saad ni Gwen at saka ito bahagyang tumawa. Tumawa naman si Karen at saka dinampi pa ang kamay nito sa braso ni Gwen pero agad ding inalis 'yon ni Gwen.
BINABASA MO ANG
Crisis of Lust
RomanceGwen, the son of a senator, is currently working in a prestigious hospital as a radiology doctor . He had a difficult childhood in his father's home, and all he can worry about now is his sister's life. Lianne, on the other hand, is an intern nurse...