First Day
"Lianne! Gising na!" sigaw ni Bea, agad naman akong bumangon sa pagkakahiga at saka dali daling tinignan ang oras. 5:00 AM na pala, mukhang napasarap ata ang tulog ko. May isang oras pa naman ako para sa shift ko, sana ay hindi matraffic mamaya.
Agad naman akong nagtungo sa CR at dali daling naligo. Nakabihis naman na si bea kanina pa, hindi na ako nag-abalang mag-ayos pa at saka inaya na si Bea sa labas. Hindi puwedeng malate ako sa unang araw ko.
"Dito ka sasakay papuntang Hospital, dadaanan nalang kita mamayang pauwi." ani nito habang itinuturo ang jeep sa harapan namin. Magkaiba kasi ang trabaho na pinasukan namin ni Bea. Matagal nadin siyang nagtatrabaho bilang front desk clerk sa isang Airport dito sa Manila kaya't sanay na sanay na ito sa mga pasikot dito.
Sinunod ko naman ang sinabi niya at maingat na umupo sa jeep, bakit ba namin kasi all white ang uniform ng mga nurse e. Nang makasakay ako ay halos puno na pala ang jeep. Napatitig naman ang iba sa'kin pero hindi ko nalang sila pinansin. Pilit ko namang inayos ang sarili ko dahil sa kaba, kinakabahan ako sa hospital na papasukan ko. Bigatin pa naman ang mga nando'n, mabuti nalang talaga at natanggap ako.
Nag-umpisa naman nang umandar ang jeep at siksikan na kami sa loob. Sa pinakadulo ako umupo para makalanghap ako ng hangin. Habang nasa jeep ay maingay ang paligid, may mga nagkukuwentuhan at ang iba pa'y may tinatawagan. Sari-sari ding amoy ang maamoy sa loob.
Napagpasiyahan ko namang sa labas nalang tumingin, puro kotse, bus at jeep ang nakikita ko. Halos walang tricycle na makikita hindi gaya ng sa probinsya na panay ang tricycle ang gamit.
Nagulantang naman ako nang may bumusina sa harapan ko, nang tignan ko 'yon ay napanganga ako dahil sa gara ng sasakyan na nasa harapan ko ngayon. Tangina kung hindi ako nagkakamali ay Bentley' to! Ganito rin ang kotse no'ng mayaman kong kaklase noon na lagi niyang dinadala sa University namin. Unti-unti namang bumukas ang Roof ng kotse na siyang mas lalo kong ikinamangha. Bumalik naman ako sa huwisyo nang may magsalita.
"Hey!" sigaw ng isang lalaki. Kahit na maingay ang paligid dahil patuloy sa pag-andar ang jeep at ang mga kotse ay rinig na rinig ko parin ang boses nito.
Bigla naman akong napanganga nang makita kung sino ang sakay no'n. Siya 'yong Gwen na nakatabi ko sa bus! Grabe ang liit naman ng mundo at nagkita pa kami muli. Natatamaan ng init ng araw ang mukha niya ngayon at kitang kita ang ngisi sa mga labi niya. Tao pa ba' to? Nakasandal naman ang balikat niya sa pintuan ng kotse ang isa naman ay mukhang hawak ang manibela.
May dinampot naman ito mula sa bulsa niya at saka nakita kong sinindihan niya ang cigarette, nilingon naman niya ako at saka itinaas ang cigarette na hawak niya na tila inaaya ako nito. Bigla naman akong nakarinig ng malalakas na busina kaya't napatingin ako sa paligid. Mukhang narinig din 'yon ni Gwen kaya't napatingin ito sa likudan. Agad niya namang itinapon ang sigarilyong hawak niya at dali-daling ipinaandar ang kotse.
"Here they are, fuck" malutong at iritadong tanong nito.
Pagkasabi niya no'n ay napalingon ito sa'kin at saka ako kinindatan, hindi pa ako nakagalaw dahil sa gulat. Nararamdaman ko namang namula ang mga pisngi ko nang dahil sa pagkindat niyang 'yon. Umayos ka nga, Lianne!
"I'll see you around, Cutie" ani pa niya at saka ipinaharurot na ang sasakyan niya. Nakita ko pa ang paglusot nito sa mga iba pang sasakyan na tila ba nakikipagkarerahan ito.
Sunod sunod namang nagsidatingan sa likudan ang may itim na kotse at kung hindi ako nagkakamali ay sila din 'yong nakita ko sa Terminal noon. Malalakas ang busina nila at mabilis din ang pagtakbo ng kotse nila. Mukhang sinusundan nila si Gwen ah, bakit kaya?
BINABASA MO ANG
Crisis of Lust
RomanceGwen, the son of a senator, is currently working in a prestigious hospital as a radiology doctor . He had a difficult childhood in his father's home, and all he can worry about now is his sister's life. Lianne, on the other hand, is an intern nurse...