Chapter 4

15 3 95
                                    

Dinner

"How's your first day, Ms.Morales?"  pangbabasag ni Dr.Agustin sa katahimikan.

Nasa kotse niya ako ngayon at nakaupo ako sa shotgun seat. Wala narin akong nagawa kanina kundi ang sumakay, mapanganib ang Manila at saka wala naring dumadaang jeep kaya mas nakakatakot kung tatanggihan ko pa ang alok nito. Mas mapagkakatiwalaan naman ang mukha ni Dr. Agustin kaysa sa mga nadadaanan ko sa kanto. Siya narin ang nagsabi na kapag hinawakan niya ako ay puwede ko siyang sampahan ng kaso.

"The people at the hospital were approachable and the patients were also nice to me. Maayos naman po ang naging unang araw ko, Dr. Agustin"  pagsagot ko sa kan'ya.

Tumango naman ito at bahagyang na patingin sa'kin pero agad din niya 'yong inalis.

"We are at the same age, aren't we? Wouldn't it be better if we'll talk casually? I mean, why don't we stop the formality? I'll call you Lianne and you can call me Gwen, or much better if you'll call me baby. You choose" ani nito na naging dahilan upang mapalingon ako sa kan'ya. Nagkibit-balikat naman ito at saka mahinang natawa.

"Doctor po kayo at nurse lang po ako kaya hindi  hindi naman po magandang tignan kung tatawagin ko lang kayo sa pangalan niyo" pagpapaliwanag ko sa kan'ya. Tumawa naman ito bigla ng dahil sa sinabi ko.

"You are funny, what's the difference between a nurse and a doctor? We are both serving the people with our specialization in medicine, in short, doctors and nurses should be equally respected." seryosong sambit nito habang nakatuon ang tingin sa daan.

Tama nga naman siya, pero sa panahon ngayon ay mga doctors lang ang nirerespeto at ang mga nurses ay tinatratong mababang uri lamang. Dahil sa sinabi niyang 'yon ay hindi na muli ako nakapagsalita, hindi ko inexpect na sasabihin ni Gwen ang gano'n. Mayaman siya at isa siyang doctor kaya't dapat lamang na magmayabang siya. Malamang kung ibang doctors na ang kausap ko ngayon ay ibang iba ang sasabihin nila sa sinabi ni Dr. Agustin.

Pareho naman kaming natahimik pagkatapos ng usapan naming 'yon. Paminsan-minsan ay nahuhuli ko itong nakatingin sa'kin kaya't namumula ako. Hindi ko din alam kung ako ba ang tinitignan niya o may tinitignan lang siyang bagay sa gawi ko.

Itinurn on naman nito ang GPS ng kotse niya at may hinalungkat na kung ano do'n. Tumingin naman ito sa'kin nang maiayos niya ang GPS. Nagtama ang tingin naman kaya't agad akong nag-iwas.

Mabilis naman niyang pinaandar ang kotse na siyang ikinagulat ko. Hindi naman siya nagsalita at patuloy lang sa pagpapaandar no'n. Napatingin naman ako sa paligid nang huminto ang kotse. Nasa tapat kami ng isang restaurant at sa itsura palang sa labas ay halatadong mamahalin na ang mga pagkain dito. Ano namang gagawin ni Dr. Agustin dito? Malamang ay madalas siyang pumunta dito at pati no'ng mga kaibigan niya.

Nang maipark niya ang kotse ay agad itong bumaba at inayos ang laylayan ng long-sleeved niya. Ako naman ay nanatiling nasa loob at tinitignan lang siya. Pumunta naman siya sa gawi ng pintuan ng shotgun seat at saka 'yon binuksan. Nagtataka ko naman siyang tinitigan samantalang siya ay nakatingin lang sa wrist watch niya habang hawak parin ng isang kamay niya ang pintuan ng kotse.

"Let's go. It's not yet late, let's have a dinner" mahinahong ani niya at saka ipinakita pa sa'kin ang wrist watch nito.

"Nahihiya po ako, kayo nalang po ang kumain. Hintayin ko nalang po kayo dito"  nahihiyang sambit ko naman. Wala akong pambayad at saka mukhang mamahalin ang mga pagkain diyan kaya mas mabuting sa apartment nalang ako kumain.

"Do you think I would let you do that? Let's go, it's my treat. Just think of it as my welcome treat" seryosong sambit nito at inilahad pa ang kamay sa'kin.

Crisis of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon