Chapter 9

35 4 74
                                    

His smile

"Hoy, ang pogi ni Doc. Sino kaya 'yang kausap niya?" bulong sa'kin ni Bea.

Narito na kami ngayon sa labas at habang naglalakad kami kanina ay may biglang tumawag kay Gwen kaya't nagpaalam siya saglit upang sagutin ang tawag. Kanina pa namin siya pinagmamasdan ni Bea at napapansin kong napapangiti ito habang may kausap ito sa kabilang linya.

"Ewan ko." Maikling sagot ko kay Bea habang patuloy parin akong nakatingin kay Gwen. Bigla namang sumulpot sa harapan ko si Bea habang magkakrus ang dalawang braso nito.

" Cold yarn?", natatawang ani nito. Napailing naman ako at saka ito tinapik ng mahina.

Napatingin naman ako sa likudan nito at nakitang nando'n narin si Gwen kaya't napatikhim ako at nginuso ang likudan ni Bea. Agad namang napatingin ito sa likudan niya at nang makita nito si Gwen ay agad siyang gumilid.

"I'm sorry, I just had a call with Deus. " ani ni Gwen habang nakatuon ang tingin nito sa'kin. Magsasalita na sana ako pero biglang sumabat si Bea.

"Naku! Ayos lang 'yon, Doc. Willing akong maghintay kahit gaano pa 'yan katagal.", masiglang sambit nitong si Bea kaya't natawa nalang ako. Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to?

Napakamot naman sa batok niya si Gwen at saka ito muling napatingin sa'kin. Tipid itong ngumiti at kalaunay bigla ring natawa. Maging ako ay natawa rin nang dahil do'n. Hindi ko alam kung ano bang pinagtatawanan naming dalawa pero ang alam ko'y natawa ito dahil kay Bea at samantalang ako naman ay natawa nang dahil sa tawa nito.

Tumikhim naman itong si Bea kaya't pareho kaming napatingin sa gawi niya. Tumigil naman ako sa pagtawa at saka nilayo ang tingin sa kanilang dalawa, maging si Gwen ay gano'n rin ang ginawa. Mukha siguro kaming tanga kanina.

" Are you both free? If you wouldn't mind, I would like to give you a ride and..." napatigil si Gwen at mukhang iniisip niya kung ano'ng idudugtong niya sa sasabihin niya. Mukhang hindi niya masabi kung ano 'yon at tila nahihiya pa ito kaya't nagsalita na ako.

"Hindi na po, Doc. May pamasahe pa naman kaming natira." pagtanggi ko sa alok nito. Bigla naman akong siniko ni Bea kaya't napatingin ako sa kan'ya.

"Gaga, wala na tayong pamasahe. Binili ko na lahat ng bananacue." Bulong nito sa'kin kaya't napapikit nalang ako. Kung minamalas ka nga naman oh. Paano ko babawiin ang sinabi ko?

"Are you sure? I would li---", hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Gwen.

"Alis na tayo, doc." Nahihiyang sambit ko. Kitang kita naman sa itsura ni Gwen na tila nagulat ito sa sinabi ko pero kalaunan ay nakita ko ang pagngisi nito na mukhang pinipigilan nitong matawa.

Napatingin naman ako kay Bea na pinipigilan rin nitong matawa. Tinitigan ko ito ng masama at saka ito kinurot sa tagiliran. Kasalanan niya talaga 'to. Inubos ba naman niya ang natitirang pera namin para lang sa bananacue. Gago talaga.

"Alright, Let's go." Matapos sabihin 'yon ni Gwen ay sumunod na kami sa kan'ya ni Bea.

Nang makarating kami doon ay agad na binuksan ni Gwen ang passenger's seat kaya't nauna nang pumasok si Bea. Ako nama'y papasok na sana pero agad na hinila ni Gwen ang palapulsuhan ko kaya't napahinto ako mula sa pagkakaupo.

"The shotgun seat is all yours, Lianne" ani nito at saka binuksan ang pinto ng shotgun seat. Napatingin naman ako kay Bea na ngayon ay mukhang nangiinis.

Matapos kong umupo sa shotgun seat ay nilagay narin ni Gwen ang mga pinamili namin sa may Compartment.

Nang nasa biyahe na kami ay tahimik lang kaming tatlo, maging si Bea na nasa likod ay tahimik lang rin ngunit panay ang kalabit sa'kin sabay turo kay Gwen na tahimik na nagmamaneho. Panay rin ang tingin nito sa wrist watch nito, mukhang may lakad yata siya kaya panay ang tingin niya dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crisis of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon