Wound
"Sorry, I'm late. How's the patient? Did he already calm down? How is his vitals?" bungad ni Dr. Agustin nang makapasok kami sa Emergency room, inaayos pa nito ang lab coat nito habang papalapit siya sa gawi ni Dr.Wezen.
"He already calm down, I'm now treating his wound but I need you to examine his bone, mukhang malala ata ang tama" sagot naman ni Dr. Wezen.
Nag-usap pa sila sa kung ano'ng puwedeng gawin sa bata samantalang ako naman ay nanatiling nakatayo at nakatingin lang sa kanikang dalawa, naghihintay ng maaring iutos nila.
"We can already proceed with the x-ray examination once the treatment of his wound is done. How old is he,anyway?" tanong muli ni Dr. Agustin habang pinagmamasdan nito ang lalaki.
"He's around 10 years old" pagsasagot naman ni Dr. Wezen sa tanong ni Gwen. Tumango-tango naman si Gwen at saka ito napatingin sa gawi ko.
"We need the parent's approval before conducting an x-ray, come with me" seryosong sambit nito. Nakita ko naman ang bahagyang pagngisi ni Dr. Wezen sa likudan ng dahil sa sinabi ni Gwen.
Pinauna ko munang maglakad si Gwen at saka ako sumunod sa likudan niya, habang tinatahak namin ang daan palabas ng emergency room ay hindi ko magawang mapatingin sa likudan nito, likudan palang niya ay halatang halata na may pinag-aralan ito at kitang kita sa posture niya na maganda ang pangangatawan nito. Bigla namang pumasok sa isipan ko 'yong araw na nakita ko siyang nagbibihis sa office niya no'ng unang araw ko dito. Bigla naman akong napailing sa naisip.
"Ay palaka!" biglang sigaw ko nang dahil sa gulat.
Nasa harapan ko pala si Gwen at hindi ko namalayang huminto pala ito at saka humarap sa'kin. Muntikan ko pa siyang mabangga.
"Do I look like a frog?" masungit na tanong nito habang pinagkukrus ang dalawang braso nito.
"Hindi po, doc. May naisip lang" pagdadahilan ko naman. Hindi ko siya magawang titigan ngayon dahil feeling ko kapag tinitigan ko siya ay matutunaw ako!
"What are you thinking? Ako ba? I did not give you the permission to do so" ha? Ano bang sinasabi niya? Makapal din pala 'to paminsan-minsan e.
"Hindi ko po kayo ini---" he cut me off.
"I'm now giving you the permission, you can think of me all day. I'm not complaining, anyway" natatawang sambit nito at saka marahang ginulo ang buhok ko.
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay saka na niya ako tinalikuran, habang ako naman ay nanatiling nakatulala do'n nang dahil sa sinabi niya. Napakafeeling din pala niya paminsan-minsan! Ang dami ko nang nalalaman about sa kan'ya, ba't ko ba kasi siya kinakabisado?
Gaya nga ng sinabi ni Gwen kanina ay humingi muna siya ng approval ng parent bago gawin ang x-ray examination. Pumayag naman ang parent kaya walang masyadong naging aberya. Dinala nadin 'yong bata sa X-ray room at si Dr.Agustin ang umasikaso no'n habang ako naman ay nanatiling nakaalalay sa kan'ya habang ginagawa ang x-ray examination sa bata.
Matapos ang naging x-ray examination ay bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Dr. Wezen. Lumapit siya kay Gwen at marahanang tinapik ang braso nito.
"Where have you been?" tanong nito kay Gwen.
Napangisi naman si Gwen at saka itinuro ang kanang pisngi nito, bahagya naman akong nagulat nang mapansin 'yon. May pasa ang kanang pisngi niya at mukhang dumugo din ang labi nito. Ano kayang nangyari?
"Again?" nag-aalalang tanong naman ni Stan.
Tumango tango naman si Gwen at saka ito nagkibit-balikat.
BINABASA MO ANG
Crisis of Lust
RomanceGwen, the son of a senator, is currently working in a prestigious hospital as a radiology doctor . He had a difficult childhood in his father's home, and all he can worry about now is his sister's life. Lianne, on the other hand, is an intern nurse...