Chapter 7

18 3 95
                                    

Senator

Habang tinatahak ko ang nurse's office ay nanatiling nakatingin ang tingin ko sa saradong pinto ng office ni Gwen. Hindi ko nga din alam kung bakit hindi ko maalis ang tingin ko do'n, may kung anong feeling na ayaw alisin ng mga mata ko ang tingin sa pintuan niya. Bigla namang muling pumasok sa isipan ko ang nangyaring interview kagabi kay Gwen, kalmado naman siya sa naunang mga tanong pero no'ng nagtanong na si Karen ng tungkol do'n sa rumored sister niya ay bigla nalang siyang naging seryoso ag nag-iba ang aura nito. Ano kayang iniisip niya ng mga oras na 'yon? Baka may kapatid nga talaga siya kaya't gano'n siya nagreact? Napailing naman ako ng dahil sa mga iniisip. Private life niya 'yon kaya't dapat na hindi ako macurious sa mga gano'ng bagay. Ano ngayon kung may kapatid siya? Wala naman akong pake, wala naman akong kinalaman do'n. Bahala na nga!

Agad naman akong pumasok sa nurse's office at kinuha ang bag ko, pagkakalalkal ko no'n ay saka ko nakita ang name plate ko. Nilagay ko naman agad 'yon sa uniform ko at saka inayos ang bahagyang parte ng buhok ko. Napatingin naman ako sa cellphone ko ng bigla nalang itong nagring. Sino naman kaya' yon?

Pagkakuha ko ng cellphone ay agad ko ding sinagot ito. Si Bea lang pala, akala ko kung sino na. Tiyak na tatanungin lang naman ako nito kung nandito ba si Dr. Agustin. Maharot ang gaga.

"Nandiyan na si Dr. Agustin?" bungad nito sa'kin. Sabi na e, si Dr. Agustin ang pakay.

"Oo bakit?" tanong ko sa kan'ya.

"Ano'ng bakit? Sunduin ka namin mamaya. What time siya umaalis?" napailing nalang ako dahil sa pinagsasabi nitong si Bea.

"Bandang 6:00 PM siguro" sagot ko naman dito. Bandang 6 ko kasi siya naaabutang umaalis.

"Sige, punta kami diyan ng 6:00. Bye" pagkasabi na pagkasabi niya no'n ay agad nitong binaba ang tawag.

Ano naman kayang gagawin nila kay Dr. Agustin? Magpapapicture? Buti kung papayag 'yong si Dr. Agustin. Iba pa naman aura niya ngayong araw.

Minabuti ko nalang na lumabas pagkatapos no'n. Pagkalabas na pagkalabas ko ay bumungad agad sa' kin ang dalawang guards sa labas ng pintuan ng office ni Dr. Agustin. Bakit may mga guards dito? ba't sila nasa tapat ng office ni Dr. Agustin? Napatingin naman ako sa hallway, nagulat nalang ako ng makita si Senator Agustin na may dalawang guards din sa tabi nito. Papalapit siya sa gawi ko at mukhang sa office ni Dr.Agustin ang punta niya.

Sa likudan naman nito ay nakita ko ang director ng hospital. Mukhang may ibinubulong ito kay Senator. Nagsilabasan din ang mga patients at ang iba'y pinipicturan pa si Senator Agustin. Napatingin naman akong muli kay Senator Agustin at napansin kong wala itong pagkakahawig kay Gwen. Nakangiti si Senator at sino mang madaanan nito na nakikipagkamayan sa kan'ya ay kinakamayan nito. Nang makalapit sila sa gawi ko ay bahagya ko silang nginitian at saka ngumiti din ito sa'kin pabalik.

"Good morning, Senator" bati ko dito.

"Good morning" ani naman nito sa'kin pabalik.

Binuksan naman no'ng guard ang pinto para kay Senator. Napasilip naman ako sa loob at saka ko nakita si Gwen na nakatutok sa laptop nito. Suot nito ang specs niya at mukhang busy ito sa ginagawa niya. Mukhang napansin niya na bumukas ang pinto kaya't napalingon siya dito. Tumingin siya kay Senator at sunod namang nagtama ang mga tingin namin ng isinasarado na ang pintuan.

"Go back to work, Ms. Morales" sambit naman sa'kin ng director ng hospital.

Napayuko naman ako at saka na umalis do'n. Nang makabalik na ako kila Irene ay nagchicicmisan na ito tungkol sa pagpunta ni Senator dito.

"Biglaan naman ang pagpunta ni Senator dito" rinig kong sambit ni Irene.

"Ang hot parin tignan ni Senator, in fairness" sambit naman nitong si Andrei.

Crisis of LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon