His Darlin'
"You already told him?" Tanong sa'kin ni Dr.Wezen nang makasalubong ko ito sa hallway. Tumango naman ako at saka ito bahagyang nginitian.
"Opo,Doc. Nando'n din po ang kaibigan niyong si Deus" ani ko naman. Nakita ko pa ang bahagyang pagkagulat nito dahil siguro sa dahilang kilala ko si Deus, hindi naman na ako nag-abalang iexplain sa kan'ya at dali dali na akong umalis do'n.
Habang naglalakad ako ay naalala ko nanaman ang nakita ko kanina sa office ni Gwen. Gano'n ba talaga siya? Sabagay sa mukha palang niya ay halata ng babaero siya or baka jowa niya 'yong doctora kanina?
Nang makalapit naman ako sa front desk ay bumungad sa'kin ang tumatawang si Angel at Andrei, sa likod naman nila'y si Irene na mukhang tumatawa din. Ano kayang tinatawa nila? Napatingin naman sila sa gawi ko at inakbayan naman ako ni Angel.
"Nakita namin 'yon" natatawang sambit nito sa'kin. Anong sinasabi niyang nakita nila? Bigla namang pumasok sa isip ko ang nangyari sa office ni Dr. agustin, don't tell me nakita nila 'yon?
"Grabe 'yong reaction ni Dra. Reyes kanina, parang kabit na nahuli" sunod namang sambit ni Andrei habang patuloy parin ito sa pagtawa. So nakita nga nila?
"Buti nga sa kan'ya at nahuli siya! Pampalipas oras lang naman siya ni Dr. Agustin. Akala siguro seseryosohin siya" ani naman ni Irene habang nakatingin sa gawi ng office ni Dr.Agustin.
"What do you mean? Hindi ba sila magkasintahan?" Naguguluhang tanong ko. Kung hindi naman sila magkasintahan edi dapat hindi nila ginagawa 'yon. Kapag sa probinsya kasi ay dapat lang mga magkasintahan lang ang gumagawa no'n or hindi kaya mag-asawa.
"Nagpapatawa ka ba ate ghourl? Never nagseryoso 'yang si Dr. Agustin at alam din ng lahat dito sa hospital na madami siyang babae. Bigatin pa nga e, may mga model tas artista siyang nakakafling." Umiiling na sambit ni Angel.
"Sayang nga lang at hindi siya pumapatol sa nurse, handa pa naman akong mag-apply" malanding sambit pa ni Andrei habang nakatingin din sa gawi ng office ni Gwen. I see, babaero nga talaga siya.
Kaya naman pala hindi na nakakapagtaka kung bakit sinabihan niya akong gusto niya ako no'ng nasa terminal kami. Ganito pala ang mga lalaki dito. Tiyak na gano'n din ang mga kaibigan niya, pero parang hindi naman gano'n si Stan kasi may jowa siya at kitang kita naman 'yon sa mga mata niya kanina habang kausap niya 'yong jowa niya.
"Hoy mga gaga, nabalitaan niyo 'yong balita about sa kan'ya kagabi? 'di ba hindi naman interesado si Dr.Agustin sa pag-aartista?" Biglang sambit ni Irene kaya't napatingin kaming lahat sa kan'ya.
'Yong balita bang tinutukoy niya ay 'yong pinapanood din ng mga tenants kagabi? So si Gwen nga talaga 'yong tinutukoy sa balita? Anak siya ng Senator? Grabe ang yaman naman pala niya. Kaya naman pala nagagawa niya ang mga gusto niya. Mga guards din siguro no'ng senator na tatay niya ang humahabol sa kan'ya kaninang umaga. Pero bakit si hinahabol? Teka, ba't ba mukhang interesadong interesado sa buhay niya? Mag-isip ka nga Lianne, wala kang pake sa kanila at ang kailangan mong isipin ngayon ay ang pamilya mo.
Hindi ko naman na sila pinakinggan at saka hinayaan lang silang magkuwentuhan doon. Ang topic lang naman nila ay 'yong magkakaibigan. Matapos ang ilang minutong pagkukuwentuhan nila ay saka naman naisipan ni Andrei na mag-aya nang maglunch. Buti naman at natapos narin sila sa pagkukuwentuhan nila.
"Sa cafeteria nalang tayo kumain" sambit ni Angel.
Nauna naman na silang naglakad at ako nama'y nasa likudan lang nila dahil hindi ko naman kabisado ang pasikot sikot dito sa hospital. Binabati pa nila Angel ang mga patients na nadadaanan namin. Bigla naman kaming napahinto kaya't napatingin ako sa harapan.
BINABASA MO ANG
Crisis of Lust
RomanceGwen, the son of a senator, is currently working in a prestigious hospital as a radiology doctor . He had a difficult childhood in his father's home, and all he can worry about now is his sister's life. Lianne, on the other hand, is an intern nurse...