SIY 02

15 1 0
                                    


10 years ago...

(still Ryujin's POV)

days, weeks, months and even a year had passed! naging kaibigan ko si julia but not that close, mas close sila ng kapatid kong si yuna at tinuringan na nila ang isat isa bilang mag bestfriend.

"unnie i'm hungry! can you buy me some pizza?" napatingin ako sa kapatid ko sa kabilang couch. "oh! tama nakalimutan ko pala unnie, mommy chaeng said before she went to her work earlier na pumunta karaw doon mamaya sa shop niya may e uutos siya"

"argh! bakit ako?!" reklamo ko at tumawa lang siya.

"kasi ikaw yung matanda sa atin? sige ka! kapag hindi ka pupunta doon magagalit si mom, alam mo naman siguro na ang samang magalit nun?"

"tsk fine, but atleast mas cool parin si mommy chaeng kaysa kay eomma mina" nasabi ko at umiling si yuna

"well mas gugustuhin ko parin sumama kay eomma mina" at binelatan ko siya.

"mommy chaeng is still the best!"

"no! it's mom mina! isusumbong talaga kita!"

"whatever dongsaeng!" at pumunta na ako ng kwarto para makapagbihis ng paborito kong black hoodie tsaka sweatpants. Saturday ngayon pero work is life parin yung parents namin ni yuna kaya hindi pa nakakakain ang matangkad na baby dito sa bahay, tinatamad din akong magluto.

"pupunta kana doon? paano yung pizza ko?" at binigyan ko siya ng pera

"may telephone diyan, you can order through it idiot? keep the change nalang, aalis na ako" at sinipa niya ako kaya natawa siya "huwag kang magpapasok dito! babalik din ako agad!" sigaw ko, kinuha ko sa bulsa yung susi ng scooter ko at nagsuot ng helmet para pumunta sa tattoo shop ni mommy chaeyoung, yeah! mommy likes cool stuff lalo na ang tattoos, may ari siya ng pinakasikat na tattoo shop sa lugar namin at nag iisa lang yun.

"hey mom!" bati ko nang makapasok. Agad akong humalik sa pisngi niya kaya ginulo niya ang buhok ko.

"yo! look who's here!" bati sa akin ni tito jungkook na may tinatattoo-an sa gilid "kumusta naman ang paborito kong pamangkin"

kapatid kasi siya ni mommy chaeng, may mga tattoo sleeve si tito! kaya ang cool niya din, passion ata nilang magkakapatid ang pagta tattoo! gusto ko nga din kapag nasa legal age na ako magkaroon din ako ng ganyan kaso ayaw ni eomma mina, mapapatay niya ako kapag sinunod ko ang gusto ko kahit walang problema kay mommy chaeng tsk!

"okay lang ako tito jung" nasabi ko at kumindat siya sa akin

"may ibibigay ako sayo, tatapusin ko lang to" natatawang sabi niya kaya hinarap ko na si mom na kasalukuyang nakatutok sa laptop niya.

"mommy? ano po yung e uutos niyo?" natanong ko at napahinto siya sa ginagawa tsaka may kinuha sa isa sa mga cabinet niya.

"kung okay lang sayo anak, samahan mo ang mommy mina mo ngayon mag grocery?" napa rolled eyes ako

"ha? bakit siya magiging kasama ko? hindi ba pwedeng kayo? or ako nalang?" reklamo ko, hindi naman sa hate ko si eomma minari, mabagal kasi yun tsaka ang tagal mamili lahat kasi titingnan at babasahin pa ang nutrition facts bago bibilhin, for sure makakaubos kami ng ilang oras sa paglilibot sa supermarket.

"anak busy ako eh, tingnan mo maraming costumers" turo niya sa paligid, busy nga si tito jung at yung ibang staff niya na may kanya kanyang ginagawa. "at may virtual meeting pa ako sa iba kong clients kaya hindi ko talaga masasamahan ang mommy mo"

STILL INTO YOU ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon