Lia's POVPara akong napahiya sa harap ni ryujin kanina, bakit ba ako naging emotional? at bakit ba namin napag usapan yun? tsk hindi ko ata maintindihan ang sarili ko kanina siguro epekto lang sa dami ng nainom ko.
"okay last nato! at uuwi na tayo! tsk!" sigaw ni yuna at uminom, pawis na pawis na siya ngayon kakabalik lang nila ni chaeryoung galing dancefloor.
"teka? nasaan si jin?" tanong bigla ni chaeryoung sa akin
"ahh kanina pa umalis eh, hindi ko alam kung saan pumunta" nasabi ko at tumango siya, pagkatapos kasi ng pag uusap namin ni ryu kanina bigla siyang tumayo at umalis nang hindi nagpaalam.
"yuna! mukhang kailangan na naming umuwi ni karina" nasabi ni winter, nakatulog na kasi yung kasama niya dahil sa dami ng na inom.
"ang weak talaga ng babae yan! pero sige! e uwi mo na yan! mag ingat kayo ha? thank you sa pagpunta ngayon win" at hinagkan niya si winter
"naman! anytime yuna! pakisabi nalang sa kapatid mo nauna na kami" at kinarga niya si karina, wow? ang lakas niya naman. Kaya umalis na sila.
"mga unnies! ubusin na natin tong mga to bilis!" pangiting sabi ni yuna at nakipag cheers sa amin.
napatingin naman ako kay chaeryoung at bigla siyang ngumiti sa akin kaya napangiti ako.
"ohh ito nga siguro ang sinasabi ni jin na namimiss niya" nasabi niya, ha?
"ako ba ang kausap mo?" natanong ko at tumango siya.
"maiwan ko muna kayo unnies ha, naiihi ako" biglang alis ni nayu kaya naiwan kami ni chaeryoung at pinagpatuloy niya yung sinasabi niya kanina.
"nasabi kasi sa akin ni jin na may kilala siyang babae na kapag ngumiti daw ngumingiti din yung mga mata at namimiss niya ang babaeng yun" weird? bakit ganito ang sinasabi ni chaeryoung sa akin? girlfriend niya si ryujin diba?! "oh i'm sorry alam kong nagtataka ka kung bakit sinasabi ko to sayo"
"oh" at natawa ako kasi nabasa niya ang isip ko lol "tama ka nga, nagtataka ako hindi ba parang haha ang weird! hindi ko alam kung anong sasabihin" at nagtawanan kami pero sa sinabi niya kanina tungkol kay ryujin hindi ko mapigilang mapangiti, shes still talking about me kahit kay chaeryoung.
natigil naman kaming dalawa nang bumalik na si yuna kasama si ryujin.
"mukhang nagkakasundo kayong dalawa ah?" rinig namin kay ryujin at umupo sa tabi ni chaeryoung.
"naman! jin, mabait si lia kaya mabait din ako sa kanya" pilyang sabi ni chaeryoung
"okay! masakit na ang ulo ko! i think we should go home?" singit ni yuna at niyakap ako kaya hinaplos ko ang buhok niya, ang cute naman nitong lasing nato.
"makakapag drive kapa ba dongsaeng?" tanong ni ryujin
"i don't think so unnie! lasing na ata ako" at kinuha niya yung phone niya "can you please call kai for me" at kinuha naman agad ni ryujin ang phone niya tsaka lumayo para tawagan si kai.
"bakit naman kasi napasobra ka sa pag inom nayu?" nasabi ko at natawa lang siya.
"tss wag kang mag alala unnie okay pa naman ako" at ngumiti siya sa akin "ang ganda ko talaga kahit wasted na ako! omg!" hindi naman mapigilan ni chaeryoung matawa sa mga pinag sasabi ni yuna ngayon kaya hinayaan na namin siya , napagpasyahan din naman naming lumabas na para hintayin na si kai.
"sa wakas!" rinig ko kay ryujin at nakita naming bumaba si kai sa cab na sinakyan niya, ngumiti siya at kumaway sa amin habang naglalakad papalapit.
![](https://img.wattpad.com/cover/285411942-288-k846736.jpg)
BINABASA MO ANG
STILL INTO YOU ❤️
Fiksi Penggemara RYEJISU story (gxg) I'm still into you Choi Jisu, can i take you away from Hwang Yeji? fyi: this is a filipino fanfiction :)