Yeji's POV"babe!" bati ni lia sa akin nang makapasok ako at agad niya akong niyakap, napangiti naman ako sa kanya, sweet "woah! sa wakas!"
"bakit?" natanong ko at agad niya akong hinila sa may living room
"ngumiti karin sa akin! madalang ka nalang ngumiti eh" at tumango ako sa sinabi niya.
"sorry babe, wala lang ako lagi sa mood masyadong nilalamon nang isip ko ang trabaho"
"tsk kumain kana ba?"
"yeah, ikaw ba?"
"tapos narin, hinihintay nalang kitang umuwi kasi may sasabihin ako sayo"
"ano yun?" at ngumiti muna siya bago nagsalita. Sinabi niya yung tungkol sa pagpunta nila chaeryoung at kung anong project ang ibinigay sa kanya, medyo hindi ko nagustuhan ang bagay na yun para sa kanya pero dahil request yun ni tita jennie at mukhang may trust naman ang mom niya sa team ni chaeryoung wala akong magagawa kundi ang supportahan siya sa trabahong ipapagawa sa kanya.
"kaya kinakabahan ako at excited at the same time babe, ngayon lang ulit ako makakabalik sa nakahiligan ko noon sa canada"
"talagang okay lang sayo? baka pwede kapang umatras sa bagay na yan" at umiling siya.
"napag usapan naman namin nila mom at chaeryoung ang lahat kaya okay na don't worry about it"
"ngayon ko lang nalaman na may ari pala ng isang sikat na magazine company si miss lee, hindi halata sa kanya" nasabi ko
"teka, paano kayo nagkakilala?" nagulat naman ako sa tanong ni lia
"at paano din kayo nagkakilala" agad kong tanong
"babe i asked you first"
"oh? ahh well, may isang araw na kumakain akong mag isa sa isang korean resto tapos bigla nalang siyang sumulpot sa harap ko at nagpakilala, mukha naman siyang harmless at namukhaan ko siya, yung babaeng nakadikit lagi kay ryujin sa kasal ni yuna diba? kaya pumayag akong mag usap kami"
"at bakit niya ginawa yun? anong pinag usapan niyo?" biglang umayos sa pagkaka upo si lia tsaka tiningnan ako na confuse na confuse "tsaka bakit ngayon ko lang alam to?"
"amm nakalimutan ko atang sabihin sayo tsaka hindi ko rin alam? basta she suddenly approached me that time then offered me to" at umiwas ako ng tingin "reconcile with ryujin again" natawa ako ng mapakla "weird right? ginagawa niya ang isang bagay na dapat sana si ryuddaeng ang gumawa" pero kahit gawin pa ni ryujin hindi parin ako makikipag usap tsk
"uhh talaga? chaeryoung is strange" rinig ko kay lia "yung sa amin naman eh, nakasama ko siya noong nag girls night out kami ni yuna, yung time na hindi ka sumama? tsaka invited siya noong gabing yun, close nga sila ni nayu eh"
"hindi na ako magtataka, siya ang bagong bestfriend ni ryujin babe"
"ha? bestfriend? i thought girlfriend siya?"
"they're not, mag bestfriend sila lia sinong nagsabi sayo na mag girlfriend sila?"
at hindi siya sumagot kaya napatingin ako sa kanya.
"si nayu" mahinang sabi niya pero bakit nararamdaman kong nagsisinungaling siya. Napa isip naman ako, kung nandoon si chaeryoung ng gabing yun, hindi pwedeng wala si ryujin doon? oh gosh, napansin kong napakagat ng ibabang labi si lia. That's it, she's lying.
"don't try to lie at me lia" seryosong sabi ko, madali kong nababasa ang babaeng to kasi hindi marunong magtago ng emosyon.
"i'm sorry, honestly nandoon din si ryujin ng gabing yun pero hindi ko alam na pupunta sila tsaka nag iiwasan naman kami" nasabi niya at umiwas ng tingin. Hindi ako magagalit ngayon kasi kung nandoon din ako sa gabing yun, kung pumunta ako malamang magkikita din kami ni ryujin.
BINABASA MO ANG
STILL INTO YOU ❤️
Fanfictiona RYEJISU story (gxg) I'm still into you Choi Jisu, can i take you away from Hwang Yeji? fyi: this is a filipino fanfiction :)