13

4 0 0
                                    


Ryujin's POV

Hindi ko alam na pumupunta parin pala siya dito, akala ko nakalimutan na niya ang lugar nato eh. Noon kasi madalas kaming tumatambay dito kapag pareho kaming stress sa school o di kaya may kanya kanya kaming problema, nakakagaan kasi ng loob ang view ng lugar at ang tahimik, kaya payapa kang makapag muni muni.

"julia" pagtatawag ko sa kanya ng mapansing pabalik siya kung saan naka park ang kotse niya, hindi niya ako nililingon kaya mabilis akong lumakad para sumunod sa kanya. "choi jisu!" at sa wakas napahinto siya tsaka dahan dahan akong hinarap. Ngumiti siya sa akin at naging awkward naman ako.

"yes ryujin? may kailangan ka? by the way thank you" napatingin muna ako sa paligid bago sumagot, kinakabahan ako kasi hindi ko inaasahan na nandito siya ngayon sa harap ko.

"ahh aalis kana?" at tumango siya, hindi pwede! tsk, ryujin umisip ka nang paraan na mag stay siya kahit sandali "ahem! ahh agad?"

"baka kasi hanapin na ako ni yeji" ouch

"teka lang, maaga pa naman" nasabi ko sabay tingin ko sa relo ko, napayuko ako "kung okay lang sayo, pwedeng samahan mo muna ako? kasi kung iiwan mo akong mag isa dito baka hindi ko na alam ang gagawin ko, problemado kasi ako" lol magaling ako sa ganitong bagay at madali lang maniwala tong si lia. Matagal bago siya sumagot at nanatili lang akong nakayuko nang marinig ko yung mga yapak niya papalapit sa akin.

"anong problema mo?" at napangiti ako sa isip ko , see? ang daling maniwala ni lia kapag nag da drama ako.

"marami" nasabi ko ng tumingin ako sa kanya na may pagmamakaawa "mag sta-stay kaba? kahit ngayon lang?"

"okay" plain na sagot niya.

tagumpay.

Umupo kami ni lia sa inuupuan niya kanina pero siniguro na naming malayo doon sa pwestong malapit siyang mahulog, may space naman sa gitna namin kaya hindi talaga kami magkadikit. Napapatingin ako sa kanya habang tahimik siyang nakatingin sa malawak na view , ginugulo naman ng hangin yung buhok niyang nakalugay ngayon, napa iling ako at umiwas ng tingin, namiss ko ang view ng buong itsura niya, yung ganda niya hindi parin nagbabago mukhang mas lalong gumanda siya ngayon eh, napaka swerte ni yeji at napakamalas ko para hindi ko matingnan ang mukhang to araw araw.

"akala ko hindi kana pumupunta dito?" panimula ko

"akala ko nga rin hindi kana pumupunta dito" at napangiti ako, so i assume iniisip niya parin ako dahil sa lugar nato. "so anong problema mo? sa narinig ko kanina MARAMI diba?"

"ah yeah, sa trabaho tsaka sa bahay" kahit wala naman eh hehe

"ganun ba? nagka problema kayo nila tita mina? tita chaeyoung?"

"sort of" at tumango lang siya.

"kung kasalanan mo naman ryujin kailangan mong babaan yung pride mo okay? i know you, matigas ka kahit ikaw pa yung may kasalanan at kung mali naman nila tita kailangan mo paring makipag ayos kasi parents mo parin sila" geez! napaka seryoso talaga ni lia hindi parin siya nagbabago.

"alam ko julia" nasabi ko at gusto kong matawa pero pinipigilan ko.

"tsaka yang problema sa work mo huwag mong masyadong seryosohin para sabihin sa akin ngayon na baka may gagawin ka dito na hindi maganda tsk!" at tumingin ako sa gilid para tahimik na tumawa, wtf?! pigilan mo ryujin, nakakaloko ka talaga. "hmmm ngapala, yung tungkol kay yeji" at agad akong bumalik sa pagiging seryoso para tumingin sa kanya.

"anong tungkol sa kanya?"

"sinabi ko na sa kanya na gusto mong makipag usap pero ayaw niya talaga" malungkot na sabi niya "sorry ryu"

STILL INTO YOU ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon