"I don't get it, your Mom is part of the Olympians so you are one of those miracle babies?"Nakain pa ng popcorn si Valerie habang iniinterview si Draven, sumandal naman siya at pinag krus ang braso.
"Excuse me, ang nanay ko ang pinakamabait sa kanilang lahat! No offense Chloe at Sebastian, pero totoo 'yon! Kaya hindi siya nadamay sa sumpa sumpa na 'yan o kung ano mang tawag nyo sa kanila," umiling siya.
Actually, pagkatapos nilang magpakilala kanina ay nag getting to know each other agad kami rito sa sala.
"Oh? Tanga sumpa ka talaga," binatukan naman siya ni Clay.
"Bobo! Ikaw naman mag kwento, ikaw ang sunod sa akin eh. Bali, sunod sunod tayo rito ha? Ikot lang 'to," dugtong pa ni Draven. "If you will ask what's my power, i can be the healer of this group. And also, i can create some fires too."
Tinaas niya ang kamay niya at nagpalabas nga ng apoy, napangiti naman ako nang mayabang niyang nilapit sa mga muka namin ang apoy na nasa kamay niya.
"Manahimik ka na, anyways. Alam niyo naman na isa akong anak ni Erebus, ang pinakamalakas na nakatira sa underworld-"
"Anong sabi mo?" seryosong tanong ni Sebastian.
Natatawang hinampas naman ni Clay si Sebastian. "Tanga! Hindi mabiro 'to. Pero ayun nga, kaya kong takpan ang araw."
Napataas ako ng kilay nang unti unting dumilim, agad kong tinignan ang bintana at nahuling unti unting sumasara ang kurtina. Nagbalik ako ng tingin kay Clay at sinamaan siya ng tingin.
Binatukan siya ni Sebastian kaya bumalik sa dati ang kurtina, hinimas niya ang ulo niya dahil doon.
"De joke lang, kaya kong pagalawin yung mga gamit dito gamit ang kamay. I can also manipulate darkness, kaya ko ring makita ang mga kaluluwa-"
"What?" nagtatakang tanong ni Valerie.
Clay smirked. "Mga kaluluwa! May katabi ka nga ngayon eh, yung kapatid mo."
Biglang sumeryoso si Valerie. "T-totoo? My sister died two years ago.."
Nawala ang mapang asar na muka ni Clay nang marinig 'yon, napaawang ang labi niya at hindi alam ang sasabihin. Lahat kami ay natahimik at tinignan si Valerie na naluluha na, mukang alam ko na kung saan patungo 'to kaya sumubo ako ng popcorn.
"Ha! Bobo! Joke lang 'yon!" malakas na tumawa si Valerie at tinuro ang muka ni Clay.
Sinamaan siya ng tingin nito at binato ng unan, napailing nalang ako at tumingin kay Bree. Ngumiti ako sa kaniya nang magtama ang tingin namin, umayos na siya ng upo nang tumigil si Valerie at Clay.
"Wait.. lahat ba kayo ay Demigod?" I asked.
Lahat sila ay tumango sa akin, hindi na ako nagsalita at sinenyasan si Bree para siya naman ang magpakilala.
"I'm the daughter of Euryale, one of the three gorgons. I can make people turn into stones, i got that from my mother too," nahihiya siyang ngumiti.
Kumapit si Valerie sa kaniyang balikat kaya nagulat siya, ngumiti siya kay Bree nang malaki.
"Bakit parang nahihiya ka? Ang cool kaya non!"
Hindi nagsalita si Bree at ngumiti lang sa kaniya, bumitaw na sa kaniya si Valerie at ngumiti naman sa amin.
"I'm the daughter of Hecate, and I can do magic-"
"So you're powerful?" nakangiti kong tanong.
Tumawa naman siya at hinampas ako. "Eto naman, hindi 'no! Oo, ang nanay ko ay makapangyarihan. Pero hindi pa ako ganoon kalakas katulad niya-"
BINABASA MO ANG
The Mighty Dawn
FantasyBook 3 of Greek Academy (OLYMPIAN SERIES #3) -- "Someone will come. A powerful one, who will change your belief in life. All of your rules will be gone, and it will change by your related one. An immoral and mighty will be on top, and the rest will...