Chapter 8

81 5 7
                                    


Matagal kong tinitigan ang batang sinasabi ni Sebastian na anak daw ni Hercules. Sumandal ako sa kotse habang naka krus ang braso, pinapanood sila.

"Wow... just wow. Hercules has a son? paano? at bakit?!" Gulat na tanong ni Draven habang tinititigan ang bata.

Natahimik sila nang tinignan kami ni Sebastian, hinawakan niya sa kamay ang bata at pinunta sa amin.

"Hello?" He smiled cutely.

Napangiti ako at umupo para maka level siya. "What's your name?"

Ngumiti siya nang malaki kaya nawala ang singkit niyang mata. "I'm Karl Alcantara! and I'm 6 years old!" He giggled.

I laughed and hold his other hand. "Are you feeling scared?"

Ngumuso siya at umiling. "Of course not! I know that my guardian angel will save me!" He looked up at Sebastian.

"Hindi 'yan anghel, demonyo 'yan," natatawang bulong ni Clay.

Mukang narinig 'yon ni Sebastian kaya nagulat siya nang umapoy ang kaniyang sapatos, sumigaw siya nang malakas at tumakbo.

Nilibot ko ang paningin ko, nakita kong marami ng kotse at may mga reporters. Napatingin ako sa kotse na kakarating lang, i saw a young woman who looked around while panicking. When our eyes met, napaawang ang labi niya at agad na tumakbo sa direksyon namin.

Mag rereact pa sana ako nang makita si Karl na tumakbo papunta sa babae, na realize ko na kung sino siya. Niyakap niya nang mahigpit ang anak niya at tumingin kay Sebastian, pagkatapos ay binuhat niya ang anak niya at lumapit sa amin. Dahan dahan akong tumayo habang pinagmamasdan sila.

"Thank you so much, Sebastian.."

Sebastian smiled a little bit. "It's my job."

Saglit na kumunot ang noo ko at dahan dahan ding tumango. Dahan dahan niyang binaba si Karl, sinabihan na magpaalam na kay Sebastian.

Umupo si Sebastian para maka level ang bata.

"Thank you, kuya. I know that you are watching me everyday! And i know.. that's my father's order. I will never forget you!" He hugged Sebastian.

Sebastian smiled, kinalas niya ang pagkakayakap ng bata. Nakita ko kung paano niya titigan ng saglit si Karl bago tignan ito ng deretso sa kaniyang mata.

"But you will forget this.. you didn't meet me and you just had a long sleep. Nothing happened to you, go home and take a nap." He whispered while looking at his eyes.

Unti unting pumikit ang mata ni Karl, nasalo siya ng kaniyang ina at binuhat.

"She knows about us." Valerie whispered.

Nagpaalam na isa isa sa amin si Mrs. Alcantara at agad ding dumiretso sa kaniyang kotse.

Pinanood namin siyang sumakay sa kaniyang kotse, hanggang sa maka alis sila ay pinapanood pa rin namin sila habang tahimik.

"I didn't know about that.. grabe," bulong ni Draven habang hindi pa rin makapaniwala.

Tinignan ko si Sebastian, nang magtama ang mata namin ay agad din siyang umiwas at pinuntahan si Bree.

Kumunot ang noo ko at napairap, dumiretso ako kay Draven na gulat pa rin ang muka.

"Nangyayari 'yon, Draven. Kaya nga kayo nabuo eh," iling kong sabi.

Inirapan niya naman ako. "Pero hindi lang ako makapaniwala na magkakaanak si Hercules dito! For sure, malakas ang batang 'yon paglaki!"

I smiled. "As he should, magiging kasabayan niya sina Damon."

The Mighty DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon