"The ancestors witch can't be dead."
Sumeryoso ang muka ko nang sabihin 'yon ni Valerie, nagkatinginan kami ni Sebastian.
Nandito kami lahat ngayon sa sala, nakapalibot sa dalawang libro. Nakakatuwa nga dahil willing talaga nila kaming tulungan, seryoso rin ang muka nila.
"The powers that they had came from my Mother, impossibleng mamatay sila na ganon ganon nalang." Kinuha niya ang libro at parang may binasa. "The spell here is made from my Mom. This spell is for death, any witches can use this to bring their ancestor back."
"What will happen kapag nabuhay sila?" Draven asked.
Huminga ng malalim si Valerie at kinuha ang dalawang bote na binigay namin sa kaniya, nilapag niya 'yon sa gitna at tumingin sa amin ni Sebastian.
"This drink is made from alcohol with a mix of.. protection spell."
Kumalabog ang dibdib ko at nanlaki ang mata. "What do you mean? protection spell? for what?!"
"Technically, ang alcohol ay nagbibigay ng lakas sa inyo habang ang spell naman ay para.. sa ginawa ng mga witches."
Kumunot ang noo ko, hindi pa rin naiintindihan ang sinasabi niya.
Hindi pa rin sila tapos? akala ko ay wala ng kalaban ang Ama ko na may kinalaman sa mga witches.
Binalik niya ang tingin sa libro at muling may binasa, kinabhan ako nang lumaki ang mata niya at mabilis na tumingin sa akin.
"Witches made your life linked to Sebastian. Ibig sabihin, kung ano mang mangyayari sayo ay manyayari kay Sebastian. Ngayon ay protektado kayo dahil sa spell pero... once na mabuhay ang mga witches na gumawa sainyo non ay.. mababalewala ang protection spell na nasa katawan niyo."
Hindi ako nakapagsalita at na estatwa nalang sa kinauupuan ko.
That's the reason why Dad and Hades killed them?First of all, why witches made us? for what? as far as i know, Zeus and Hecate are not in good terms. But it doesn't mean na kayang gawin ni Hecate 'yon-
"I think Mom is part of this."
Nag angat ako ng tingin kay Valerie na nakayuko at hindi makatingin sa amin, napalunok ako at dahan dahang lumingon kay Sebastian."Kaya siguro.. gusto niya akong tulungan kayo, dahil alam niyang hindi dapat kayo kasama sa away na meron sila." Nag angat siya ng tingin at ngumiti. "I promise that i will help to fix this, okay?"
Umiling ako at hinawakan ang kamay niya. "You already help, Valerie. I am scared that something will happen to you.. you need to do all your-"
She laughed. "Chloe, para saan pa at pinanganak ako ng makapangyarihan na witch? Hindi ako mamamatay, okay? Tsaka.. Me and Clay already have a plan after this."
Binitawan niya ang kamay ko at tumingin kay Clay, ngumiti naman si Clay sa kaniya at tumingin sa amin.
"We plan to travel around the world like an ordinary person. Pwede naman nating gawing lahat 'yon, diba?" He smiled.
Napangiti ako at na-imagine na kung gaano kasaya pag nangyari 'yon.
"Sandali nga, parang ang tagal niyo ng mag jowa ah?" Tinuro ni Draven ang dalawa habang nagtataka.
Valerie laughed. "Let's just say that i like monkeys."
"Halata nga," nakangising sambit ni Sebastian.
Bago pa magtalo ang dalawa ay napigilan na sila ni Bree. "Mamaya na kayo mag away, let's have some fun muna."
Natagpuan ko nalang ang sarili kong pinapanood na maglaban si Bree at Draven, nakaupo kami ngayon sa damuhan sa likod ng bahay namin. Tumingala ako at napansin na makulimlim pa rin.
Nagbalik ang tingin ko sa dalawa. Agad na sinalo ni Bree ang paparating na kamao ni Draven, ngumisi si Draven at sinipa ang kaniyang paa kaya natumba siya. Mabilis namang hinawakan ni Bree ang paa nito at inikot kaya napasigaw sa sakit si Draven.
"Aray! Ayoko na! Suko na ako!" Sunod sunod niyang sambit habang nakadapa at nakasampa sa likuran niya si Bree.
Napangisi naman ng malaki si Bree at humakbang papaatras, nakanguso namang umupo si Draven at nag angat ng tingin sa kaniya. Nilahad ni Bree ang kamay niya at mabilis naman na tinanggap 'yon ni Draven para makatayo.
Sunod naman na sumalang si Valerie at Clay, nakangisi ang dalawa sa isa't isa habang hinahanda ang sarili.
"Sus, baka maglandian lang 'yang dalawa," bulong ni Draven.
Naalerto ka agad si Valerie nang umamba ng suntok si Clay, agad siyang yumuko nang umulit siya at mabilis na sinipa ang kamay nito. Pagkaharap ni Valerie kay Clay ay nagulat siya nang hawakan ang bewang niya.
Nanlaki ang mata ko nang magkalapit ang katawan nila, saglit silang nagkakatitigan at nauna naman si Valerie na ikutin ang kamay nito na nakahawak sa likod niya. Nilagay niya nang sapilitan ang kamay ni Clay sa likuran niya at pinadapa siya, imbis na dumaing si Clay sa sakit ay natatawa pa siya sa ginawa ng nobya.
"Kinilig ka 'no?" Nang aasar na sambit nito.
Halata sa muka ni Valerie ang pamumula kaya umalis na siya sa likuran niya at sinenyasan kami ni Sebastian na mag ready na, napailing nalang ako habang si Clay ay nakahiga pa rin.
"Masyado ka namang halata te," bulong ko sa kaniya.
"Duh! atleast panalo ako."
Mas lalo akong natawa at hinayaan nalang siyang asarin nina Draven doon, nakipag apir ako kay Clay nang pinaupo na siya ni Sebastian.
Pinag krus ko ang braso habang nakangisi kay Sebastian, siya naman ay seryoso lang ang muka habang nakatingin sa akin.
Mabilis akong umilag nang tinaas niya ang kamao niya, hinawakan ko ang kamay niya ngunit agad niyang nahuli ang kabila kong kamay ko. Agad kong hinila ang kamay ko at sinubukang sipain ang kaniyang tyan.
Nagulat ako nang mahawakan niya ang paa ko nang walang kahirap hirap, ngumisi naman siya kaya agad kong sinubukang sumipa para mawala ang pagkakahawak niya. Nang hindi siya bumibitaw ay ako naman ang ngumisi sa kaniya at tumalon nang mataas para makasampa sa balikat niya.
Imbis na bitawan niya ang paa ko ay hinayaan niya lang ako, mabilis siyang yumuko kaya agad din akong nakaalis. Mabilis akong kumilos at sinipa ang gitna niya, napadaing siya kaya nakakuha ako ng pagkakataon na sipain ang muka niya, tuluyan siyang napahiga habang hawak pa rin ang gitna.
Nakangisi akong tinapakan ang dibdib niya. "Napalakas ba? Sorry, sadya."
Nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang paa ko at binaliktad, kaya ang ending ay siya naman ang nasa bandang itaas ko. Yumuko siya at nilapit ang muka sa akin, nanlaki ang mata ko at napaawang ang labi.
Nagbaba siya ng tingin sa labi ko at ngumisi. "Hmm, you smells good."
Sinuntok ko ng tuluyan ang muka niya kaya natumba siya sa tabi ko, tumawa ako at umupo para tignan siya habang hinawakan ang nagdudugong labi.
"I didn't expect that." Reklamo niya habang hawak hawak ang panga.
"Avoid distractions while fighting."
"Well, my distraction is too pretty."
Hindi ko alam kung narinig 'yon ng mga kasama namin, namula ang pisngi ko at hinayaan siyang nakahiga sa damuhan.
Sinalubong naman ako ng palakpak nina Valerie, tumayo sila at sinalubong ako.
"Ang hihina niyo naman! Lahat kaming babae panalo oh?!" Mayabang na sambit ni Valerie at inirapan ang mga lalaki.
Nginitian ko si Bree nang magtama ang mata namin. I am really glad that she's enjoying, i can sense that she don't like me but i guess.. that was before."Pinagbigyan lang namin kayo," pakikipagtalo naman ni Clay.
Gaya ng inaasahan, ay nagtalo na naman ang dalawa.
Nagkatinginan kami ni Sebastian na kakabangon lang, wala na ang sugat sa kaniyang muka kaya natatawa akong pinuntahan siya.
"It's just a game, huwag sumama ang loob."
Inirapan niya ako. "I know, sa ganitong laban ka lang naman nananalo sa akin."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Excuse me?"
Sasagot pa sana siya nang biglang may tumawag sa kaniya.
Lahat kami ay napatingin kay Marlon na tumatakbo papunta sa amin, nakita ko na seryoso ang muka niya kaya hindi ko maiwasang kabhan.
"Sinong nagsabi sainyong pumunta kayo sa human world na walang permisyo ko?"
Lahat kami ay nagkatinginan at hindi nakasagot."And what happened-"
Hindi niya natuloy ang sasabihin nang marinig ang sigawan mula sa harapan ng school, kumunot ang noo ko at hindi nagdalawang isip na tumakbo papunta roon.
Nanlaki ang mata ko nang makitang nakikipag laban ang mga master at elite section sa-
"Vampires and warewolves?! What are they doing here?!" Gulat na tanong ni Valerie.
Hindi ako nakapagsalita dahil pinapanood ko silang makipaglaban, nagbaba ang tingin ko sa paa ko nang may gumulong na ulo. It's from Master section.
"They are not allowed to fight." I whispered.
"They are mad, Chloe.."
Dahan dahan akong napatingin kay Marlon nang banggitin niya ang pangalan ko, napalunok ako at hindi pa rin nakapagsalita.
"What did you do?"
----------------------------------
BINABASA MO ANG
The Mighty Dawn
FantasyBook 3 of Greek Academy (OLYMPIAN SERIES #3) -- "Someone will come. A powerful one, who will change your belief in life. All of your rules will be gone, and it will change by your related one. An immoral and mighty will be on top, and the rest will...