Chapter 13

86 4 2
                                    



"This is what you want, right?"

Nagulat si Dionysus nang lumitaw ako sa harapan niya, ngumisi ako at tinignan ang mga kasama na nakikipag laban sa mga bampira. Lumaki ang ngisi ko at nagbalik ng tingin kay Dionysus, hindi siya makagalaw sa kaniyang kinatatayuan.

"Tell me, is this Zeus' plan? or Hades?"

Nawala ang gulat na muka ni Dionysus at tinignan ako ng deretso sa mata.

"You have his eyes, Chloe."

"Who? Your father?"

Sumeryoso ang muka ni Dionysus. "Your father's father."

Nagtaas ako ng kilay, hindi naintindihan ang pinupunto. Narinig kong sumigaw sina Valerie na may papalapit sa akin kaya tinaas ko ang kamay ko at pumitik nang hindi sila nililingon, napatalon si Dionysusu ng kumidlat nang malakas.

Ngumisi ako at tinignan sina Sebastian, nakita kong ubos na ang kalaban kaya lumapit ako papalapit sa kanila.

Mas lalong lumakas ang ulan, hinayaan ko lang na mabasa ako sa ulan, pinag krus ko ang braso at tumigil nang makalapit sa kanila. Tinignan ko si Sebastian, tinaas ko ang kamay at lumitaw doon ang boteng binigay ni Dionysus.

Kumunot ang noo niya at mabilis na hinablot 'yon. "Kanino galing 'to?"

"Dionysus. He gave me two bottles and i drank the other one, so i dare you to drink that bottle too." I smirked.

Napatingin ako kay Bree nang lumapit siya kay Sebastian na parang na alarma.

"No, Sebastian. She wants you to turn off your humanity-"

"Why so scared, Bree?" Nagtaas ako ng kilay. "Katapusan na ba ng mundo kapag ginawa namin pareho 'yon?"

Huminga siya ng malalim at hinarap ako. "Oo, Chloe. You can't do that dahil-"

Tinaas ko ang kamay kaya tumigil siya. "I don't care about your opinion, Bree. Gagawin ko ang gusto kong gawin, okay?"

Hindi siya nakasagot kaya tumingin ulit ako kay Sebastian, napangisi ako nang binuksan niya ang bote. Iinumin niya na sana 'yon nang biglang lumipad 'yon papaalis sa kamay niya, nanlaki ang mata ko at mabilis na napatingin kay Clay.

"Chloe, if you force Sebastian you know what will happen-"

"I don't care, Clay! Look what you've done!" Tinuro ko ang natitirang kalahati sa bote.

Natigilan ako nang lumuhod si Sebastian para kunin ang natitira, nang makuha ay tumayo siya at deretsong tumingin kay Clay. Ngumisi ako habang pinapanood silang mag usap gamit ang mata, napawi lang ang ngisi ko nang humarap naman sa akin si Sebastian.

Napaawang ang labi ko nang ininom niya 'yon ng tuloy tuloy habang nakatingin sa mga mata ko, lumaki ang ngisi ko nang maubos 'yon. Pinanood ko siyang pumikit at huminga ng malalim, maya maya ay nagmulat siya at nakita ko agad ang namumula niyang mata.

Nang magtama ang tingin namin ay ngumisi siya, tumawa ako at nginisian din siya.

Hindi ako nagsalita at hinawakan ang kamay niya, pumikit ako at dinala ko ang sarili namin sa isang lugar.

Lugar kung saan malalaman namin ang katotohanan.

Hinayaan muna naming dumilim ang paligid kaya sumampa muna kami sa itaas ng puno, nakasandal lang ako habang si Sebastian naman ay walang emosyon ang muka.

"I don't know if you really turned off your humanity."

Tuluyan siyang napatingin sa akin na ganoon pa rin ang muka, ngumisi ako at tumingin ng deretso sa kaniya.

The Mighty DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon