"I found it!"
Bago pa sugurin ni Sebastian si Clay ay sumigaw na si Valerie, huminga siya nang malalim at tinignan si Clay.
"Ako ang nagsimula, kaya tatapusin ko 'to.."
Napalunok ako nang tumingin sa akin si Valerie, sunod niyang tinignan si Sebastian na wala ng emosyon ang muka.
"When i hold Chloe's hand.. i saw a blood that came from a powerful God.."
Kumunot ang noo ko nang sabihin niya 'yon, pumunta siya sa sofa para may kunin. Hindi na ako nagulat nang makitang hawak niya ang librong natagpuan namin.
"Ikaw ang nagsusulat jaan.. diba?" seryoso kong tanong.
Ang nakasulat sa pangalawang pages ay witches. Isa siyang witch, alam namin ni Sebastian na siya ang may kagagawan non.
"Eto ang rason kaya pumasok ako rito sa section na 'to.. gusto ko kayong tulungan, Mother Hecate gave me this book.. ang sabi niya, hahayaan ko raw kayong matagpuan 'to."
Inabot niya sa amin ang libro, saglit ko munang tinitigan 'yon bago kunin.
"The only way to figure out that question.. is to express your powers."
Mabilis akong napatingin kay Valerie, umaasang nagbibiro siya pero seryoso lamang ang muka niya.
"Chloe, alam kong hindi mo pa kaya pero.. kailangan mo nang gawin ang dapat na gawin. Ikaw naman, Sebastian.. i have a solution to your problem."
Kumunot ang noo ni Sebastian. "Paano mo nalaman ang tungkol doon?"
Hindi nagsalita si Valerie at tinignan si Clay, napaawang ang labi ko at hinawakan ka agad ang kamay ni Sebastian.
He hates betrayal. Ayaw na ayaw niyang sinisira ang tiwala niya, at alam kong si Clay ang pinagkakatiwalaan niya rito.
"Pre.. maiintindihan mo rin kung bakit ko 'to ginagawa," seryosong sambit ni Clay.
"Siguraduhin mo lang," mariin naman na sabi ni Sebastian.
Umiinit na ang paligid kaya tinapik ko ang balikat ni Sebastian, napatingin siya sa akin at pinanlakihan ko naman siya ng mata.
"Props lang ba kami rito? wala man lang kaming kaalam alam sa nangyayari.."
Napatingin kaming lahat kay Draven nang magsalita, nahihiya siyang ngumiti sa amin.
"Ako, may alam. Ikaw lang wala," inirapan siya ni Bree.
"Luh, share naman jan!"
Hindi siya pinansin ni Bree at isa isa kaming tinignan.
"Tutal lahat naman tayo ay nandito na.. lahat tayo ay may kailangan gawin. Ang isang linggo na binigay sa atin ni Marlon ay hindi natin magiging pahinga. Magtutulungan tayo rito, okay lang ba 'yon?" Seryoso niyang tanong.
Saglit kaming natahimik dahil sa gulat. Ngayon lang ata siya nagsalita nang mahaba! Ngumiti ako sa kaniya at mabilis na tumango.
"Okay lang sa akin!"Sumang ayon na ang lahat except kay Sebastian na seryoso lang ang muka, siniko ko siya kaya inis na naman siyang napatingin sa akin. Inirapan niya ako at tumango lng, hudyat na pumapayag siya.
Hinintay namin na dumilim bago lumabas.
Sinigurado muna namin na wala ng mga estudyante, lumabas kami ng Academy at agad na bumungad sa amin ang mausok na paligid.
Nagkatinginan kaming lahat, hinanap namin ang sasakyan ni Hermes na ginamit namin para makapunta sa human world.
"Anong gagawin natin doon?" Draven asked.
Si Sebastian ang nag suggest na doon kami pumunta at mag ensayo, tinignan namin si Sebastian ngunit ngumisi lang siya.
"There's a supernatural na hindi ko alam na nag eexist siya sa mundo ng mga tao, tutulungan niyo akong malaman kung ano sila."
Hindi na kami sumagot at sumampa na agad ng kotse, binigay ni Sebastian ang map kay Clay kahit na alam kong may sama pa rin siya ng loob.
Hindi rin naman makatingin nang maayos si Clay sa kaniya, napailing nalang ako at tinignan si Valerie na tahimik lang. Si Bree naman ay nagbabasa ng libro, habang si Draven ay nakapikit na.
Pagtapos nang ilang oras ay nakarating na kami, madilim pa rin ang paligid dahil alas tres palang ng madaling araw.
Naalerto kami nang may gumalaw mula sa itaas ng puno, bago ko pa sila masabihan ay nagbato na agad ng apoy si Sebastian sa kaliwang direksyon.
Narinig agad namin ang humiyaw na lalaki kaya agad naming pinuntahan 'yon, nanlaki ang mata ko habang pinapanood siyang masunog.
"Sebastian! He is a human!"
"No, he's not."
Napatingin ako kay Valerie nang magsalita, may binulong siyang mga salita kaya tumigil ang apoy. Umupo siya at may kinuha sa bandang kamay ng lalaki, kinuha niya 'yon at hinarap sa amin.
Isang puso.
Parang bigla akong nasuka kaya nag iwas ako ng tingin, huminga ako ng malalim at muling humarap kay Sebastian nang kunin niya 'yon.
"Matagal nang patay ang puso na 'to."
Kumunot ang noo ko, tumingin siya sa akin at hinarap 'yon. Kahit na nandidiri ay sinubukan kong hawakan 'yon.
Isang daliri palang ang dumadampi ay may naramdaman ka agad ako, nanlaki ang mata ko at tumingin kay Valerie.
"It's a vampire!"
Napasinghap sa gulat sina Clay, lumapit sa akin si Draven at tinitigan nang mabuti ang puso na 'yon.
"Empusa is the vampire that existing in our world. Impossibleng sa kaniya magsisimula ang mga bampira dahil pinapatay niya ang mga 'yon, unless-"
"They are made from magic."
Lumapit naman si Bree at kinuha ang hawak ko, binato niya 'yon sa kung saan. Sinundan namin ng tingin kung saan gugulong ang puso, agad namin nakita ang nag mamay ari non.
Nilapitan naming lahat 'yon, umupo naman si Clay para maglabas ng apoy mula sa kamay para makita ang muka ng bangkay.
Isang babae ang nakita namin habang bukas na ang dibdib niya, agad kong nakita ang necklace na suot niya. May nararamdaman akong kakaiba sa necklace na 'yon kaya pinakuha ko 'yon kay Clay.
Pagkahawak ay nakita kong may tubig sa loob ng bilog sa necklace, binigay ko 'yon kay Valerie dahil alam kong alam niya ang sagot.
"It's a daylight accessories. They have this dahil toxic ang araw sa kanila," agad niyang sagot pagkahawak palang non. "Hindi lang sila ang nag eexist.. marami sila."
Nagulat kaming lahat nang sumigaw si Bree, agad kaming napatingin sa itaas na may nakitang papalapit sa amin na isang-
"A fucking warewolf!" Clay shouted.
Agad kong pinalipad ang kutsilyo ko ngunit nailagan niya 'yon, sinubukan naman ni Sebastian na magpalipad ng apoy ngunit magaling talaga siyang umilag.
Huminga ako ng malalim at matapang na humarap sa paparating na warewolf, tinaas ko ang kamay at tinapat 'yon sa kaniya. Tinignan ko siya nang mariin, naramdaman ko ang kapangyarihan at ang tunay kong mata na lumabas.
Humiyaw ang warewolf nang tumama sa kaniya ang kidlat, kinalma ko ang sarili ko at dahan dahang binaba ang kamay. Tinignan ko naman ang mga kasama ko, na gulat ang muka dahil sa aking ginawa.
Nginisian ko lang sila at nilapitan ang warewolf na balak kaming atakihin.
"Bakit nag eexist ang mga 'to sa human world?" Seryosong tanong ni Draven.
Walang sumagot sa kaniya, dahil lahat kami ay nagtataka. Tumingin ako kay Sebastian, nakitang seryoso lang ang muka niya.
"Alam ko kung sino ang makakasagot niyan."
Naramdaman kong napatingin ang lahat kay Sebastian, hindi na siya nagsalita at naglakad na. Nagkatinginan kaming lahat bago siya sundan.
Pinanood kong kausapin ni Sebastian ang isang lalaking bumaba ng kotse, maliwanag na ang paligid at nararamdaman ko agad ang init ng hangin dito.
Sinenyasan kami ni Sebastian na lumapit nang umalis ang lalaki, tinignan ko kung saan siya pupunta at nakita kong dumiretso siya sa gubat.
"Hoy, saan mo pinapunta 'yon?"
Nabanggit ko na ba na si Sebastian ang may kakayahan na mag compell ng mga tao rito? Hindi lang pala mga tao, pati pala kami.
"Kahit saan," maikli niyang sambit at nagpasyang siya na ang magda-drive.
"Kung ako siguro may kapangyarihan na ganyan, uutusan ko lahat ng tao na ibigay sa akin ang pera nila," nakangising sambit ni Draven.
"Buti nalang wala," nang aasar naman na sambit ni Clay.
"Edi wow! atleast ako, mabilis kumilos. Something you can't do," nakataas na kilay na sabi ni Draven.
Napailing nalang ako sa kanilang dalawa at tinignan ang dalawang babae, napansin ko na parang namumutla si Valerie kaya agad kong hinawakan ang kamay niya.
Nanlaki ang mata ko nang maramdaman na parang hinihigop ang kapangyarihan ko, kaya agad akong bumitaw. Gulat din siyang napatingin sa akin.
"I-m sorry! ganon lang talaga ang nangyayari kapag.. nanghihina ako," mahina niyang sambit,
Hindi ako nakasagot nang lumipat si Clay sa tabo niya, hindi siya nagsalita at hinawakan ang kamay ni Valerie.
Napangiti ako nang hinayaan lang siya ni Valerie, na para bang dati palang ginagawa na nila 'yan..
"Kaya pala hindi na kayo nag babangayan," sabi ni Bree.
Natawa ako. "Kaya nga eh, kaya pala si Draven na ngayon ang inaasar mo."
Nanlaki ang mata ni Draven. "Kaya ba inaasar mo ako dahil.. nagugustuhan mo na rin ako?"
Agad na tinigil ni Draven sa ere ang pinalipad na apoy ni Clay patungo sa kaniya, binelatan niya si Clay at pinatay ang apoy.
Natigilan lang kaming lahat nang tumigil ang kotse, unang lumabas si Sebastian at nagsunuran kaming lahat.
"Napaka galang mo talaga, Sebastian. Wala ka man lang pasabi!" inis kong sambit habang bumababa ng kotse.
"You'll don't deserve my respect," inirapan niya kami.
Napaawang ang labi ko. "Anong sabi mo?!"
Natigilan siya at tumingin sa akin, pinag krus ko ang braso ko nang lumapit siya sa akin at may binulong.
"Except sayo."
Namula ang pisngi ko at hindi nakapagsalita, ngumisi siya sa akin at naglakad papalayo.
"Bumulong pa, narinig din naman namin," kunot noong sabi ni Clay.
Hinila na ako ni Valerie para makapag lakad, inasar asar niya pa ako at tumatawa lang ako.
Tumigil kami sa nag iisang bahay sa street na 'to, tinignan ko ang paligid at puro puno na ang nakikita ko. Muli kong binalik ang tingin sa bahay, sira sira na.
Dumiretso roon si Sebastian, naglakad din kami patungo doon. Yumuko si Sebastian para maabot ang door knob, binuksan niya 'yon at madilim na paligid lang ang sumalubong namin.
Mauuna na sana ako nang humakbang din papasok si Sebastian, nagkatinginan tuloy kami dahil doon. Inirapan niya ako at nauna nang pumasok, napailing nalang ako sa ugaling meron siya at sumunod na.
Nang makapasok ang lahat ay biglang sumara ang pintuan, dahan dahan kong kinuha ang kutsilyo sa bulsa nang may narinig akong yapak ng paa.
Halos masilaw ako nang bumukas ang lahat ng ilaw, napapikt ako saglit at agad ding nagmulat nang marinig ang pamilyar na tawa.
"Anong meron at nandito kayo sa pamamahay ko?"
Nagulat ako nang makita si Dionysus, he is wearing a simple gray shirt with black pants. You will really think that he is a human because of his clothes, pero ang presensya niya ay malakas pa rin.
"Wala kaming pake sayo, ang concern namin ay ang mga creatures na nakita namin," pinag krus ni Sebastian ang braso habang nakatingin kay Dionysus.
Hinampas ko siya dahil nakalimutan na naman niyang gumalang, hindi niya ako pinansin at sinamaan pa ng tingin si Dionysus.
Imbis na magalit si Dionysus ay natawa pa siya. "Napaka ganda mo talagang magsalita, manang mana ka sa Ama mong demonyo."
"Alam ko."
Napailing nalang ako sa sagot niya, humakbang ako papalapit kaya napatingin siya sa akin. Ngumiti siya at tinaas ang braso para yakapin ako. Nakangiti ko namang tinanggap 'yon, minsan na ring bumisita si Dionysus sa Olympus at binibigyan niya ako ng mga libro na galing dito.
"Kumusta si Damon?" Tanong niya nang kumalas ako.
Ngumiti ako. "He is okay."
Pinakilala ko ang iba naming kasama, nahihiya pa sila nang banggitin ni Dionysus ang parents nila.
"Hindi kami pumunta rito para mag kamustahan-"
"Ano bang pinagsasabi mong creatures?" Dionysus cut Sebastian.
Ngumisi si Sebastian. "Hindi mo ako maloloko. Bakit meron kaming nakitang warewolf at vampire?"
Sumeryoso ang muka ni Dionysus nang marinig 'yon, nakita kong napalunok siya.
"Paano mo nalaman ang tungkol jan?"
"Alam ko ang lahat."
Dionysus laughed. "Sure ka? lahat?"
"Muka ba kong nakikipag biruan?" tinaasan siya ng kilay ni Sebastian.
Tumigil sa pagtawa si Dionysus at inirapan siya. "Sana ay hindi makuha ni Serenity ang attitude mo."
Sebastian smirked. "Sure ka?"
Mukang hindi na kinaya ni Dionysus ang ugali ni Sebastian kaya pinaupo niya muna kami. Ngayon ko lang nakita ang kabuuan ng bahay niya, sobrang laki! parang mansion, ang haba pa ng lamesa nila at puno ng prutas.
Binigyan niya kami ng isa isang baso, nilagyan niya 'yon ng wine. Pinanood namin siyang gawin 'yon hanggang sa matapos siya, nilapag niya ang wine sa tabi niya.
"Ano 'to?" kunot noong tanong ni Sebastian at uminom.Uminom ang lahat except sa akin, tinignan ko ang kulay pulang wine at inamoy.
"Soporific wine 'yan, ako ang gumawa!" nakangising sambit ni Dionysus.
Bago pa nila ma realize ang ininom nila ay nawalan na sila ng malay, napailing ako at pinag krus ang braso. Tinignan ko si Dionysus na tawa nang tawa habang tinitignan sila, natigilan lang siya nang makita akong gising.
Soporific wine ay isang sleeping pills. Alam ko na 'yon, nakalimutan niya atang binanggit niya sa akin 'yon dati.
"Akala ko naman ay nakalimutan mo na ;yon, ilang taon ka lang naman nung kinwento ko 'yon ah!" naka busangot ang muka niya.
Tumayo ako at nilapitan siya, tinignan ko muna ang mga kasama kung tulog na ba talaga sila.
"So.. bakit nag eexist ang vampire at warewolf dito?" Deretso kong tanong,Huminga siya ng malalim at sumandal sa kinauupuan.
"Vampires are made from magic.. and warewolves are also made from magic.."
"Magic? Ibig sabihin hindi lang sila dalawa?"
"They also have witches.."
Nanlaki ang mata ko. "So masasagot nila ang tungkol sa amin, tama ba?"
Umiling si Dionysus. "Wala silang alam sainyo.."
"So sinong mga witches ang gumawa-"
"They are dead."
-------------------------
BINABASA MO ANG
The Mighty Dawn
FantasyBook 3 of Greek Academy (OLYMPIAN SERIES #3) -- "Someone will come. A powerful one, who will change your belief in life. All of your rules will be gone, and it will change by your related one. An immoral and mighty will be on top, and the rest will...