"W-what do you mean?" nanginginig ang boses ni Bree nang magtanong.
Ngumisi si Sebastian at umupo sa sofa, pero hindi pa rin binibitawan ang tingin kay Bree.
"7 years ago when Ruby was born.. and my father is in human world to meet a Dionysus, and then he saw your mother.. Euryale."
"But Ruby has a power like Hades.." Bree whispered.
"Hindi mo ba na realize that they can give a power to a child?" Nakataas ang kilay ni Sebastian nang sabihin 'yon. "Medusa's wish is to asked a help to my father. Alam niyang hindi siya makakahingi ng tulong kay Zeus.. lalo na kay Poseidon. Binigay ni Euryale ang letter na sinulat ni Medusa para sa Ama ko, at naibigay naman ang gusto niya-"
"Kailangan may kinikilalang Ama si Ruby," nakita ko ang luha sa mata ni Bree. "Mag s-suffer siya paglaki niya.. pag nalaman niya ang lahat ng 'yon.. ang nangyari sa Mama niya-"
"At mag s-suffer din ang kapatid ko," tumayo si Sebastian at matalim na tinignan si Bree. "Kaya ba dinamay mo rin sila ni Damon?"
Napalunok si Bree at umiling. "Ilang beses ko bang sasabihin na alam ko ang tungkol sainyo?"
"Bakit hindi mo sabihin?" I asked, kaya napatingin siya sa akin.
Bumuntong hininga siya. "Hindi pa pwede.. i need to focus on Ruby." Tumingin siya kay Sebastian at nginisian. "I am sorry, but i don't care about your sister. Ruby needs to grow up having.. a father."
Hindi na nakasagot si Sebastian nang umalis si Bree para dumiretso sa kwarto niya, pagkasara ng kwarto niya ay tinignan ko ang mga kasama naming hindi makapaniwala sa nangyayari.
Sinundan ko ng tingin si Sebastian nang lumabas siya, huminga ako ng malalim at tinignan si Clay. Tumango siya sa akin at sinundan ang kaniyang kaibigan, ngumiti ng malungkot si Draven at Valerie sa akin.
Lumapit sa akin si Valerie at hinawakan ang kamay ko. "We will figure this out.. together."
Nakatitig lang ako sa kisame ng aking kwarto habang pinoproseso pa rin ang lahat.
Hindi ko alam kung naka akyat na si Draven at Valerie, nauna na rin akong umakyat pagtapos sabihin ni Valerie 'yon.
Huminga ako ng malalim at bumangon, hinawi ko ang kurtina at nakita ang buwan. Napatingin ako sa pistol na nakalagay sa bag ko, kinuha ko 'yon at binuksan ang bintana.
Tatalon na sana ako nang may naramdaman mula sa likuran ko, sumeryoso ang muka ko at dahan dahang humarap sa likuran.
"Ako lang 'to!"
Nakahinga ako nang maluwag nang makita si Draven, binuksan niya ang ilaw ng kwarto. Nagulat ako nang may hawak siyang tray, may pagkain 'yon at inangat niya pa sa akin para makita lalo.
"Oh, alam kong hindi ka pa kumakain!"
Nakalimutan ko na hindi nga pala ako nakakain, napangiti naman ako at kinuha ang tray. Kinuha niya ang maliit na lamesa, pagtapos ay pinatong ko ang tray doon. Umupo ako sa kama at tumabi naman siya sa akin.
"Hindi pa bumabalik sina Sebastian.."
Natigilan ako saglit, huminga ako ng malalim at sumubo ng pagkain.
"My Mom said about two of you is.. actually confusing. I mean, nakakalito naman talaga. Pero alam niya ang tungkol sainyo.. pero ayaw niya naman sabihin sa akin."
Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. "It's really confusing.."
He chuckled. "Alam mo pansin ko sayo.. hindi ka nag fofocus sa kapangyarihan na meron ka. Nag fofocus ka lang sa kakayahan mo."
Uminom muna ako ng tubig bago ko siya sinagot. "Sinabi ko naman sayo na masyadong magulo at.. hindi ko rin talaga alam kung saan sisimulan."
Napairap naman siya at pinag krus ang braso. "Hindi mo alam kasi hindi mo pa talaga ginagawa! Ano ka ba, paano pag nag end of the world na? paano kung ikaw pala ang magliligtas sa buong mundo?"
Napailing ako at natawa. "Impossible!"
"Alam mo namang grabeng tiwala ang binibigay sayo ng mga tao rito.."
Natahimik ako at hindi nakasagot.
"Chloe, you should also focus on yourself. Huwag palagi sa iba.. may mga bagay kasi na hindi mo na napagtutuunan ng pansin dahil nga.. sa iba ka naka focus."
Pagkatapos kong kumain ay si Draven na rin ang nag ligpit nang kinainan ko. Saktong pagsara niya ng pinto ay muli akong tumingin sa bintana para ituloy ang dapat na gagawin kanina.
Tinignan ko muna ang tatalunan ko, hindi naman ganon kataas kaya tumalon na ako. Dumiretso ako sa maraming puno, nag angat ako ng tingin at tinignan ang taas ng mga puno.
Wala ng mga estudyante rito, mahigpit na pinagbabawal na huwag nang lumabas ng ganitong oras.
"Anong problema mo?"
Muntikan na akong mapatalon sa gulat nang may nagsalita, nakita ko agad si Bree na naka upo sa itaas ng puno habang pinapaikot ang kutsilyo sa kamay.
Hindi ako sumagot at umakyat sa puno, umayos siya ng upo para bigyan ako ng space. Napangiti ako nang maka upo at tinignan siyang matulala sa buwan.
Nag iwas ako ng tingin at hindi nagsalita, hinayaan kong lamunin kami ng katahimikan habang hinahangin na ang buhok.
"I treated Ruby as my sister.."
Hindi ko siya nilingon nang magsalita, hinayaan ko lang siya.
"Gusto kong malaman kung.. ano ang pwedeng mangyari sa kaniya kapag.. nawala ako. Hindi ko alam kung magagabayan ko ba siya, kaya nandito ako para malaman ang tungkol kay Hades.. Hindi magiging maganda ang buhay niya kapag nalaman niya ang nangyari kay Medusa.. panigurado ay maghihiganti 'yon."
Tuluyan na akong napatingin sa kaniya, nakita kong may luha na ang kaniyang mata at napangiti siya.
"Kaya gusto kong may kilalanin siyang Ama.. 'yun din ang gustong mangyari ni Medusa, na kahit wala na siya.. meron pa ring titingin sa kaniya o magbabantay.. kaya nakiusap siya kay Hades, para ma protektahan niya ang sarili niya."
BINABASA MO ANG
The Mighty Dawn
FantasyBook 3 of Greek Academy (OLYMPIAN SERIES #3) -- "Someone will come. A powerful one, who will change your belief in life. All of your rules will be gone, and it will change by your related one. An immoral and mighty will be on top, and the rest will...