Chapter 12

74 5 0
                                    



"What? witches can't be dead-"

"Unless they are killed by an immortal God," seryosong sambit niya.

Hindi ako nakapagsalita at napaatras. Nag iwas ako ng tingin at nag isip ng malalim, isa o dalawang God lang ang alam kong makakagawa non. 

"Alam kong mahirap i process sayo ang mga nangyayari, Chloe. Pero wala ako sa posisyon para sabihin ang nalalaman, Zeus i mean- father, already told me na sasabihin niya sayo sa tamang oras."

Tumingin ako sa kaniya at dahan dahang tumango, ngumiti siya sa akin at sinenyasan na may kukunin lang siya.

Hinayaan ko lang siyang umalis at tinignan ang mga kasama. napako ang tingin ko kay Sebastian na halatang tulog na tulog na.

"Do you also know about this?" I whispered.

Nawala lang ang tingin ko sa kaniya nang marinig ang yapak ng paa ni Dionysus, nakita kong may hawak siyang dalawang bote. Kumunot ang noo ko nang makita ang laman, parang pamilyar.

"Pamilyar ba? eto ang pinapa-inom ni Marlon sainyo-"

"What? ikaw ang gumagawa? ibig sabihin may alak 'yan?"

Dionysus laughed. "Kaonti lang naman! Pampagana 'yon sa katawan niyo, alam kong hindi kayo nabigyan ni Marlon kaya pinaghandaan ko kayo," inabot niya sa akin ang dalawang bote.

"Bakit sa amin lang pinapainom 'to?"

Saglit siyang natigilan at agad ding ngumiti. "Hindi kakayanin ng katawan nila 'yan, para lamang sa mga immortal 'yan."

Matagal ko siyang tinitigan at dahan dahan ding tumango, tumawa siya at pinitik ang kamay. Hindi na ako nagulat nang may lumabas na mga lalaking naka suot ng tuxedo, marami sila at isa isang binuhat ang mga kasama ko.

"Matulog ka na, Chloe."

Nilapag ko ang mga dalang gamit nang makapasok sa kwarto, nilapag ko ang dalawang bote sa side table. Tinitigan ko 'yon at kinuha ang isa, binuksan ko at agad na ininom.

Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ang pait, naparami ata ang lagay niya ng alcohol! Binaba ko agad 'yon at tinakpan, napatingin ako sa sahig nang makitang may natapon na kaonti.

Kumunot ang noo ko nang makitang nag iiba ang kulay niya, napalunok ako nang makaramdam ng sakit ng ulo. Dahan dahan kong napaupo sa kama at hinawakan ang noo, pumikit ako ng mariin.

"Hindi nila pwede malaman ang tungkol doon!"

"At ano namang gagawin mo? Magiging matalino sila kagaya natin, huwag kang tanga mag isip."

"Ako lang. Ang mga anak mo ay magiging demonyo katulad mo."

Sumilip ako sa kwarto ni Dad nang marinig ang boses ni Hades. Nakita ko siyang naka-upo sa sofa habang may hawak na wine, habang si Dad naman ay parang namomroblema.

"This is why i can't have children on my own, mahihirapan siya kapag dumating ang araw na mahahawakan niya ang kapangyarihan niya-"


"Ang sabihin mo lang, natatakot ka," tumayo si Hades at sinalubong ang tingin ni Dad. "You can't admit that you are like Cronus, huh? He was scared when he learned that all of us is his destruction... just like you," bulong niya.

Tinulak niya si Hades kaya natawa siya, napailing at uminom ng wine. 

"Hindi.. i can't be like him."

"Pero nangyayari na, Zeus."

Galit na tinignan ni Zeus ang kapatid. "At sa tingin mo hindi ko rin alam na gusto mong ipaampon sa iba si Sebastian? gusto mo ikaw lang ang naiiba sa atin-"

"Oo, inaamin ko 'yon. Pero na realize ko na kakailanganin ko rin si Sebastian, ikaw hindi mo naisip 'yon dahil natatakot kang maangatan ng anak mo."

Napatalon ako nang kumidlat, kitang kita ko na gustong suntukin ni Dad si Hades pero pinipigilan niya lang ang sarili niya.

"So anong balak mo?" Hades asked.

Huminga ng malalim si Dad at sumeryoso ang muka. "We will kill those witches."

Saglit na tumahimik si Hades at agad ding tumawa ng mala demonyo. "Okay ka lang? Hecate will despise you."

"She already despise me, shut up."

"Chloe?"

Kumalabog ang dibdib ko nang marinig ang boses ni Hera, seryoso ang muka niya habang nakatingin sa akin. Mas lalo akong kinabhan nang bumukas ang pintuan, dahan dahan akong nag angat ng tingin kay Dad.

Pinapasok nila ako sa kwarto, tumingin ako kay Hades at nginisian niya ako.

"You are already 9 years old, right?" Nakangising tanong niya.

"Y-yes po," yumuko ako.

Binaba niya ang wine niya at nilapitan ako, lumuhod siya para maka level ako. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinignan ng deretso sa mata.

"You will forgot everything that you heard, okay? you will remember that Hera called you to greet me, and that's all.."

Hindi ko alam kung bakit ako nakakatitig sa kaniyang mata at dahan dahang tumango, hindi ako nakagalaw nang nilapit niya ang muka para malapitan ang tenga ko.

"However, you will remember this when Dionysus gave you that drink.."

Tinignan ko ang bintana habang pinapanood na umagos ang ulan, madilim din ang paligid at may mga nagliliparan ng dahon dahil sa lakas ng hangin.

Hindi ko alam kung anong oras na at ngayon lang ako nagising, inayos ko muna ang sarili at nagpasya na bumaba na para mag almusal.

Pagkababa ko ay naabutan ko na silang kumakain lahat, napatingin sila sa akin at natigilan. Dumiretso ang tingin ko kay Dionysus na seryoso ang tingin sa akin, unti unti akong ngumiti at tumabi sa tabi niya.

"Are you okay?" Agad niyang tanong.

I laughed. "Why? may nangyari ba?"

Saglit siyang napatitig sa akin at dahan dahan ding tumango. "Nangangamusta lang naman."

Hindi ko na siya pinansin at kinuha ang tasa ng kape, aksidente akong napatingin kay Sebastian na alam kong kanina pa ako pinagmamasdan. Tinaas ko ang tasa sa kaniya at ininom 'yon, nag iwas ako ng tingin at binaba na ang kape.

"So, anong balak niyo?" Dionysus asked.

"Who's the original vampire? alam kong meron, gusto ko siyang makausap," walang emosyong sambit ni Sebastian.

Huminga ng malalim si Dionysus. "Hindi ganon kadali, Sebastian-"

"Hindi madali? akala mo lang 'yon. So sino?"

Sinamaan ng tingin ni Dionysus si Sebastian at inirapan siya, pinanood namin siyang tumayo at sinenyasan si Sebastian na sumunod sa kaniya.

"Something's off, are you really okay Chloe?"

Napatingin ako kay Valerie at ngumiti. "Oo nga, okay lang ako."

Mukang hindi pa rin siya nakumbinsi pero tumango nalang siya.

Pagkalabas namin ay sobrang lakas pa rin ng ulan, nandito kami sa likod ng bahay ni Dionysus. Tinignan ko ang kabuuan, nakita ko agad ang mga nagsisi taasang puno na halos magsiliparan na.

"What's wrong with weather?" Clay asked.

Hindi ko siya nilingon at naglakad para tuluyang mabasa ng ulan, tinawag nila ang pangalan ko pero hindi ko sila nilingon.

Tatakbo na sana ako nang may humawak sa kamay ko, inis kong nilingon kung sino 'yon. Nagulat ako nang makita si Sebastian na basang basa na rin, tinignan ko ang likuran niya at nakitang nagsisi takbuhan na ang mga kasama namin patungo sa direksyon namin.

"Anong ginagawa mo?!"

Malakas kong hinawi ang kamay niya na kinagulat niya, walang emosyon ko siyang tinignan at dahan dahang umatras. Nag angat ako sa langit at pinikit ang mga mata, sinalubong ang mga pumapatak na ulan.

Naramdaman ko ang gulat nila ng kumidlat, ngumisi ako at nagmulat. Tinignan ko sila isa isa, lahat sila ay naguguluhan na nakatingin sa akin.

"I called them, start your training now," nakangisi kong sambit.

Magsasalita pa sana si Draven nang makitang may papalapit sa amin na sampung lalaki, tinignan ko ang mga mata nila at ang kamay nilang humaba ang kuko.

"What do you mean you call them?" Seryosong tanong ni Bree.

Pinagkrus ko ang braso at ngumisi ng malaki. "I killed their alpha, sapat na 'yon para galitin ang mga bampira."

"Chloe you can't do that.." naguguluhang sambit ni Clay. "Unless-"

"You turn off your humanity?" Seryosong tanong ni Sebastian.

Matagal akong tumitig sa kaniyang mga mata at tumawa ng mala demonyo.

----------------------



The Mighty DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon