"She is just asking us, wala namang mali ron!""What if she is just pretending? jusko naman! Pag ako tama-"
"Oh ano? Sige pustahan tayo rito!"
Napasapo nalang ako sa noo habang pinapanood na magtalo si Valerie at Clay. Pinag uusapan nila si Mrs. Santos, masyado raw suspicious yung ginawa niya noong nakaraang araw.
Wala akong naramdaman mula sa kaniya, kaya naman hindi ko siya pinagdududahan. She actually apologize for being rude to us, kaya bigla syang naging mabait sa amin.
"What if nililinlang tayo?"
"What if sapakin ko muka mo?" Umamba ng suntok si Valerie.
"That's enough, kids."
Natahimik sila nang magsalita ako, ngumuso ang dalawa at tinalikuran ang isa't isa na parang bata.
"It's 8pm, nakapag ready na ba kayo?" Sebastian asked while cleaning his knife.
Chineck ko ang mga dadalhin ko, mga kutsilyo lang naman ang dala ko. Tsaka sarili, kelangan namin maging handa sa kung ano mang mangyayari.
Lahat kami ay napatingin sa pintuan nang bumukas 'yon, hinagis ni Zander ang susi kay Sebastian. At pinasa naman ni Sebastian ang susi kay Clay kaya kumunot ang noo niya.
"Ayokong mag drive!"
"Ayaw mo? Gusto mo bang ilublob ko muka mo-"
"Joke lang pre, eto naman hindi mabiro," napakamot sa ulo si Clay.
Inirapan siya ni Sebastian at muling lumingon kay Zander, isa isa naman niya kaming tinignan.
"Sure ba kayo? Kayo lang talaga? Pwede naman akong-"
"Sige, sumama ka na." Bree answered. "It's better na may taga gamot tayo."
Bumuntong hininga si Zander, parang nagsisi na tinanong niya pa 'yon.
"Sure ka ha? Sasama ka." Sebastian smirked.
Pilit na tumawa si Zander, mukang kinakabhan. Sa pagkakaalam ko ay wala syang alam sa pakikipag laban, kaya ramdam ko ang takot niya.
"Don't worry, i'll give you protection. Come here," sinenyasan siya ni Valerie na lumapit sa kaniya.
Nang makalapit ay hinawakan niya ang kamay nito, pumikit at may binubulong. Hinayaan ko muna sila at dumiretso sa kwarto para i check kung may naiwan ba.
Kumunot ang noo ko nang makita ang libro sa kama, nilibot ko ang paningin ko at nilapitan 'yon.
"Sorry, naiwan ko pala jan."
Lumingon ako sa likuran nang marinig ang boses ni Sebastian, bumuntong hininga ako at hinagis 'yon sa kaniya.
Nilagay niya 'yon sa ilalim ng jacket niya, nilibot niya ang paningin niya sa kwarto ko.
"Aalis na tayo!"
Narinig na namin ang boses ni Draven kaya naman nagkatinginan kami, huminga ako ng malalim at pinatay na ang ilaw sa kwarto.
Habang nagdadrive, wala na kaming nakikitang mga tao. Anong oras na rin kasi, panigurado ay natutulog na sila.
Napalingon ako sa katabi kong may sinusulat na naman sa isang notebook, pinag krus ko ang braso ko at tinignan ang nakasulat.
If you can't figure out your powers, you need to learn how to fight. We are not born just to use our powers....
"It's for Serenity."
BINABASA MO ANG
The Mighty Dawn
FantasyBook 3 of Greek Academy (OLYMPIAN SERIES #3) -- "Someone will come. A powerful one, who will change your belief in life. All of your rules will be gone, and it will change by your related one. An immoral and mighty will be on top, and the rest will...