Chapter V

1K 75 20
                                    

Lian POV

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon ni Cassandra sa hallway at panay naman ang kulit nito sa 'kin kung paano ko ba raw nagawang sagutan yung mga tinanong ng terror teacher namin. Eh mas hate ko naman daw ang subject na 'yon kaysa sa kanya.

Nginingitian ko na lamang siya bilang tugon.

"Susunduin ka ba?" sa halip ay tanong ko.

Kumunot naman ang noo niya. "Nauntog ka ba best? Hindi ako sinusundo." natawa pa siya ng bahagya.

Napahimas tuloy ako sa batok ko at alanganin na ngumiti.

Kung alam niya lang...

Bigla kaming napatigil sa paglalakad nang may tumikhim sa aming harapan. Lihim naman akong napasinghap nang makitang si Miss Herzon ang taong huminto sa tapat namin.

"We need to prepare about the quiz bee. I really don't want you to be my partner but I have no choice. Hindi ko ugaling magpatalo."

Hindi ko mapilan mapanguso sa loob-loob ko sa sinabi nito.

Grabe naman siya! Straight to the point na ayaw niya 'kong maging partner sa quiz bee.

Ang sungit naman!

"Gotta go best. Text me when you're home ah? Take care." hinalikan muna ako ni Cassandra sa pisngi at iniwan na kaming dalawa ni sungit este Miss Herzon.

Napatingin muli ako dito at nakitang nakataas na naman ang kilay nito.

Lihim tuloy akong napalunok ng todo.

"We're going to my house. Call your parents and tell them we have to study." masungit nitong sambit at tumalikod na saka tumungo sa parking lot.

Napakamot naman ako sa kilay ko at buntong hiningang sumunod na lamang sa kanya.

Paano ko sila tatawagan, eh hindi ko nga alam ang number nila. Haist!

Habang nasa likuran lang ako nito ay lihim ko naman itong pinagmamasdan at hindi mapigilan mag-isip. Nakilala ko na pala yung dalawa kanina. Troy at Maxene ang pangalan nila, pero yung name nung lalaking walang imik at si Miss Herzon na masungit pala ay hindi ko pa alam.

Bigla itong tumigil sa isang magarang sasakyan kaya napahinto rin ako sa paglalakad.

Wow! May taste naman pala sa pagpili ng kotse itong si sungit.

Tumunog 'yon at akma na siyang papasok nang makita niya pa rin akong nanatiling nakatayo sa likuran ng kotse niya.

Muli na namang tumaas ang kilay nito.

Confirmed! Mataray at masungit nga talaga!

"Ano pang ginagawa mo dyan?" iritable niyang tanong.

Napahimas naman ako sa batok ko at ngumiwi. "Nagpahatid lang ako kay Al--este Ate Alexandra kanina."

Napahinga ito ng malalim at saglit na nakipagtitigan sa mga mata ko bago nito ituro ang passenger seat ng sasakyan niya.

"Then get in, sumabay ka na." masungit niyang sambit na ikinatigil ko saglit.

Narinig ko namang napasinghap sa gulat ang mga estudyanteng nanonood ngayon sa amin.

Seryoso? Ba't ba lagi silang nagugulat?

Ngunit agad naman akong sumakay sa kotse niya at baka bumuga nalang bigla ng apoy ang masungit. Walang imik na rin itong sumakay sa driver seat at pinaandar na ang sasakyan.

Hindi ko pa chine-check ng mabuti ang bag ni Kaiden kaya para iwas awkwardness ay binuksan ko 'yon.

Lumiwanag naman ang mukha ko nang makita ang cellphone niya. Dali-dali ko itong binuksan at mabuti nalang din ay wala itong password.

You're really something (GirlxGirl) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon