Chapter XIV

132 32 0
                                    

Lian POV

Agad akong nagtungo sa rooftop nang itanong ko sa isang concierge kung pwedeng pumunta doon at pwede naman daw.

Malamig at malakas na hangin ang sumalubong sa 'kin pag-akyat ko. Sinara ko muli ang pinto ngunit hindi ko naman nilock.

Hindi ko mapigilan magpakawala ng malalim na hininga habang naglalakad patungo sa harapan.

Ang sarap pagmasdan ngayon ng mga bituin na nagniningning sa kalangitan maging ang nagliliwanag na buwan. Kay sarap din sa pakiramdam ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking balat.

Marahan kong nilinga ang tingin sa paligid at napagtantong ako lamang ang naririto ngayon. May dalawang parasol na nakatupi at may apat na bakal na upuan malapit lamang sa kinatatayuan ko.

At tutal hindi naman ako takot sa heights ay napagpasyahan kong umakyat at umupo sa dulong bahagi ng rooftop.

Ibinaba ko ang tingin at pinagmasdan ang mga natatanaw kong sasakyan maging ang mga taong tila langgam sa aking paningin.

Tahimik lamang akong dinadama ang lamig ng simoy ng hangin nang bigla kong marinig ang pagbukas ng pinto. Hindi ko na sana papansinin baka ibang tao lang at gusto rin lang makalanghap ng sariwang hangin ngunit...

"What the heck, Montefalco!? You might fall!"

Hindi ko mapigilan mapangiti nang mahimigan ko ang takot at pag-aalala sa tinig na 'yon.

Kung alam niya lang...

Nahulog na nga ako eh. Hindi man literal ngunit mas matindi ang resulta ng pagkakahulog ko sa kanya kaysa ang mahulog at bumagsak ng literal.

"Hindi naman ako aakyat at uupo kung hindi ko kaya sungit." natatawang sambit ko at dahan-dahang lumingon sa kanya.

Pinigilan ko agad ang sarili na matulala sa gandang taglay niya nang makita ko muli ang kabuuan nito.

"Gusto mo iakyat din kita?" nakangiting pag-aya ko dito at agaran naman siyang umiling bilang tugon.

Grabe. Ang ganda na nga, ang cute pa!

Bigla itong umirap at pinagmasdan lamang akong bumaba. Naglakad ako patungo sa direksyon nito at agad namang bumalatay ang pag-aalala sa mukha ko nang makitang nilalamig ito sa suot nitong backless dress.

"Ano bang ginagawa mo rito? Tingnan mo tuloy, nilalamig ka at baka mahamugan ka pa niyan sige ka."

Mabuti na lamang ay pinili kong magsuot ng white long-sleeved polo at pinatungan ko rin naman ng blazer.

Nang tuluyan akong makalapit sa kinaroroonan niya ay saka ko pinasuot ang blazer sa kanya na hindi naman niya tinutulan.

Pagkuwa'y naglakad siya patungo sa mga upuan at akma ko namang ibubukadkad ang isang parasol nang umiling ito ng dalawang beses. Hindi ko nalang binukadkad pa.

"Akala ko ba magkaibigan na tayo?" maya-maya'y tanong niya matapos ang ilang sandaling katahimikan.

Umupo naman ako sa isang silya. "O-oo naman. Bakit?"

But instead of answering, she motioned for me to come closer.

"Come here. Sit beside me." nag-alangan pa 'ko pero lumapit rin naman. Umupo ako sa tabing upuan na katabi ang upuan na kinauupuan niya.

Pinagmasdan ko itong mapahinga malalim at ngumiti ng marahan sa akin.

"I'm not really the type of person who always shows affection, Montefalco..."

Napaayos ako ng upo sa panimula nito at tila may nais siyang ikwento sa paraan ng pagsasalita niya. Mataman ko tuloy siyang tinitigan ngunit iniwas niya ang tingin sa akin at binaling sa kalangitan ang pansin.

You're really something (GirlxGirl) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon