Lian POV
Napasandal ako sa kinauupuan na swivel chair at pagkuwa'y napahinga ng malalim. Mag-aalas kwatro na ng hapon at alas singko naman magkikita sina Javier at sungit.
Gusto ko nalang tuloy manood ng movie kaysa matuloy ang date nila na ako mismo ang nakaisip. Haist!
Nag-aya naman kanina mag-shopping sina Grandma at Mom pero tumanggi ako at sinabing mag-eensayo na 'ko sa darating na sports fest training this coming week.
Ngunit ang totoo ay kakausapin ko si Javier ngayong hapon at magiging tulay ako para magkabalikan na sila ni sungit.
Grabe 'diba? Match maker na match maker ang datingan self huh? Tsk!
Ang alam tuloy nila Mom ay wala ako sa mansyon at nasa university. Dinahilan ko lang na doon ko gustong mag-ensayo.
Nag-teleport kasi ako nang makalayo-layo sa sakop ng lugar ng family ni Kaiden saka ko tinago muna ang sasakyan ko sa mini mansion.
May date naman ngayon sina Elena at Mara. Namimiss ko na rin ang babaeng 'yon, pero mas mabuting hindi na muna ako magpakita since naroon naman si Mikaela na nagpapanggap na ako at saka mukhang mas kailangan naman ni Elena na solohin si Mara eh.
Hay. Sana lahat! Huhu
Walang gana akong tumungo ng banyo at muling naligo. Nagbabad muna 'ko ng halos tatlumpung minuto. Hindi na 'ko nag-ayos ng bongga, uuwi rin naman agad ako pagkatapos. Simpleng t-shirt at maong shorts lamang ang sinuot ko na pinaresan ko ng kulay puting sapatos.
Tanging phone at limang libo lang ang dala ko. Yung perang ito ay binigay nila Mom.
Linggo-linggo nga ay tatlumpung libo ang allowance ni Kaiden! Nakakaloka! Kaya ang dami-dami niyang damit eh.
Agad na 'kong nag-teleport sa tagong parte ng park na malapit sa Wesren Univiersity. Mas malawak ang parke na ito kumpara sa tambayan namin ni Mara. May mga vendor din ng street foods, palamig at kung ano-ano pa.
Naglakad ako patungo sa malapit na coffee shop. Kumaway naman agad si Javier nang makita ako. Ngumiti lang ako ng tipid at lumapit sa kinaroroonan nito.
Akmang ipaghihila niya 'ko ng upuan ngunit umiling ako't pinigilan siya. Walang nagawa siyang umupo muli sa kinauupuan niya.
"What do you want to eat?"
Gaya noong una ko siyang nakita ay nakangiti ito ng malapad. Marami rin siyang fans sa university at may nahihimatay pa nga sa ngiti niya.
Mabait naman si Javier eh, kaya nga siguro gusto rin siya ni Alexandra at mahal pa rin siya ni sungit...
"Thanks but I ate already." tugon ko sa tanong nito.
Alas singko nga dapat sila magkikita ni sungit ngunit sa tagal kong pumunta dito ay umabot na ng alas singko kaya mas mainam na diretsuhin ko na siya.
Akmang magsasalita siya nang umiling ako't muling nagsalita. "Sa labas nalang tayo mag-usap. Sa park."
Walang pagdadalawang isip siyang tumango at nag-iwan ng pera sa mesa saka tumayo.
Ang lakas din pala ni Kaiden sa kanya. Agad itong sumusunod ng walang pagtutol. Ngunit hindi ko pa rin maintindihan kung bakit parang ginagamit niya ito laban kay sungit.
Ano nga ba ang dahilan kung bakit may lihim siyang galit kay sungit? Kasi hindi naman magiging sila ni Javier ayon kina Elena.
So...bakit?
"Javier." pagtawag ko sa pangalan niya.
Huminto kami malapit sa wood bench. Medyo marami-rami na ang mga taong naririto sa parke at halos lahat ay nagkakasiyahan.
BINABASA MO ANG
You're really something (GirlxGirl) | COMPLETED
Fantasía"Gusto ko ng tanggapin na wala na talaga. Ang kaso, sa presensya palang niya ay nagwawala na ang puso ko't umaasa." - Weirdo "You're confusing me, Montefalco." - Sungit --- This is a girl to girl story everyone. I hope y'all like it. Enjoy reading...