Lian POV
Pinaghalong kulay dilaw at kahel na ang kalangitan habang papalubog na ang araw at nagsisiliparan na ang mga ibon patungo sa kani-kanilang tahanan.
Malamig ang sariwang hangin na dumadampi sa aking balat habang nakatitig sa aking katabi na tila anghel at dyosa ng kagandahan.
Pinasuot ko sa kanya ang leather jacket ko maging ang blanket na laging dala-dala ko sa kotse ay nakabalot sa kanya.
Pinagmasdan ko itong sumimsim sa ginawa kong cheesecake milktea. She really loves cheesecake dahil kahit ano pang pagkain 'yan basta cheesecake flavor ay ayos na ayos sa kanya.
Ibang klase...mahal ko nga talaga.
"Hindi ba 'ko matutunaw sa titig mo?" nakangiting tanong niya at bumaling ang tingin sa akin.
Pinamulahan naman ako at mabilis na umiwas ng tingin. Nakagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang pagngiti.
Ang bilis ko talagang kiligin! Kahit ngiti niya lang ay dinadaga na ang puso ko.
"S-sorry?" patanong na paumanhin ko.
Natawa siya ng bahagya sa tinugon ko. Kaya naman muling bumaling ang tingin ko sa kanya at nasilayan muli ang kagandahan nito.
Bigla ko tuloy gustong yakapin ang puso ko at bulungan.
Salamat at nagpapana ka kay kupido dahil kung hindi ka nahulog sa magandang babaeng 'to ay hindi ko matututuhan ang lahat-lahat ng bagay tungkol sa pag-ibig.
Masarap naman magmahal kahit hindi ka mahal ng taong minamahal mo eh. Kasi para sa 'kin...kahit nasasaktan ako't lumuluha ay hindi ko pinagsisisihan na hinayaan ko ang puso ko na tuluyang malunod sa pagmamahal ko sa kanya.
Alam naman natin ang nagagawa ng pag-ibig hindi ba?
Handa nating gawin ang lahat-lahat para sa minamahal kahit tayo pa ang madurog at masaktan ng lubusan.
"Sungit...can I hold your hand?" paalam ko sa kanya.
Ngumiti pa rin ako nang hindi siya sumagot.
"Ayos lang---"
Siya na mismo ang humawak sa kamay ko. Bahagya pa 'kong nagulat ngunit napangiti muli ako saka ko tinitigan ang mga kamay namin at marahan na pinagsalikop.
Huminga muna ako ng malalim at muling tumingin sa kanya.
"Are you okay? These past few days I feel like you have a problem..." bakas ngayon sa boses nito ang pag-aalala.
Lumapit pa 'ko sa kanya at maingat na hinapit siya. Ang kanang kamay ko ang pumalit sa kaliwang kamay ko na nakasalikop sa kamay niya kanina.
Wala akong narinig na pagtutol sa kanya bagkus ay hinilig niya agad ang ulo sa balikat ko.
I can't help but to kissed her head. Pinikit ko ang mga mata at inalis muna lahat ng iniisip ko.
"You're making me worry, weirdo." aniya at inangat muli ang tingin sa 'kin.
Ngumiti ako at hinalikan naman ngayon ang noo niya.
"Wala kang dapat ipag-alala, sungit. Ayos lang ako..." tugon ko.
Nagtama ang mga mata namin at halos walang kurap kaming nakatitig ngayon sa isa't isa.
Unti-unting lumabo ang paligid at tanging siya lamang ang nakikita ko.
Dumadagundong sa aking mga tenga ang malakas at mabilis na tibok ng puso ko. Tila nawala lahat ng mga pinoproblema ko at siya lamang ang naiisip ko sa mga oras na ito.
BINABASA MO ANG
You're really something (GirlxGirl) | COMPLETED
Fantasy"Gusto ko ng tanggapin na wala na talaga. Ang kaso, sa presensya palang niya ay nagwawala na ang puso ko't umaasa." - Weirdo "You're confusing me, Montefalco." - Sungit --- This is a girl to girl story everyone. I hope y'all like it. Enjoy reading...