Lian POV
Nangalumbaba ako't pinagmasdan ang mga tao sa transparent wall ng jollibee. Kasalukuyan kong hinihintay ngayon ang dalawa at dito ko na lamang naisipan na magpalipas ng oras.
Namimili kasi sina Mikaela at Elena ng susuotin sa mangyayaring date nila kasama sina Mara at Alexandra. At pagkatapos naman nila ay pupunta naman kami ng jewelry shop. Bukas ko nalang pupuntahan si Jasmine dahil nag-aya nga itong dalawa.
Bago ako tumungo rito ay kinamusta ko muna sina Angela kanina. Nasa trabaho ang Mama niya kaya siya lang mag-isa ngayon sa unit nila.
'Tapos si sungit naman wala pa kaming isang oras na magkalayo ay nagtext agad ito sa akin.
Ngunit hindi ko maintindihan ang text nito...
From: Sungit❣️
Just go home immediately 'pag tapos niyong magkita ng Jasmine na 'yan, weirdo. Delikado ng magpagabi, alright? Don't get home late. Update me agad kapag nasa mansion ka na. And please, can you make that Jasmine stop calling you babe? Hindi bagay. It's so cringy and she sounds like your girlfriend who misses you so much the way she wants to see you. Ghad. So clingy. Tsk. So please? Get home immediately.
Sa haba po ng sinabi niya hindi ko na maintindihan basta alam ko pinapauwi niya ako ng maaga kasi delikado raw?
Hay nako. Kung alam lang niya. Baka kamo sa akin pa makaramdam ng takot ang karamihan.
To: Sungit❣️
Opo, uuwi agad ako. No need to worry, sungit. And hayaan na natin si Jasmine na tawagin ako non. Wala naman malisya 'yon para sa akin.
Ngayon ko lang naisipan replyan ito kasi talagang inintindi ko yung message niya tapos nawala saglit sa isip ko na replyan siya lalo na't kasama ko sina Mikaela.
Wala pa mang isang minuto ay nakareceive agad ako ng reply dito.
From: Sungit❣️
Gustong-gusto mo naman?
Napakunot ang noo ko at nagreply din dito. Ano raw?
To: Sungit❣️
Ang alin?
Nawala saglit ang atensyon ko sa cellphone nang ilapag ng crew ang inorder kong simpleng meal habang naghihintay sa dalawa. Nagpasalamat naman ako dito na ikinangiti nito bago magpaalam.
Muli ko naman binaling ang pansin sa hawak nang marinig na tumunog ito.
From: Sungit❣️
The way she call you babe! Just do what I say, weirdo. Make her stop calling you that endearment. May pangalan ka, doon ka niya tawagin. No more arguing.
Bago pa ko makapagreply sa kanya ay nagtext na naman ito.
From: Sungit❣️
Saan ka ngayon? Are you still with her?
Napakamot naman ako sa kilay ko. Dapat ko bang sabihin na hindi naman din ako natuloy na makipagkita kay Jasmine?
To: Sungit❣️
Sa jabee.
Napakurap-kurap naman ako nang wala man lang limang segundo ang paglitaw ng reply niya. Ang bilis naman yata niya at tila tutok na tutok sya ngayon sa cellphone niya?
From: Sungit❣️
Jabee what? You mean you're in the restaurant? And you're eating with her? Are you seriously having a date with her? Akala ko ba gusto ka lang niyang makita? Pero talagang naisipan niyo pang gumala? Tsk.
BINABASA MO ANG
You're really something (GirlxGirl) | COMPLETED
Fantasy"Gusto ko ng tanggapin na wala na talaga. Ang kaso, sa presensya palang niya ay nagwawala na ang puso ko't umaasa." - Weirdo "You're confusing me, Montefalco." - Sungit --- This is a girl to girl story everyone. I hope y'all like it. Enjoy reading...