Lian POV
Natawa ng bahagya si Crystal sa naging reaksyon ko at hindi ko naman magawang makapagsalita muli nang pisilin nito ang magkabilang pisngi ko.
"Ang cute mo talaga kapag nagrereact." sambit niya at hinila ako palapit sa kanya.
"Yes, babae ang fiancé ko. Ubod siya ng arte, sa totoo lang. Hmp." mahinang bulong niya at lumabi.
Wala na 'kong nasabi pa nang hilahin niya na rin ako palapit sa table nina sungit...
"Anong ginagawa mo rito?" mataray na tanong ni Kim.
Pinisil ko tuloy ng bahagya ang pisngi nito. "Kim! Grabe! Ang swerte mo naman!"
Narinig ko naman ang pagtawa ni Crystal. "Am I a blessing?" tanong nito na ikinalingon ko naman sa kanya.
"Oo naman! At saka complete package ka na kaya. Kung ikaw ba naman ang biyaya na matatanggap ko, nunkang magrereklamo pa 'ko. Baka nga magpa-fiesta pa 'ko sa tuwa eh!" nakangiting tugon ko rito.
Namula siya at nakagat ang ibabang labi at pagkuwa'y hinampas na naman ng mahina ang braso ko.
"Tantanan mo na nga ako sa pambobola mo at baka mapasabi nalang ako na sana ay ikaw nalang ang naging fiancé ko."
Taliwas ang naging reaksyon ko sa mga narito na napasinghap at gulat na gulat. Maging sina Abby ay hindi makapaniwala sa narinig.
"Pwede naman. Agawin nalang kaya kita?" pagbibiro ko dito at agad naman akong natawa nang mapansin kong dumilim ang mukha ni Kim.
'Yun oh! Indenial na selosa spotted ahaha.
"Let's go." biglang tumayo si Kim at hinawakan sa pulsuhan si Crystal at bahagya pang nilayo mula sa akin.
"Nagseselos na." I wiggled my eyebrows habang nakangiti ng nanunukso.
"Nagseselos? Ako?" ani Kim at tinuro pa ang sarili.
"Wala akong sinabing ikaw." natatawang depensa ko nang sumama pa ang tingin nito sa akin.
Narinig ko rin ang pagtawa ni Crystal ngunit bigla itong tumingkayad sabay halik sa pisngi ko.
Waaahhh! Yung crush ko hinalikan ang pisngi ko! Dating crush pala hehe ahaha.
"Sira ulo ka." sambit nito na pareho naming ikinatawa hanggang sa ngumiti siya at pinagsalikop ang mga kamay nila ng kanyang mapapangasawa. "I'm still thankful that this woman is my fiancé. Kahit mahirap siyang timplahin. Anyway, bukas ah? Alas diyes ng umaga at sa entrance ng university ang meet-up. Nice meeting you, cutie." saad nito at pinisil pa ang pisngi ko sabay kindat na ikinangiti ko naman.
Siya na rin ang humila kay Kim na lukot na lukot ngayon ang mukha kaya hindi ko mapigilan matawa habang tumatango.
"Ingat!" sambit ko nalang at saglit ko pa silang sinundan ng tingin bago nangingiting bumaling kina sungit.
Ngunit agad nawala ang ngiti ko nang makitang sobrang talim ng tingin nito sa 'kin.
Napalunok tuloy ako. Lechugas. Bakit na naman ba? Huhu
"T-teka lang. Hindi ko magets. Fiancé ni Kim yung babae?" bakas ang pagtataka sa boses ni Cassandra at napahawak pa sa noo.
Tumango naman ako bilang tugon sa kanya. "Oo."
"Grabe. 'Di ko expect na baliko pala si Kim. But anyway, bagay naman sila." komento naman Maxene at nagkibit-balikat.
"Bakit kasama mo pala yung fiancé ni Kim? Si Crystal?" agaw pansin sa akin ni Paula kaya nabaling naman ang tingin ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
You're really something (GirlxGirl) | COMPLETED
Fantasia"Gusto ko ng tanggapin na wala na talaga. Ang kaso, sa presensya palang niya ay nagwawala na ang puso ko't umaasa." - Weirdo "You're confusing me, Montefalco." - Sungit --- This is a girl to girl story everyone. I hope y'all like it. Enjoy reading...