Lian POV
Mahina akong napadaing nang magising ako't maramdaman ang malamig na sahig matapos lumikha ng malakas na kalabog ang paglaglag ko mula sa kama.
Nagpagulong-gulong tuloy ako at pinigilan ng mapadaing ng malakas.
Aray ko po!
Kinagat ko nalang ang ibabang labi at ininda na lamang ang kirot sa likod ko.
"Princess?! What happened?!" dinig kong sigaw mula sa labas ng kwarto na ikinalaki ng mga mata ko.
Oo nga pala! Nasa mansyon na pala ako!
Agad akong napatayo at tuluyan ng nagising ang diwa ko.
Huminga muna ako ng malalim at pinakalma ang sarili bago dahan-dahang binuksan ang pinto.
Agad namang bumungad sa paningin ko ang mga nag-aalalang mukha ng pamilya ni Kaiden.
Napahimas tuloy ako sa batok ko at nahihiyang ngumiti.
"U-uhm...ayos lang po ako." untag ko at parang nakahinga naman sila ng maluwag.
Nagulat ako nang pumasok bigla sa kwarto ang Ate Alexandra ni Kaiden.
"Akala namin napano ka na. May narinig kasi kaming kalabog eh. Bababa na ulit kami ah? Mag-aagahan na tayo." sabi nung Kuya Alexander ni Kaiden.
Muntik pa 'kong mapaiwas nang halikan ako sa pisngi nung Grandmother ni Kaiden.
Ngumiti nalang ako ng bahagya sa kanila. Gusto kong mapasimangot nang ginulo naman ng Dad, Kuya at Grandfather ni Kaiden ang magulong buhok ko.
Ano ba naman 'yan. Geez!
"Good morning, baby!" pinugpog naman ako ng halik sa pisngi ng Mommy Sandra ni Kaiden at sabay-sabay na silang umalis sa tapat ng kwarto.
Lihim akong napahinga ng malalim ngunit bahagya akong napapitlag sa gulat nang maramdaman ang malambot na bagay na dumampi muli sa pisngi ko.
"Good morning, baby." malambing na bati ni A-alexandra na ikinabaling tuloy ng atensyon ko sa kanya.
Whew! Ang awkward sa akin na tawagin siyang Ate, kaya sa pangalan ko nalang siya tatawagin. Bahala na!
Sinundan ko ito ng tingin at nakitang hinahanda niya ang uniform ni Kaiden. I mean, uniform ko na...
Umayos ka Lian! Huwag kang papahalata!
"G-good morning po." bati ko na rin dito at palagay ko'y namumula na ang pisngi ko sa hiya.
Paniguradong sabog-sabog ang buhok ko at mukhang pinaglalamayan na.
Lechugas! Huhu
Nakagat ko muli ang ibabang labi nang tumawa ng bahagya si Alexandra at pinisil nito ng bahagya ang pisngi ko.
"You're being adorable, baby. Oh siya, maligo at mag-ayos ka na. Nandito sina Tito Fernan."
Kumunot naman ang noo ko at nagtataka na itong tiningnan.
Tito Fernan who?
Ngunit napakurap-kurap ako nang halikan muli nito ang pisngi ko at nanggigigil muna 'kong niyakap bago ako nito itinulak ng bahagya papasok ng banyo.
Waaahhh! Ba't ang hilig naman yata nilang humalik!? Hindi ako sanay sa body contact kahit family members pa! Hindi naman ganito sina Lola sa 'kin eh at saka hindi ko sila kadugo! Nakakahiya! Paano nalang kung ang baho ko na 'diba? Huhu
Nang makapag-ayos na 'ko ay hindi ko na nadatnan sa kwarto si Alexandra. Kaya agad na 'kong lumabas at nagtungo sa elevator. Nasa dining area na silang lahat maging si Alexandra.
BINABASA MO ANG
You're really something (GirlxGirl) | COMPLETED
Fantasía"Gusto ko ng tanggapin na wala na talaga. Ang kaso, sa presensya palang niya ay nagwawala na ang puso ko't umaasa." - Weirdo "You're confusing me, Montefalco." - Sungit --- This is a girl to girl story everyone. I hope y'all like it. Enjoy reading...