Chapter XXIV

104 31 0
                                    

Lian POV

Biyernes na at maaga kaming pinapasok sa kadahilanang nandito sa paaralan ang magulang ni sungit kasama ang Tita Irish at Tito Mark niya maging ang Principal, Head teachers at ang mga shareholders pati si Dad.

Inanunsyo sa amin na pagtapos daw ng championship battle ay may field trip daw ang mga nasa Elementary at camping naman daw sa mga Junior High at Senior High student.

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon nina Cassandra, Rex, Kyla, Troy at Maxene para mag-agahan. Ayon naman kay Maxene ay parating palang daw si sungit kasama si Javier

Pupunta nga pala kami sa switzerland at australia. Patungkol sa negosyo. Sa lunes din ang alis namin at sa linggo ang uwi. Tatlong araw sa switzerland at apat na araw naman sa australia.

Kasama ko sina Grandpa, Dad, Alexander, Frances at Alexandra. Gusto ngang sumama ni Mikaela kaso ayaw naman ni Alexandra.

Hanggang ngayon ay sinusuyo pa rin ito ni Mikaela at humingi rin naman ito ng permiso kina Mom na nagulat noong una pero hindi naman tumutol. Matanda naman na raw kasi si Alexandra at kaya niya ng magdesisyon para sa sarili niya.

And they are very supportive! Palaging nangunguna si Alexander sa panunukso sa kanya 'tapos gagatong naman ako maging sina Grandma kaya ending pulang-pula lagi si Alexandra.

Hindi nga namin alam kung naiinis ba siya o kinikilig ahaha.

"Kaiden, ayos ka lang?" tanong bigla ni Troy nang mapansin niyang napangiwi ako.

Agad kong inayos ang postura ko at ngumiti dito. "O-oo, inaantok lang." sambit ko na ikinatango naman nito.

"Umidlip ka muna kaya? Mamaya pa naman ang next class natin." saad naman ni Cassandra.

Umiling ako't napasandal sa kinauupuan. "Hindi na. Ayos lang ako dito."

Yumuko ako ng bahagya at wala naman na 'kong nakuhang sagot sa kanila kung kaya't pumikit ako ng tuluyan at ininda na lamang ang sakit na nararamdaman.

Kumikirot kasi ang tama sa balikat at binti ko. Pinili ko ngang magsuot ngayon ng P.E shirt at P.E pants saka ko pinatungan ng hoodie ang shirt na suot upang hindi mahalata nino man ang iniinda ko.

Sana palang agad na 'kong nag-teleport kagabi sa mini mansion upang nalunasan agad ang mga tama ko.

Dalawang oras pa pala umeepekto ng lubusan ang golden capsule upang maghilom ito ng tuluyan.

Tatlumpung minuto pa ang kailangan. Huhu

Bigla tuloy akong napatulala sa kawalan at hindi mapigilan alalahanin ang nangyari kaninang madaling araw na nagbigay gulat sa 'kin ng husto.

Hindi ko akalain na...

Flashback

Ilang oras na 'kong nakaupo sa sanga ng puno at nakahilig habang nakahalukipkip. Mataman kong pinagmamasdan ang lalaking nakasandal sa kanyang sasakyan habang nakamasid na naman sa bahay ni sungit.

Nauna ako ng dalawang oras sa kanya at magwawalong oras na siyang nandito. Hindi pa 'ko pwedeng umalis at baka mapahamak na nga ng tuluyan si sungit.

Maya-maya pa ay tumayo na ito ng tuwid at binuksan na ang pinto ng sasakyan niya. Sinulyapan pa niya ang bahay ni sungit bago sumakay.

He tried to start his car engine ngunit ayaw itong umandar. Pinagmasdan ko siyang pumili ng plate number at dinikit don sa likod ng kotse niya.

Tinulak niya ito sa bakanteng lote. Ang kinaroroonan ng punong kinauupuan ko. Hindi niya naman ako makikita lalo na't malayo pa rin naman ang puno at bahagya niya lang tinulak ang sasakyan.

You're really something (GirlxGirl) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon