Third Person POV
Umalingaw-ngaw ang sigaw ng Auntie ni Lian sa buong bahay ng pamilya Fuentes nang makapasok siya sa kwarto ni Lian na ngayon ay walang malay na nakahandusay sa sahig.
Naging hudyat ang sigaw ni Marta sa mga taong nasa unang palapag ng bahay.
Dinig sa buong bahay ang mga nagmamadaling mga yabag na paakyat ngayon sa kinaroroonan ni Marta.
Lumukob ang kaba sa Ina, Ama, nakatatandang lalaking kapatid at Lola ni Lian nang malapit na sila sa kwarto nito.
Tila nakakita sila ng multo at tinakasan ng dugo sa bigla nilang pamumutla nang makita si Lian na hindi na gumagalaw pa at tuluyan ng binawian ng buhay.
Mabilis na nasalo ng Kuya ni Lian ang nahimatay nilang Lola at tuluyan na ring humagulgol ang nagsisilbing ilaw ng tahanan sa pamilyang Fuentes habang pilit naman ginigising ng haligi ng tahanan ang wala ng buhay na si Lian.
Maputla na ito sa dami ng dugong lumabas sa pulsuhan niya dahilan mamantsahan na rin ang kanyang mga saplot na suot at dumanak na rin ang dugo sa sahig.
Samantala, hindi alam ng pamilya Fuentes na nakatayo lamang si Lian sa tabi ng kanyang kama. Hindi niya akalaing lumabas ang kaluluwa niya sa kanyang katawan at ngayon ay kitang-kita niya ang paghagulgol ng kanyang Ina habang napasuntok nalang sa pader ang kanyang Ama. Nakita niya rin na umiiyak ng tahimik ang kanyang Kuya na ngayon ay maingat na hiniga ang kanyang Lola na wala pa rin malay.
Pilit siyang ginigising ng mga ito ngunit umiling-iling siya kahit hindi siya nakikita ng mga ito habang pinupunasan ang mga luhang walang tigil sa pagdausdos mula sa kanyang namumugtong mga mata.
Patawad po. Pagod na pagod na po ako. Hindi ko na po kinaya pa.
Mahinang bulong niya sa kanyang isipan. Pumikit siya't unti-unting tumalikod. Bago siya tumagos sa kanilang may kalakihang bahay ay saglit niya pang nilingon ang mga ito at napangiti ng bahagya.
Paalam po...
Huling sambit nito at tuluyan ng nilisan ang lugar na nagbigay sa kanya ng kalungkutan, paghihirap at sakit na kailanman ay hindi niya na nanaisin pang maramdaman.
Depresyon ang pangunahing dahilan kung bakit dito na humantong ang lahat. Hindi basta-basta ang lahat ng kanyang pinagdaanan sa mga araw na lumipas.
Sa natitirang dalawang linggo ay nalalabanan pa naman nito ang depresyon ngunit gabi-gabi siyang binabangungot at mas lalong nakakapag-isip ng mga bagay-bagay na hindi niya intensyong isipin lalo na't madalas siyang nakakarinig ng mga taong bumubulong-bulong sa kanya.
Mas lalo siyang nahirapan na labanan ang labis na kalungkutan nang mapang-abot sila ng kanyang Ama na napagbuhatan siya ng kamay kagabi lamang nangyari.
Pinipilit siyang ipakasal sa panganay ng kumpadre ng kanyang magulang at higit pa roon ay lagi rin niyang nililinis ang buong bahay kahit tila bibigay na ang buong katawan niya pagka-uwi galing trabaho.
Insulto na nga ang kanyang natatanggap sa mga kamag-anak at nabubulyawan pa siya ng kanyang Ina kapag nakitang makalat muli ang bahay na ang kanyang mga pinsan ang may gawa.
Hindi niya na nakayanan pa at siya na mismo ang kumitil sa kanyang buhay.
Mahal man niya ang pamilya niya ngunit kailangan niya ng lumayo sa kanila.
Hindi niya na kaya pa at pagod na pagod na siya. Hindi niya magawang magalit sa kanila at tanging sa sarili na lamang niya binunton ang lahat ng naipon sa kanyang puso.
Ginawa niya naman na ang lahat-lahat. Madalas na walang sapat na tulog at kain sa pagpupursigi niyang makatulong.
At tingin niya'y sapat na ang mga yon at pinasya ng tuluyan ng makalaya sa kanyang paghihirap sa kamay ng kanyang pamilya.
BINABASA MO ANG
You're really something (GirlxGirl) | COMPLETED
Fantasy"Gusto ko ng tanggapin na wala na talaga. Ang kaso, sa presensya palang niya ay nagwawala na ang puso ko't umaasa." - Weirdo "You're confusing me, Montefalco." - Sungit --- This is a girl to girl story everyone. I hope y'all like it. Enjoy reading...